027 • noon

226 13 22
                                    

noon

Jihoon is feeling ecstatic.

Why? Dahil lang naman kasama niya si Seungcheol ngayon at magkatabi pa sila habang umiinom ng kape. Nagbabasa ng diyaryo si Seungcheol habang siya naman ay hawak lamang ang bote ng kape niya at mabilis na ininom ito.

Hindi naman siya katulad ni Soonyoung pagdating sa crush niya. Hindi siya namumula, hindi siya nauutal, heck sobrang normal lang niya kapag malapit sa taong nagugustuhan niya. Pero isa sa flaws niya ay ang pagiging vocal sa nararamdaman niya, kaya naman pinipigilan niya talaga ang sarili niya na magsalita dahil sa oras na bumuka ang bibig niya ay alam niyang katapusan na niya. Kaya most of the times ay nananatili lang siyang tahimik kapag may dinadamdam. He can't control his mouth when he's feeling extreme emotions so instead of being vocal to his feelings, he choose to bottle it up instead.

Pero kahit ganoon ay masaya siya. Si Seungcheol naman ang pinag-uusapan dito kaya masaya siya.

"Jihoon, bakit parang may mali dito sa isang headline?" in-adjust nito ang salamin na suot at tinignan nang mabuti ang diyaryo. "Sa tingin ko kailangan 'tong i-revise. Baka iba ang dating sa mga makakabasa."

Jihoon sighed inwardly. Hindi siya iyong tipo ng tao na madaling ma-distract. Kung may isang bagay man siya na maipagmamalaki ay iyon ang concentration skills niya. Mabilis niyang natatapos ang mga gawaing ina-assign sa kaniya. Sa sitwasyon ngayon, madali lang naman niyang makikita ang pagkakamaling itinuturo ni Seungcheol pero damn, kanina pa siya nakatitig sa diyaryo pero bakit hindi niya makita ang mali roon?

Okay, usually, hindi talaga siya nadidistract kahit pa malapit sa kaniya si Seungcheol pero iba kasi ngayon. May... nag-iba sa itsura ni Seungcheol pero hindi niya malaman kung ano iyon? Mas kumikinang siguro ang mga mata nito? Mas gumanda ata ang ngiti nito? Parang mas nag-blooming ito sa mga nakaraang araw?

"Ipapa-revise ko na lang kay Joshua hyung," he sighed again. Hindi talaga siya makapag-focus ngayon at hindi niya alam kung ano ang dahilan. "Siya ang naka-assign sa copy reading."

"Hindi ba 'to na-proofread?"

Jihoin shrugged. "Na-proofread naman. Kaso baka sa stress na rin kaya hindi masyadong napansin."

"Ayos lang," tumawa si Seungcheol at ibinaba ang diyaryo sa mesa. "Minimal lang naman saka baka sa perspective ko lang nag-iba. Pero try n'yo rin."

Tumango na lamang siya at dinampot ang diyaryo, saka siya naglakad palabas ng opisina ni Seungcheol. Napatigil naman siya nang tawagin nito ang pangalan niya.

"Bakit?" tanong niya at saka lumingon dito.

How he wish he didn't look back.

Nagtatanggal kasi ito ng necktie niya, all the way while looking at Jihoon. Nang matanggal na ang necktie ay sunod naman nitong tinanggal ang polong suot, hanggang natira na lamang ay ang sando nito sa loob.

Putangina bes.

Nakatitig pa rin sila sa mga mata ng isa't-isa at wari'y ayaw magpatalo. Jihoon's eyes didn't waver kahit na gustong-gusto na niyang umiwas ng tingin kasi tangina, 'yung biceps bes, nakakatukso.

"Ah, tama nga si Soonyoung," tumawa si Seungcheol kaya naman kumunot ang noo niya. Tinanggal na nito nang tuluyan ang suot na sando at nagpalit ng black t-shirt.

Nagbihis ito sa harap ni Jihoon.

"Bakit? Anong sinabi ni Soonyoung?" set aside na muna ang abs ni Seungcheol, baka kung anong kalokohan na naman ang sinabi ni Soonyoung sa crush niya. Turn off kung magkaganon.

Ngumiti si Seungcheol. "Wala. Secret namin 'yung dalawa."

"Ano nga?"

Dumila lang ito sa kaniya. "Secret nga."

NEMESIS.Donde viven las historias. Descúbrelo ahora