099 • crazy in love

192 9 7
                                    

crazy in love

"Sa'n punta mo, hyung?"

"Ay kabayo!!"

Napatalon sa gulat si Soonyoung nang biglang sumulpot si Seokmin sa kaniyang likuran. Nasa harapan pa man din siya ng salamin kaya akala niya ay may multo.

"Nakaka-offend 'yun hyung ah," sabi ni Seokmin at umupo sa kaniyang kama. Kasunod nito si Jeonghan na umupo rin sa kama niya.

Inihagis ni Soonyoung ang hawak niyang polo sa kaniyang study table at pumunta sa kaniyang closet.

"Mga walanghiya kayo, hindi man lang kayo kumatok," umirap si Soonyoung kahit hindi siya nakikita ng mga ito. "Pa'no kung hubad pala ako rito, ha?"

"Sus, nakita ko na 'yan," casual na sabi ni Seokmin kaya nabato siya ni Soonyoung ng hanger at nabatukan ni Jeonghan. "Aray ko naman! Ang sadista niyong dalawa!"

"Ang bastos ng bunganga mo, Minmin," malumanay na sabi ni Jeonghan. Hindi tuloy alam ni Soonyoung kung jowa ba ito ni Seokmin o nanay.

Nagpakawala ng malakas na buntong hininga si Soonyoung. "Wala akong masuot!!"

"Sa'n ba punta mo, Youngie?" tanong ni Jeonghan habang inilalabas ang mga pagkaing dala nila, which includes junk foods, and beer. "O, Min, ngayon lang kita pinapayagang uminom, ah?"

"Opo, inay," buntong hininga ni Seokmin.

Natawa naman doon si Soonyoung. "Bottom amp."

"Pakyu, Soon hyung," sabi ni Seokmin pero kaagad din nitong tinakpan ang bibig dahil paniguradong papagalitan siya ni Jeonghan. "Sa'n ka ba kasi papunta? Aba, ba't mo pa kami pinapunta rito kung aalis ka lang naman? Dapat nag-date na lang kami ni Hanie hyung."

"Minmin," pagbabanta ni Jeonghan.

"Biglaan kasi," lumapit sa kanila si Soonyoung at humiga sa bakanteng espasyo sa kama. "May date kami ni Jihoon."

"Ulol," irap ni Seokmin.

Natawa si Jeonghan, sa halip na pagalitan si Seokmin. "Hindi ko pinagalitan si Min, kasi honestly, iyon din ang gusto kong sabihin."

"Paker kayo," kinuha ni Soonyoung ang cellphone niya at ipinakita sa dalawa ang convo nila ni Jihoon. "Ayan, basahin niyo."

Malakas na suminghap si Seokmin habang si Jeonghan ay tumango-tango lamang.

"May date kayo?!" hindi makapaniwalang tanong ni Seokmin. "Bakit ang panget ng suot mo?!"

"Hindi ko alam kung ma-o-offend ba ako diyan o ano," pairap na sagot ni Soonyoung.

Tumayo naman si Jeonghan at binuksan aang closet ni Soonyoung. "Kailangan mong mag-ayos. Youngie! Ako bahala sa damit mo."

"Aakuin ko sana ang hairstyle mo kaso baka magmukha kang pulubi," sabi ni Seokmin habang tumatawa. "Dapat pala isinama namin si Gyu."

"Oo nga, sayang," sabi ni Jeonghan habang pumipili pa rin ng damit. "Youngie, anong oras na?"

Tinignan ni Soonyoung ang kaniyang cellphone. "7:34 na."

"Hanie hyung, dalian mo diyan."

"Oo na, Min. Eto na."

Humarap sa kanila si Jeonghan na may hawak na isang white shirt na may black prints at isang black sweatpants na may connecting chain, o kung ano man ang tawag doon.

"These would look good with your blonde hair!" excited na ibinato ni Jeonghan ang mga hawak nito papunta kay Soonyoung, pagkatapos ay kumuha rin ito ng sapatos na mas makinang pa sa kinabukasan mo, na patched with black and brown colours.

NEMESIS.Where stories live. Discover now