096 • a-teen

177 6 6
                                    

Hi~ listen to SEVENTEEN's A-TEEN while reading this chapter. ^,^

• There's a new season of A-Teen and one of the OSTs (NINETEEN) was written by our very own Uji

a-teen

"Jihoon, puede mo ba akong tulungan dito sa kanta ng Nuest? Wala akong maisip."

"Naku, Bumzu hyung... Ginagawa ko pa kasi 'tong para sa 17 Project. Kailangan na ba 'yan?"

"Oo, eh. Pero sige, ayos lang. Nandiyan pa naman si—"

"I can help, hyung."

Naputol sa pagsasalita si Bumzu at natigilan naman si Jihoon. Nakita niyang ngumiti si Bumzu habang nakatingin sa likuran niya.

Letse, Jihoon. 'wag kang lilingon.

"Naku, salamat Soonyoung. Wala ka bang ginagawang choreo?"

"Tapos na, hyung."

Edi wow.

Magsasalita na sana si Jihoon para makaalis siya pero para siyang napipi nang maramdaman niyang may tumayo sa tabi niya, at kita niya sa kaniyang peripheral vision ang blonde na buhok ng lalaki, ang singkit na mga mata nito, at ang mapula-pula at very kissable lips nito—

Wtf, Jihoon? Napailing siya para alisin sa isip niya ang mga iniisip niyang iyon.

Ang gwapo naman kasi ni Soonyoung sa blonde hair.

"O, Jihoon, mag-hi ka naman kay Soonyoung," natatawang sabi ni Bumzu. "Magiging kagrupo mo 'yan siguro 'pag nag-debut na kayo."

"Ha-ha," awkward na tawa ni Jihoon at hindi pa rin tumitingin kay Soonyoung. Baka kasi 'pag tumingin siya rito ay halikan na lang niya ito bigla.

Kingina. Miss na miss ko na siya.

"O siya, alis na muna ako. Ingat kayo mamaya pag-uwi," kumaway ito sa kanilang dalawa. "Nga pala, happy birthday, Soonyoung!"

Nakita niyang ngumiti si Soonyoung. "Salamat, hyung."

Tuluyan nang umalis si Bumzu kaya naiwan si Jihoon at Soonyoung doon na magkatabing nakatayo. Sa totoo lamang, sobrang awkward talaga ni Jihoon sa tuwing nagk-krus ang landas nilang dalawa ni Soonyoung. Kaya naman ginagawan niya ng paraan para hindi na sila magkita. Katulad ng pagkukulong sa studio at paggawa ng mga kanta maghapon para hindi na siya lumabas.

"Uh, Jihoon—"

"Seungcheol!!"

Kaagad na tumakbo si Jihoon papalapit kay Seungcheol na kalalabas lang ng practice room at kasama si Chan. Pawisan ang dalawa, at gusto na lang isipin ni Jihoon na nag-practice sila ng sayaw. Kahit si Chan lang naman ang dancer sa kanilang dalawa.

"Jihoon? Anong—" naputol sa pagsasalita si Seungcheol nang mapatingin ito sa likod ni Jihoon. "Jusko. Si Soonyoung lang pala."

"Hanggang ngayon ba, hyung, iniiwasan mo pa rin si Soon hyung?" takang tanong ni Chan.

Bumuntong hininga si Jihoon. "Wala naman nang rason para magpansinan pa kami."

NEMESIS.Where stories live. Discover now