005

441 51 29
                                    


rivalry
────────────

Leirand

Ako lagi ang nagpapagaan ng mood sa grupo pero sa ngayon mukhang hindi ko yun magagawa. Sa totoo lang ang hirap din mag salita ngayon. Lalo na sa nalaman namin. Hindi pa ganun nag uusap sila Synver at Steilah tila ba mukhang nagsisihan pa sila.

Tahimik kong tinignan bawat isa sa barkada. Masasabi kong nag iisip sila ng malalim bukod kay Rovier na mukhang chill lang. Gaya ko dahil alam kong kaya na nung iba mag isip-

"Nginingiti mo diyan?" napaayos ako ng upo ng sinipa ako ni Hixiel at tinignan ng masama.

"I don't know what to say about this matter" simula ni Leigh.

Siraulo talaga ang Calvin na iyon. Ano ang problema ng ugok na iyon? Ganun na ba sila ka praning at gagawin talaga nila lahat para sila lang mauna sa rankings? Ang bibo naman nila kung ganun.

"Sa tingin niyo kasali ba yung ibang taga  Iris Dormitory? Or si Calvin lang nagplano nito?" tanong ni Rhesia. May point naman siya pero ang hirap din paniwalaan na walang alam ang taga Iris nito.

"I mean baka siya lang mag kusa kumilos na tayo ang itulak sa violation na ginawa niya" pag explain maigi ni Rhesia.

"Kung ganun-" napatingin kami kay Huero ng natigil siya sa pagsasalita.

Napatingin ako kung saan siya nakatingin at tumigas ang panga ko ng makita ko ang mukhang pwet na nakangiti ng nakakainis sa amin.

"Kung ganun may problema talaga siya sa atin" kalamang sabi ni Huero.

Mabuti at hindi siya nainis sa ginawa ni Calvin-

Napatayo kami ng biglang tumakbo si Huero palabas at agad sinuntok si Calvin. Tang ina naman isa pa itong praning.

"Walang mag vivideo. Ang makikita kong nakahawak na kahit ano siguradong tatamaan nitong libro na dala ko"

Hindi kami agad naka galaw dahil sa gulat mabuti nalang at narinig namin yung sigaw ni Hixiel na agad sumunod kay Huero sa labas ng room.

Huero

"Gago ka, bakit mo yun ginawa" giit kong sabi habang sinusuntok ang kanyang mukha.

Mas lalo akong nagalit ng nakangisi lang ito habang sinusuntok ko siya. Putang ina, he'll gonna play as the victim-

"Wala nga sabing mag video" doon ko narinig ang malakas na pag bagsak.

"Let us pray for the dead soul of Ayumi's phone" sabi ni Leirand sabay tawa. Hindi parin kumilos si Calvin kaya nilakasan ko ang pag suntok sa kanya at hinigit siya pataas.

"Ano? Akala mo wala kaming pruweba? Nakalimutan mo ata Calvin makalat ka kumilos. Kitang-kita namin kung gaano ka ka kalat kumilos. Ngayon, sa amin mo pa isisi yung pag iinuman niyo aa dorm niyo" sigaw ko sa kanya pero nakuha parin niyang tumawa ng malakas kahit bugbog sarado na siya.

"Oh Synver, sa wakas dumating ka na rin. Gallem, Gannet at Rhesia, tinignan niyo ang ginawa ng kaibigan niyo sa akin oh. Intake ako bigla" mas hinigpitan ko ang mag hawak sa kwelyo niya. Gago

"Ah, oo nga pala magka barkada nga pala kayo. Syempre si Huero ang papanigan niyo. Bias kayo eh porket apat sa inyo ang nasa elite ten"

"Kayo yung naiingit sa akin kaya nuyo alo pinag bibintangan. Mas sikat ako sa inyo kaya sinisiraan niyo ako ngayon dahil gusto niyo makuha yung kasikatan ko"

"Hindi kami naghahabol sa kasikatan Calvin ikaw lang iyon" giit kong sabi sa kanya pero tumawa naman ito lalo.

"Really? Yung pag vlog niyo diba pa famous kayo masyado"

"Katuwaan iyon Calvin hindi kami naghahangad maging sikat gaya mo na gustong gusto sumikat kaya ginagawa lahat para lang walang aagaw sa pwesto mo-" bastos talaga itong si Calvin hindi niya pinatapos si Lierand.

"Ganyan kayo eh ginagamit niyo yung position niyo para katakutan kayo para masunod yung mga gusto niyo. Hindi kayo karapat dapat diyan-"

"Sino naman karapat dapat? Kayo? Ikaw? Sabihin natin na ikaw pero kahit sa nomination palang bagsak ka na kasi wala kang utak. Utak basura ka, ewan ko ba bakit ang dami nagkaka gusto sayo" nabigla ako sa sinabi ni Hixiel sabay niyang hinila ang buhol ni Calvin at tinulak papunta kay Steilah na agad namang hinawakan sa kwelyo.

"Ano? Dahil gwapo ka? Maganda katawan mo? Eh kung sirain ko yan ngayon? Yung pinagmamalaki mo?" bakit nakisali pa ang dalawang to- hinawakan ako ni Hixiel at tinignang masama. So ako na ngayon ang hindi nila pasasalihin.

"Let's stop this, Steilah let him go" sabi ni Gannet at doon ko lang napansin na wala na yung ibang estudyante.

"Let it go Steilah" pilit na alisin ni Synver yung kamay ni Steilah na nakahawak sa kwelyo ni Calvin pero nag mamatigas parin ito.

"Sige na guys, wag na natin palakihin ito" pag salita naman ni Rhesia habang inaayos yung mga kalat sa hallway at kita ko rin paano sinisigurado ni Leirand at Gallem na walang makakakuha ng video o kahit na anong pruweba tungkol sa nangyayari ngayon.

"Ok sabi niyo eh" binitawan na ni Steilah si Calvin pero nabigla kami ng malakas na sinipa ni Steilah yung pinaka inaalagaan ni Calvin.

"Walang lalabas sa nangyari dito Calvin. Wag ka mag sumbong kung ayaw mo masira yang career mo. Baka magulat ka nalang na nandun ka na sa balita" napakunot yung noo ko sa sinabi ni Steilah at agad ko namang tinignan yung iba at mukhang wala din silang alam sa pinagsasabi ni Steilah.

Tumayo si Calvin at inayos ang kanyang sarili kahit nasasaktan siya sa bandang baba niya.

"Sige pero wag kayong magkampante dahil may oras din kayo sa akin. Kayong sampu iisahin ko kayo. Iisahin kong sirain buhay niyo" napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Tumahimik ka nalang sana Calvin dahil sa sinabi mo uunahan ka na namin" pag hamon ko sa kanya.

"Let's play the game. Unahan tayo kung sino unang masira sa atin. Lalo na andadaming baho magkakabarkada" napangisi naman ako sa sinabi niya.

"Mas madami yung iyo at mas mabaho pa kaysa sa amin Calvin baka nakalimutan mo" sumingit si Synver. Now Calvin finally triggered Synver.

"Nakalimutan mo ata yung issue ngayon-"

"Let him be. Hindi kami natatakot Calvin kasi mas malaki yung mawawala sa iyo. The point is kaya mo bang talunin ang bawat isa sa amin? Goodluck" yan ang huling salita ni Synver bago niya kami iniwan.

─────────────

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon