095

155 7 6
                                    

To: JIGOON

Hi..

Hindi ko alam kung bakit ako nag-text pero.. ewan ko. Andami kong gustong sabihin sa 'yo pero hindi kita mahanap. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Kaya sana, kahit itong mga text lang, basahin mo. Please..

Buti na lang unli ako.

Miss na miss na kita, Ji.

Una, sorry.

Sorry kasi hindi ko man lang napansin 'yung nararamdaman mo. Kelan pa ba? Kelan pa nagsimula na mahulog ka sa 'kin? I'm sorry kung naging manhid ako. Hindi... Hindi ko talaga alam eh.

Nag-guilty ako kasi sa 'yo pa ako humingi ng tulong noon para kay Seokmin. Hindi ko man lang naitanong kung ayos lang ba talaga sa 'yo, kasi nabulag ako sa nararamdaman ko para kay Seok.

Pero Ji...

Ewan ko rin.. Kasi...

Ewan ko. Hindi ko alam kung paano sabihin. Naguguluhan pa ako.

Pero iisa lang ang pumapasok sa isip ko kapag iniisip ko kung paano ito i-eexplain.

Mahal kita, Jihoon.

Bilang kaibigan, bilang best friend, bilang kapatid,

Bilang ikaw.

Pamilya na rin kita, Jihoon. Ikaw na 'yung itinuring kong bunsong kapatid kahit na limang buwan lang ang tanda ko sa 'yo.

Pinangako ko sa 'yo na poprotektahan kita, 'di ba?

Papaano ko na magagawa iyon, kung wala ka na sa tabi ko ngayon?

Papaano ko masisiguradong kumakain ka sa tamang oras kung hindi na ikaw ang kasabay ko kumain?

Sino na ang yayakap sa 'yo sa tuwing nagkakaroon ka ng masamang panaginip?

Sino na ang kakanta sa 'yo sa tuwing hindi ka makatulog?

Sino na ang magpupunas ng mga luha mo sa tuwing umiiyak ka?

Sino na ang magpapangiti sa 'yo sa tuwing malulungkot ka?

Sino na ang bagong Kwon Soonyoung sa buhay mo?

Ji....

Bakit hindi mo man lamang ako hinanda sa pag-alis mo, para naman hindi ako maghihintay ng ganito? Para hindi ako masasaktan ng ganito?

Walang iwanan, 'di ba?

Pero sabagay.. promises are made to be broken. Ikaw nagsabi niyan.

Hindi ko na alam.

Nababasa na 'yung screen ko kasi tumutulo na 'yung laway ko hahahahaha

'yun.

Wala na 'kong masabi.

Mag-iingat ka, pandak.

One call away lang ako. Kahit mag-Smart alert ka lang sa 'kin, susuyurin ko ang buong mundo para lang mapuntahan ka.

Nandito lang ako. Iwewelcome kita.

Mahal na mahal kita, bespren.

Masakit pero... I'm setting you free.

√ READ.

NEMESIS.Where stories live. Discover now