#5

218 1 0
                                    


“Ng Dahil Sa Tae”

"Jiesel. Pumasok ka na dun sa bus ah? Bibili lang ako ng makakakain natin." Utos ko kay Jiesel at binigay sa kaniya ang bag ko, tumango naman siya at pumasok na sa bus.

"Te? Magkano po to?" Tanong ko roon sa tindera at tinuro ang puto na nakalagay sa bangketa niya, ngumiti naman siya.

"Sampung piso lang, neng, limang piraso na." Sagot niya, agad naman akong naglabas ng bente at inabot 'yon sakanya.

"Ate, bente pesos po hehe." Sabi ko kay Ate, tumango naman siya at agad na ipinalastik ang binili ko. Pagkatapos niyon ay kinuha ko na at pumasok na rin sa bus. Mabuti na lang at sa dulo ng bus umupo ang kapatid ko, mas maganda kasi sa dulo e.

"Oh, Jiesel. Eto na, lamunin mo na, para di ka na magreklamo." Abot ko kay Jiesel ng limam-pirasong puto, agad niya naman kinuha yon at nilamon.

Umupo na ako sa tabi ni Jiesel at kumain na rin ng puto.

Lima na kaming naka-upo rito pero may sumiksik pang isang lalaki. Hay nako, ang sikip naman.

"Ateee.. ate! humihilab tiyan ko huhu, natatae ako." umiiyak na bulong sa akin ni Jiesel, nagulantang naman ako. Ugh shocks! Pati ako, humihilab na rin yung tiyan, shocks naman.

"A-ano? Taeng-tae ka na ba? Di mo na ba mapipigilan yan? Malayo-layo pa tayo sa stop over eh..." Bulong ko rin pabalik kahit taeng-tae na rin ako, pakshet! Di ko na kaya. Mukhang panis na ata yung putong nakain namin huhu!

"Di ko na talaga kaya ate, mamamatay ako pag di ako naka-tae huhu." Sagot niya sa akin, paiyak na rin siya, naawa naman ako bigla sa kapatid ko.

"OA, Jiesel ah? Konyatan kita diyan e. Sige na, tumae ka na." Sabi ko sa kaniya, napakamot naman siya ulo habang nakahawak pa rin sa tiyan niya. Dahil sa lakas nga aircon ay mas lalo tuloy akong natatae, grabe na ang hilab ng tiyan ko. Pakshet. Di ko na kaya.

"Ate huhu saan ako tatae dito?" Tanong niya pa, nagbigay naman ako sakanya ng plastic, malaki-laki yung plastic kaya ayos na.

"Oh eto, tumae ka na takpan mo ng kurtina." Bulong ko, agad naman siyang tumango at nagpalit na kami ng pwesto, grabe di ko na kaya. usme pho. Feeling ko matatae na ko sa underwear ko e.

"Ano 'yon? ang baho naman." Bulong ng katabi ko, lalaki siya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatay malisya na lang. Bahala siya, naki-siksik siya dito e, magtiis siya sa baho.

Yung katabi ko parang mamamatay na sa baho, takip na takip na ang ilong niya. 'Yung magsyota sa tabi ng katabi ko, naglalandian. Yung nasa pinakadulo naman tulog, mabuti na lang at madaling araw na, tulog na ang iba pa naming mga kasama dito sa bus.

"Ate! Ate. Yung wipes akin na." Bulong ni Jiesel, agad ko namang ibinigay ang wipes sakanya. Ah pakshet, mukhang mapapa-tae na rin ako dito sa bus, di ko na yata kayang pigilan e. Pagtapos magpunas ng wipes ni Jiesel ay umupo na ulit siya sa tabi ko.

"Woy, Jie. Bantayan mo dito ah, tae--natatae na ko. Tatae na rin ako." Utos ko kay Jiesel tumango naman siya, at nagharang na ako ng kurtina. Agad akong tumae sa plastic, ugh sarap sa feeling. Bugrat kung bugrat talaga yung tae ko grabe, sunod-sunod parang hindi mauubos.

Pagtapos kong tumae ay magpupunas na sana ako ng wipes ng...

"Miss, ano yang ginagawa mo?" Tanong sa akin nung lalaking katabi ni Jiesel, nasuot ko naman agad ang pantalon ko. Pu---sang kalye naman! Di ko pa napupunasan pwet ko eh!

"A-ano? W-wala ah." Utal-utal kong sabi, hindi niya binubuksan ang kurtina pero naka-silip siya. Pakshet, mukhang meron pa ko ngayon dahil nararamdaman ko ito, at medyo sumasakit rin ang puson ko. Feeling ko ang dumi-dumi kong tao, may tagos na nga ko, di ko pa napupunasan pwet ko kadiri huhu.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon