080 • drift away

162 7 0
                                    

• Hello ~ listen to SVT's Drift Away while reading this chapter. Kahit masaya ang music no'n, ang sad naman ng lyrics. :(

drift away

Soonyoung stared at Jihoon who was currently fixing his things. Tapos na ang klase nila, at dahil malapit nang matapos ang school year, half day na sila magmula kahapong Lunes. Paniguradong mag-se-celebrate sina Jihoon at Seungcheol dahil sinabi nga ng nakatatanda na monthsary nilang dalawa.

Napa-buntong hininga na lamang si Soonyoung habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan.

"Jiji!" dumating si Seungcheol sa classroom nila at kaagad na niyakap si Jihoon. Ang mga tao naman sa paligid ay nagbigay galang sa presidente ng SSG at ang iba naman ay tinukso pa ang dalawa.

Kung sigurong ayos ang kalagayan ni Jihoon at Soonyoung, malamang ay tinukso na rin niya ito. Kaso may problema, na hindi naman alam ni Soonyoung kung ano ba iyon.

"Yo Soons!" nagulat naman siya nang bigla siyang tinawag ni Seungcheol. Napaayos bigla siya ng upo habang bahagyang nanlalaki pa ang mga mata. "Asan na si Seokmin?"

"H-Huh?" saglit na dumapo ang tingin niya kay Jihoon na ngayon ay nakatingin din sa kaniya. Mas lalo siyang pinagpawisan. "B-b-bakit?"

Nakita niya kung paano pigilan ni Seungcheol ang pagtawa nito, at bahagyang kumalma si Soonyoung. Ngunit nanigas siya sa kinauupuan niya nang biglang magsalita si Jihoon.

"Sasama ba kayo?" straight-faced na tanong ni Jihoon.

Soonyoung's heart was beating crazily, and he can't bring himself to open his mouth to answer. Masiyado siyang nagulat sa biglang pagkausap sa kaniya ni Jihoon. After a month! Jihoon finally talked to him!

"Oo, sasama sila," natatawang sagot ni Seungcheol. "Soons, ayos ka lang?"

Lumipat ang tingin niya kay Seungcheol na ngayon ay concerned na nakatingin sa kaniya. "O-oo h-hyung..."

Jihoon clicked his tongue. "Sa'n ba kasi tayo pupunta, love?"

"Surprise, love," Seungcheol answered teasingly, and Soonyoung watched the couple as they shared a kiss. "Magugustuhan mo ro'n kasi do'n pumupunta ang mga tulad mo."

"Siguraduhin mo lang," Jihoon rolled his eyes but he smiled afterwards.

Napangiti na lang nang malungkot si Soonyoung.

Masakit isipin na dati, siya lang ang nakakapagpangiti kay Jihoon nang ganiyan. Kaso ngayon, may kaniya-kaniya na silang kasiyahan. Siguro, hindi na siya kailangan ni Jihoon dahil may Seungcheol na na pumalit sa kaniya sa puso ni Jihoon.

Muntik nang maluha si Soonyoung dahil sa naisip niyang iyon, ngunit kinagat niya ang labi niya upang pigilan ito.

He should be happy for Jihoon, since Jihoon was the reason why he finally found his own happiness, why he finally found Seokmin.

"S-sasama raw si S-Seokmin," tumayo si Soonyoung at isinukbit ang kaniyang bag. "Uhm, ayos lang ba talaga na kasama kami?"

Jihoon was the one who answered. "It's fine tutal..." nagbuntong hininga ito. "Hindi lang naman kayo ang kasama."

Natawa si Seungcheol. "Mingyu and Minghao are coming, too. Si Jeonghan at si Jisoo makikisali rin kasi wala raw silang magawa. Si Chan ay pinilit isama si Seungkwan at Hansol. Ayun, nag-aaway na naman si Seungkwan at Chan, as usual. Si Wonwoo, hindi ko sure."

"If Junhui is free then they will come too," pairap na sabi ni Jihoon. "Ewan ko sa dalawang 'yun, palaging dine-deny na may feelings sila para sa isa't-isa."

NEMESIS.Where stories live. Discover now