#3

417 1 0
                                    

“Fishball”

Alas-dos na ng hapon, tirik na tirik yung araw. Pero natatakam ako sa fishball, lesheng yan. Parang pag di ako nakakain ngayon ng fishball baka mabaliw ako. Dejok lang.

Nag-bihis na ako at kinuha ang pera at susi ko.

"Maaa! Alis ako! Bibili lang!" Paalam ko kay Mama.

"Share mo lang?" Pambabara ni Mama, napa-pout na lang ako at lumabas na ng bahay.

Naglakad muna ako ng mga ilang metro lang naman para makarating sa dulo ng kanto namin, doon pa kasi ang tindahan ng fishball.

"Kuya ilang fishball pag 50 pesos?" Tanong ko kay Kuya, gulat naman siyang napa-tingin sa akin.

"50 pesos? Kaya mong ubusin 'yon?" Gulat niyang tanong sa akin, ngumiti naman ako ng malapad. "Hindi, pera 'yon e..Yung fishball ang kaya kong ubusin," sagot ko.

"Ang takaw pa rin talaga.." Bulong niya, pero hindi ko na masyadong narinig dahil sobrang hina ng boses niya.

"May sinasabi ka kuya?" Naka-ngiting tanong ko, umiling naman siya,"Wala, sabi ko otsenta piraso." Sagot niya at binigyan ako ng plastic at stick, hindi baso dahil hindi naman kasya ang otsenta piraso na fishball sa plastic cup.

Tumusok na ako ng mga fishball, shet! Habang tinitignan ko pa lang ang fishball ay talagang naglalaway na ako. Napansin ko namang titig na titig sa akin ang tindero. Infairness gwapo siya, pero walaaa may mga jowa na ko e. Loyal ako sa kanila. Huehue. Jowa ko sila pero ako lang nakaka-alam haaay xoxad.

"Huy kuya, kung nakaka-matay lang ang titig, baka naka-libing na ako ngayon." Sita ko kay Kuya, napansin ko naman sa peripheral vision ko na bahagya siyang ngumiti.

"Ha? Assumera ka, hindi kita tinititigan." bara niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Baka gusto mong hindi ko bayaran 'tong fishball mo?" Mataray kong tanong, napakamot naman siya sa batok.

"Jok lang, galit ka agad e." tugon niya, hindi na lang ako sumagot at pinagpatuloy na ang pagtusok ng mga fishball.

Pagtapos kong manusok ng fishball ay nagbayad na ako.

"Hindi mo ba ko kilala?" Biglang tanong niya, tumaas naman ang kilay ko. Anong klaseng tanong kaya 'to? Tss.

"Hindi? Bakit sino ka ba? Artista ka ba? Presidente? Senator? Congressman? Barangay Captain? Nawawalang anak ni Sisa? Ikaw ba si Basilyo?" Sunud-sunod kong tanong. Tipid lang siyang ngumiti.

"Wala, wala lang ako." Sagot niya at iniabot na ang sukli ko. Tumalikod na lang ako at naglakad na pauwi, shet! Nakaka-hiya ka talaga, Zaira! Ang daldal mo talaga!

Naglalakad na ko pauwi ngunit napa-tigil ako ng may humawak ng braso ko, kaya napalingon ako dito.

"Hindi mo ba talaga ako kilala?" tanong ni Kuya na nagtitinda ng fishball kanina, kumunot naman ang noo ko. Bakit ba ang kulit niya? Hindi ko nga siya naaalala e.

"Hindi nga. " Sagot ko, ngumiti ulit siya sa akin.

"Hindi mo na nga talaga ko kilala, pero ayos lang. Kahit hindi mo na ko naalala, mahal pa rin kita." Aniya, kumunot naman ang noo ko.

"Sabagay, marami ng nagbago, hindi na tayo bata, matanda na tayong dalawa, pero kahit ganun gagawin ko lang lahat para maalala mo lang ako.Para matupad ko ang pangako ko sa'yo.." Dugtong pa niya.

May biglang lumitaw sa isip ko. Ala-ala. Kasama yung kababata kong si Linux.

"Zai..Paglaki natin pangako, papakasalan kita."

"Pangako ba yan?"

"Oo naman!"

"Yehey!"

"L-Linux..?" Gulat kong tanong, napa-ngiti naman siya.

"S-shit! Zai! Naalala mo na ko?" Gulat din niyang tanong, napa-pokerface naman ako.

"Obvious ba? Bakit ba kasi umalis ka?Alam mo bang namiss kita ng sobra?" Naka-pokerface kong sabi. Tumawa naman siya. At kinurot ang pisngi ko.

"Hindi, hehe. Namiss din kita. Sorry na ha?I love you." Biglang sabi niya at niyakap ako.

"I hate you too." Sagot ko, nag-pout naman siya.

"Handa ka na?" Biglang tanong niya. Kumunot naman ang noo ko.

"Saan?" Tanong ko.

"Maging, Mrs. Punarō?" Sagot niya. Napa-ngiti naman ako.

"Handang-handa!" Sagot ko, niyakap niya naman ulit ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita." Aniya at hinalikan ako sa noo.

"Galit na galit din ako sayo." Sagot ko. Natawa na lamang siya. Shet, sobrang saya ko ngayon.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now