097

161 6 1
                                    

Incoming call from Seungcheol...

ACCEPT | DECLINE

"Jihoooooon!"

"Punyeta Seungcheol. Ang lakas ng boses mo. Hindi ako bingi."

"Ay sorry. Na-excite lang."

"Ano ba 'yun? Kakakita pa lang natin sa practice room kanina ah."

"Na-miss kita."

"Pakyu."

"Grabe! Ito naman. Joke lang siyempre."

"Do'n ka na kay Chan. Isusumbong kita na lumalandi ka na naman."

"Oy! Hindi ako lumalandi! Assuming ka ring pandak ka."

"Gilagid ka."

"Walang personalan!"

"Tanga."

"Ang harsh!"

"Ano ba kasi kailangan mo?"

"Anong date ngayon?"

"Puta. Naghihirap ka na ba at wala kang kalendaryo?"

"Ehh bastaaaaa. Tignan mo na lang kung anong date ngayon."

"Oo na, letse."

"Oh ano?"

"..."

"Hoy."

"..."

"Wala ka rin bang kalendaryo?'

"... June 15."

"Wow. Nagsalita rin. Akala ko napipi ka na."

"June 15 ngayon, Cheol."

"Buti alam mo na."

"A-ayoko..."

"Gago ka rin 'no? Sinabihan kita no'ng birthday niya last year na gawin mo na pero ewan ko sa 'yo kung bakit bigla kang umatras."

"Huwag ngayon.."

"Kelan pa, Jihoon?"

"Masaya pa sila ni Seokmin."

"What. Matagal na silang wala ni Seok!"

"H-Ha?"

"Hantanga mo."

"Gago ka ah."

"Makinig ka naman kasi sa 'kin, Jihoon!"

"Oo na. Punyemas."

"This is your chance! Ibigay mo na sa kaniya 'yang regalong ilang buwan nang nakatambak lang sa kwarto mo. Sabihin mo na 'yang mga salitang ilang taon nang nakatambak lang sa isip mo. Iparamdam mo sa kaniya 'yang pagmamahal mo na ilang taon na ring nakatambak lang sa puso mo!"

"Andami mong sinasabi. Tsk."

"Aba, Jihoon. Hindi ako nakipag-break sa 'yo para makita ka lang na miserable at brokenhearted. Tali-talino mo tapos tanga ka naman sa ganitong bagay."

"Magpasalamat ka Seungcheol at wala ka sa harapan ko ngayon kundi nahampas na kita ng keyboard."

"Magpasalamat ka rin at tinutulungan pa rin kita kahit nakakabwisit ka na."

"Wow. Parang noon lang, sinasabihan mo pa ako na miss na miss mo na ako at kailangan mo ng kiss galing sa 'kin. Ngayon minumura mo na ako."

"Past is past, Jihoonie. Para kay Chan na ako."

"Talandi."

"Ewan ko sa'yo. Segue ka na naman. Umalis ka na diyan sa studio mo at pumunta kay Soonyoung! Doon pa rin siya nakatira."

"Oo na. Ingay mo eh."

"Baliw kasi, eh magkaharap na kanina hindi man lang binati."

"Ikaw na lang kaya?"

"No thanks. Hindi ko type mga singkit."

"Malaki ba mata ko at ni Chan, ha?"

"Hahampasin na kita. Umalis ka na!"

"Oo na, punyeta ka."

"Punyeta ka rin. Bye."

"Bye."

call disconnected.

NEMESIS.Where stories live. Discover now