056 • change up

155 7 12
                                    

change up

"Hi, naghintay ka ba?"

Napalingon si Jihoon sa boses na narinig at kaagad naman na napatayo.

Nakatayo sa harapan niya si Kwon Soonyoung, ang kaniyang matalik na kaibigan. Naka-polo ito na puti at ripped maong pants na tinernohan ng puting sneakers. Soonyoung looked good today, mukha rin itong masaya. Ibang-iba sa Soonyoung na nakilala niya noon, iyong mahiyain, hindi marunong pumorma at iyakin. Akalain mo naman, ito pala ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao.

"Hindi naman," ngumiti si Jihoon. "Pero alam mo bang sa span pala ng tatlong oras ay may 478 na tao ang pumapasok sa restaurant na 'to?"

Napailing naman si Soonyoung bago umupo sa harapan niya. "Naghintay ka nga."

Jihoon took a good look at his best friend. Nagbago ang kulay ng buhok nito. From black to blonde at masasabi ni Jihoon na bagay talaga kay Soonyoung ang kahit anong kulay ng buhok. Kahit siya naman ay nagpabago rin ng kulay ng buhok. Pink ito dati, na kinulayan niya ng lime green kamakailan lang, pero naumay din siya kaya pula na ang kulay ng buhok niya ngayon. Gusto rin sana mag-try ni Jihoon na magkaroon ng mullet ngunit nang makita niya kung gaano kagaling magdala si Minghao ng mullet ay naisip niyant huwag na lang.

Pero hindi naman ito tungkol sa pisikal na anyo nilang dalawa ngayon.

"Tagal nating 'di lumalabas, 'no?" pagbasag ni Jihoon ng katahimikan.

It was odd, dahil kapag magkasama silang dalawa ni Soonyoung ay hindi nagkakaroon ng katahimikan. Ngunit iba ngayon, dahil nakatitig lamang si Soonyoung sa kaniyang cellphone at mukhang may kausap. Hindi na rin nito napansin ang milktea na inilagay ng waitress sa harapan nila dahil sa tutok na tutok ito sa kaniyang cellphone.

"Huy, Soonyoung," kumaway pa sa harapan nito si Jihoon dahilan para mabalik ito sa reyalidad.

Kumunot naman ang noo ni Jihoon. "Sino ba 'yan?"

"Ah," ngumiti si Soonyoung, iyong ngiting may halong kilig. "Kausap ko kasi si Seokmin. Nagkukwento tungkol sa pinsan niya, si Minhyuk hyung. Biruin mo 'yun, trainee na pala 'yung si hyung sa Starship Entertainment? Tapos mag-dedebut na sa isang boy group. Hay, sana ako rin."

Pilit na ngumiti si Jihoon. "Malapit na naman tayong gumraduate."

"Oo nga," pinatay ni Soonyoung ang kaniyang cellphone at itinago sa kaniyang bulsa. "Excited na nga ako. Gusto ko nang makapag-debut as a performer."

Tumango na lang si Jihoon at hindi na tinignan pa si Soonyoung. Nagtataka siya sa sarili niya kung bakit hindi niya kayang maging masaya? He should be glad that Soonyoung came despite his busy schedule with Seokmin, but he can't bring himself to be happy due to this unsettling feeling in his heart.

Jihoon huffed. Hindi niya talaga alam kung bakit bigla siyang nawala sa mood. Masaya naman siya kanina-- well, hindi ganoon kasaya pero hindi naman siya ganito ka-down. Parang bigla na lang may nag-off sa mood button niya at tumamlay na lang siya bigla. Dahil ba kay Soonyoung? O baka naman dahil halos tatlong oras din siyang naghintay dito?

"Ayos ka lang ba Jihoon?" nag-aalalang tanong ni Soonyoung, kaya naman napatitig muli sa kaniya si Jihoon.

Dalawang buwan.

Dalawang buwan na simula nang huli silang nagkasama na sila lamang dalawa. Nakakapag-usap naman sila through chat, ngunit lahat ng iyon ay tungkol kay Seokmin. Tinulungan ni Jihoon si Soonyoung na ligawan si Seokmin at sa awa ng Diyos, maayos naman ang kinalabasan. Wala pa namang label si Soonyoung at Seokmin, pero makikita na sa kanilang dalawa na mahal nila ang isa't-isa.

NEMESIS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon