019

301 37 42
                                    


bad wolf
────────────

Leigh

Nagmamadali kami ngayon dahil nagsimula na yung baryo fiesta doon sa campus. Abot yung mga design hanggang dito sa mga dormitories. Pero halos walang katao tao dito dahil nanduon na sa baryo fiesta.

"Leirand bilisan mo naman, sino ba naman yung pa gagwapohan mo dun?" tinignan ko naman ulit siya na nag aayos sa harap ng salamin.

"Kailangan ko maging presentable, lalo na ikaw pa kasama ko" nagmake face naman siya kaya natawa ako. Bakla talaga ito paminsan minsan.

"Tara na nga baka wala na tayo maabutan dun" kinuha ko na yung bag niya at di ala sa labas. Hindi yun aalis hangga't wala kang gagawin.

"Oh bakit kayi bumalik dito?" tinanong si Rhesia at Rovier na mukhang natapunan ata ng pagkain.

"Eh kasi naman si Gannet at Hixiel nauna kumain. Eh naghingi si Gallem pero hindi nila binigyan edi ayun nag agawa edi natapon sa amin" mabuti pala at wala pa kami roon.

Madaming booths ang makikita doon at kanya kanya ng serve ng pagkain from the name itself na baryo fiesta. It's a fiesta dahil sa paparating na Commerce Last Day. Every month ay may celebration every course so this month ay sa Commerce which is our course.

Pinakamarami ang Commerce students. Kaya bongga talaga ang handaan at yung mga activities.

"Bilisan niyo magbihis Rhesia, ilolock ko yung dorm" lumabas si Kuya Ejeni sa dorm at inikot ikot yung susi.

"Sabay balang kami sa iyo Kuya" anong meron kay Leirand at Kuya? Ay shit. Nakalimutan ko atang may pagaka patay gutom rin pala ang isang ito.

Tinaas nama  ni Kuya Ejeni yung box ng doughnut.

"Sige hintayin nalang natin sila Rhesia. Kaying dalawa bilisan niyo kung ayaw niyo ilock ko kayo sa dorm" isa si Kuya Ejeni sa fourth year studemt dito sa dorm. Siya rin yung inaasahan magtago ng susi sa dorm.

Nawala yung ngiti ko ng dumaan yung mini bus na yung mga nakasakay ay yung taga Iris Dormitories at ang sama ng tingin nila sa amin. Yung isa tinaasan ako ng middle finger. Immature frogs. Mabuti wala sila Huero dito kung nandito pa yun baka tinaasan rin nila yun.

"Leigh, may tumatawag sayo" tinignan ko yung phone ko at yung callerd id.

"Leigh, saan na kayo?"

"Nandito pa kami sa dorm
ang tagal ni Leirand eh.
Nandito rin pala sila Rhesia"

"Sabay na kayo pumunta dito
nandito kami sa may bunyaw
yung papuntang coliseum"

"Sige kumain na kayo?"

"Sila Hixiel oo pero ako hindi
pa"

"Kumain ka na Synver anong
oras na oh"

"Maya na pag dating niyo dito
hinihintay ko lang kayo"

"Sige papunta na kami sa campus"

"Sige bye"

"Bye"

Hinintay kong ibaba niya yung tawag pero mukhang hinintay niya ako yung maunang bumaba. I drop the call at nawala napalawak ang ngiti ko ng makita ko yung mukha ni Leirand na nakasimangot.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon