#33

32 0 0
                                    


"Hindi Tayo Bagay"

"Hoy, Vash Estrella!" Tawag ko sa aking kaklase na si Vash. Tss! Paano ba naman kasi tambol ng tambol sa desk akala mo naman may magbibigay sa kanya ng donasyon. Parang baliw talaga. Kasama niya ngayon sa pagtatambol ang iba pa naming mga kaklase ngunit napatigil sila sa pagtatambol ng inis kong tawagin ang mga pangalan nila.

"Yes? President Lou Olivarez?" Patanong na sagot nito. Napa-irap naman ako sa inis. Bwesit! Gayahin ba naman ako? Gaya-gayang putumaya talaga ito. Kainis.

"Tsk! H'wag mo 'kong magaya-gaya diyan. Saka pwede ba? Itigil niyo ang pagtatambol niyo ng desk nasa school kayo wala kayo sa jeep. Busit." Inis kong sagot. Bahagya naman siyang natawa at nilapitan ako.

"Sabagay. Bakit pa ako magtatambol para mapansin mo ako eh tibok pa nga lang ng puso ko, alam kong rinig na rinig mo na dahil sa lakas ng pagtibok nito kapag nar'yan ka." ngising sabi ni Vash. Tumaas naman ang kilay ko. Aba't! Sumusobra na ang lalaking ito! Busit talaga.

"Ewan ko sa'yo!" Inis na sabi ko.

"Miss President? Alam mo bang bagay--" may sasabihin sana siya ngunit agad ko na itong pinutol.

"Hindi tayo bagay. Dahil tao tayo. Tao tayo okay. 'Wag mo na 'kong pinaloloko diyan. 'Di ka nakaka-tuwa." Inis na pagputol ko sa sinabi niya. Bahagya naman siyang natawa. Nakita ko ang pag-galaw ng adams apple niya, lol mukhang bukol.

"Hindi nga tayo bagay kasi tao tayo, at tao tayong bagay sa isa't isa." Naka-ngising sabi ni Vash at kinindatan ako. Napa-irap naman ako. Bahagya naman niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin na ikinalaki ng mata ko.

"Your initials are L.O and my initials are V.E and I know we're meant to love each other, we're meant to be. Pwede ba kitang ligawan Miss President? And soon to be my Mrs. Commander ng buhay ko." Aniya at kinindatan ako. Hindi naman ako nakapagsalita.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now