EPILOGUE

11.4K 676 136
                                    

Grabe ang kaba ko nang makitang papasok na ng private room ko ang nurse. Kagabi kasi nang niluwal ko ang pang-apat naming anak ni Morris ay bigla akong nawalan ng malay. Nang magising ay wala na sa tabi ko ang bata. Nilinis na raw at dinala sa newborn nursery. Hindi ko tuloy nalaman kung ano ang kasarian ng sanggol. Pinili kasi naming mag-asawa na huwag itong alamin para surprise. Tuloy ay hindi ko makontrol ang dagundong ng puso ko ngayon.

"Ready to meet our little one?" tanong ni Morris saka hinagkan ako sa noo.

Sinipat ko ang kanyang mukha for any clues. Aba, pinangatawanan ang pangako na hindi siya magbibigay ng spoiler.

Tinapik-tapik ko ang dibdib. Parang hindi ako makahinga. Last chance na kasi namin ito. Last chance magka-baby boy. Pagkatapos ng tatlong sunud-sunod na babaeng anak, tila nawalan na ako ng pag-asang magkaroon ng isang munting Morris San Diego. At gustung-gusto ko pa naman sana makita ang isang munting replika niya.

Sinalubong ni Morris ang nakangiting nurse at kinuha rito ang bata. Nakasuot ng puro puti ang munti naming anghel pati na ang pinambalot sa kanyang kumot.

"Sana kahit ano pa man ang kasarian ng bata tanggapin mo siya nang buong-buo. Normal naman eh. Iyan ang importante. At hindi lang iyan. Ito na yata ang pinaka-cute nating nagawa."

I froze. Ibig sabihin, babae ulit? Gusto ko nang umiyak. Pinangiliran na nga ako ng mga luha.

"Ssshhh. You're crazy. Mas mabuti nga na puro sila babae, right? Tingnan mo na lang kami? Lagi kami nasasangkot sa gulo no'n. Itanong mo kay Mom."

Humagulgol na ako.

"Hey. Stop. Kawawa naman itong batang ito. Parang ayaw mo yata sa kanya, eh."

Umiyak ang sanggol. Siguro naramdamang kulang ang pag-welcome ko. I felt guilty. I did all my will power to control my emotions. Pinahiran ko agad ang aking mga luha at hinagkan na ang ulo ng bata bago pa man siya maibigay ni Morris sa akin. The moment I felt its tiny body on my chest, napuno ng hindi maipaliwanag na kagalakan ang puso ko. Right there and then, natanggap ko na agad ang katotohanang hindi ako meant to have a son. Hinagkan-hagkan ko na lang ang bata at humingi pa rito ng paumanhin.

Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha, napansin kong kahawig na kahawig siya ng dad niya. Mula sa makakapal na kilay, matangos na ilong, at maninipis na labi. Morris na Morris talaga. Sa tatlo niya kasing ate mas sa ibang miyembro ng pamilya sila nagmana. Halimbawa si Sierre. Habang lumalaki ay nagiging mas kamukha ng lola sa side ng ama kaysa naming mga magulang niya. Si Solana nama'y parang si Mama na parang ako rin, pero mas lamang si Mama. Mga mata lang ang minana kay Morris. Pareho silang may malalantik na pilik mata at makapal na shapely eyebrows. Ang pangatlo naming si Sadie naman ay hawig sa Tita Shelby niya. They both look regal and poised without trying to be one. Napangiti ako nang maalala ang batang iyon. Tatlong taon pa lang kasi ay parang modelo na kung gumalaw-galaw.

"Hindi mo ba sisilipin ang kasarian ng bata?" si Morris uli.

Hinagkan ko uli sa noo ang bulinggit at dinala rin ang kanyang munting kamay sa mga labi ko. Sa mga oras na iyon, hindi na importante kung babae siya o lalaki. Naipagpasalamat ko na sa panginoong Diyos na normal siya at kamukha pa ng ama.

Pagbukas ko ng blanket sa ibabang bahagi ng katawan ng baby, nanlaki ang mga mata ko. Bumulaga kaagad sa akin ang itlog ng bata! Nang makita ko ang munti niyang ibon, napahiyaw ako sa kagalakan. Umiyak ang bulinggit. Hindi na kami magkamayaw sa pagpapatahan sa kanya. Para kaming timang ni Morris sa kakahagikhik. Hinampas ko siya sa balikat nang ilang beses dahil niloko niya ako. Inisip ko talaga na babae na naman ang baby namin. Not that it matter anymore. Pero siyempre, I have to admit I am so, so happy dahil dininig ng Maykapal ang panalangin naming mag-asawa.

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon