007

420 45 12
                                    


evidence
────────────

Leirand

Dalawang linggo, dalawang linggo na ang lumipas ng makita namin iyon. Hindi ko alam kung kailan nalinis ang kababoyan na nangyari doon. Ang alam lang namin tahimik iyong nilinis.

"Tara na baka may makahalata na sa atin eh" tawag ko kina Huero at Hixiel. Pagkatapos namin makita iyon, si Hixiel parang nagkasakit. Siguro hindi niya nasikmura ang nakita niya. After all she's pure and innocent sa bagay na ganun even if siga man siya sa paningin ng iba.

"Mauna ka nalang sa baba" napa buntong hininga nalang ako. Bago ako umalis ay tinignan ko muna sila at napailing. Alam kong maninibago talaga sila Synver nito.

Una, tumahimik si Hixiel at alam kong magtatanong sila kung ano nangyari dahil alam nila na hindi basta basta tatahimik iyon. Pangalawa, sa grupo namin si Hixiel at Huero lang ang hindi gaano nagkakasundo kung mag rank kami kung sino ang mga close namin from 1-10, ang duo na yun ang ika sampu. Tapos ngayon halos sila na ang magkasama at kinocomfort pa ni Huero si Hixiel which is rare. Pangatlo, hindi ako marunong magtago ng emosyon kaya napapasabi nalang ako kung ano talaga ang totoo.

And hindi pa namin alam kung paano sasabihin sa kanila yung nakita namin. I don't know if it's really a good evidence. Malakas talaga kutob ko kapag gagamitin iyon something bad will happen.

"Saan sila Huero?" bungad ni Synver sa akin.

"Natutulog kasi si Hixiel at ginigising pa ni Huero" kagatin niyo na please wag niyo na abalahin yung dalawa. Masyado pang naapektuhan.

"Tara na masama paghintayin yung pagkain" sumunod agad ako kina Synver at umupo sa lamesa. Nandito rin si Ate Ila pero wala yung iba.

"Kamusta na yung research niyo?" pag open up ni ate Ila.

"Sa ngayon ok pa ate" tawa ni Leigh, kung saan saan na napunta yung mga topic namin.

"May kukunin lang ako sa kwarto" pag paalam ni Rovier at nagpatuloy lang kami sa mga pinag uusapan namin.

"By the way sa Friday na daw iaanounce yung judgement nila sa issue" bungad ni Kuya De.

"Sana nga iannounce na kasi kapag laging na momove yung announcement mas lumalaki yung issue" komento ni Ate Ila.

"Teka Kuya, sa Friday? Diba mag program tayo nun? Tsaka giving of token yun sa mga guest dito sa University" napalingon kami kay Rhesia. Tama nga so?

"It means may plano sila na duon ilalabad ang announcement? This doesn't sound good in our part" tama si Rhesia. Lalo na pabor yung kalbong dean namin sa Calvin na iyon.

"We don't know baka malinis rin name natin knowing the evidence na binigay natin. Impossibleng kakampihan pa nila si Calvin after viewing those cctv clips" napatawa ako sa sinabi ni Ate Ila. Paano na kaya yung nakuhanan namin sa camera. Yung vlog na iuupload sana namin kaso mauly ibang nakuhanan.

"Huy, anong meron kina Hixiel at Huero?" napunta yung atensyon namin kay Rovier na nakangising nakakainis.

"Anong meron?" tanong ni Rhesia at yun nga may pinakita si Rovier sa phone niya. Litrato! Kinuhanan niya sila Huero sa kwarto. Tapos yung sa litrato wala lang natulog lang si Hixiel sa kandungan ni Huero. Habang si Huero naman ginugulo buhok ni Hixiel parang tinatali ito.

LullabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon