CHAPTER TWENTY-NINE

8.6K 427 27
                                    

Dali-dali akong inalalayan ni Morris papunta sa loob ng mansyon ng mga magulang niya. Nanghihina ako. Parang isa-isang nanumbalik ang mapait kong karanasan sa Isla Rosa. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang malademonyo niyang halakhak habang nginungudngod niya ako sa inidoro. Ang kagandahan lang ngayon dahan-dahan nang nabubura sa utak ko ang mukha na dati-rati'y ina-associate ko sa mala-dyablong boses na iyon. Hindi na ang daddy ni Morris ang iniisip ko kasabay ng mga mapait na alaala ng tinig na iyon.

"O, uminom ka muna ng tubig," sabi ni Mama sabay abot sa akin ng isang basong malamig na malamig na tubig. "Ano ba naman iyan, 'Day Tala? Nakakahiya kina balae," bulong pa nito sa akin.

"Huwag mong alalahanin iyon, balae," mahinahon namang sagot ng mommy ni Morris. Lumapit din siya sa akin at hinawakan ang isa kong kamay.

Naramdaman kong may humahagud-hagod sa likuran ko't humahalik-halik sa sentido ko. Nang sulyapan ko ito'y nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Morris.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

Napatakip ako ng mukha. At humagulgol. Nabubuang na ba ako, Lord?

"Ang mabuti pa'y dalhin mo muna siya sa inyong silid, Morris," narinig kong utos ng dad niya sa kanya. Mahinahon ang tinig. May gentleness.

Napatingin ako kay Mr. San Diego. Kasabay n'yon ay ang pagkaalala ko ng isang insidente sa isla. Nakita ko ang kanyang mukha. May naalala akong sinabi niya noon sa isang tauhan niya. Dalhin mo na siya sa isang silid sa basement. Mahinahon din ang boses niya noon. Subalit wala ang gentleness na expresyon ng mga mata na nakikita ko ngayon sa daddy ni Morris. Bakit hindi ko agad napuna ang malaking pagkakaiba nila ng lalaking nanakit sa akin sa Isla Rosa?

"May nag-clone po sa inyo!" naibulalas ko na lang.

May lungkot sa mga matang tumango-tango sa akin si Mr. San Diego.

"'Lika na. Mabuti pa't magpahinga ka muna," masuyong sabi sa akin ni Morris habang tinutulungan niya akong makatayo.

"Ang beybi ko?" tanong ko.

Nagpalinga-linga ako. Kinabahan na naman ako nang sobra. Sa labis ko kasing pagkabigla sa bisita namin kanina'y ni hindi ko na naisip kung sino na ang kumarga sa bata.

"Nandoon siya kay Shelby. Don't worry. She's being taken cared of," sagot naman agad ni Morris.

Pagkahatid ni Morris sa akin sa dati niyang silid, umalis din ito agad. May aasikasuhin lang daw. Pagkaalis naman niya, pumasok din sa loob ang mga magulang ko.

"Day Tala, naalala mo ba nang hinahabol tayo noon sa lugar natin sa Iloilo?" pabulong na tanong sa akin ni Papa with matching pa-suspense look.

Nanumbalik sa isipan ko ang paghahabulan namin ng mga tauhan ni Chairman. Wala akong masyadong naaalala liban sa pagkasunog ng bahay namin at ang habulan na iyon.

"Iyong bespren ni balaeng lalaki---nakita ko na siya noon sa atin. Bumisita siya kay Chairman. Nandoon siya bago magkasunog," sabi sa akin ni Papa. This time tumaas nang kaunti ang boses niya na parang naiinis dahil hindi ko naalala iyon.

"Paano maaalala ng anak mo iyon? Sa harap yata ng tindahan ni Aling Tessie nagpunta ang lalaking iyon, eh. Doon sila nagkita ni Chairman habang nakikipag-inuman sa inyo ang linintian (balasubas)," sabat naman ng mama ko.

"Teka. Kinausap niya si Chairman?" tanong ko kay Papa.

"Mismo. Naisip ko lang. Siya din kaya iyong Bosing na kausap ni Chairman sa telepono? Naalala n'yo? Noong parang nililigaw tayo ng yawa (diyablo) na iyon, may tinawagan ang deputa ('tangina) at iyon na nga. Narinig kong may binanggit siyang 'Bosing'. At ang Bosing na iyon ang gustong magpapatay sa ating mag-anak!"

DEAR VLOGGER #21 (MORRIS SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Where stories live. Discover now