#27

42 1 0
                                    


“She's A Fangirl”

"Zea. Nanonood ka na naman niyan." sabi ko ng makita ko si Zea na pinapanood ang paborito niyang KPop group. Lagi niya na lamang ‘yun pinapanood. Sa t'wing magka-sama nga kami ay halos ‘yun lang ang ginagawa niya. Nakaka-selos man, pero hinahayaan ko na lang, mahal ko naman siya, e.

Narinig ko naman ang mahinang hikbi niya. Kung kaya'y naga-aalala ko siyang ini-harap sa akin.

"Bakit ka umiiyak? Sinong nagpa-iyak sa'yo?" sunud-sunod kong tanong. Ngunit patuloy lang siya sa pag-iyak. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit. Heto ‘yung first time na nakita ko siyang umiyak, and it breaks my heart seeing her cry.

"Bakit ka ba umiiyak, Zea? You can tell me everything. Boyfriend mo ko." sabi ko pa, she hugged me. Ramdam na ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya.

"S-sorry... I just realized na hindi ko na lang pala siya mahal bilang Idol lang, I want him to be my lover.." utal-utal niyang sabi. Kumirot naman ang puso ko. Ang sakit naman, ‘yung ako ‘yung na'ndito pero iba naman ang gusto niya. Pero mas masakit ‘yung makita siyang malungkot ng dahil sa idol niya.

"Tahan na.. Malay mo isang araw, mangyari ‘yun, ‘diba may balak kang pumunta ng SK? Baka ma-meet mo siya do'n, tapos bigla ka niyang magustuhan.. Tahan ka na." tugon ko. Kahit pa sobrang sakit para sa'kin na sabihin ang mga salitang ‘yon, ay sinabi ko pa rin para lamang mapagaan ang loob niya.

"Imposible naman ‘yun, eh.." naiiyak pa ring sabi niya. Nginitian ko naman siya.

"Wala namang imposible kay God. Hayaan mo ipagdadasal ko ‘yun, para maging masaya ka na." pagpapa-gaan ko ng loob niya. Napa-ngiti naman siya. I want to see her smile, know that means it'll hurt me.

"I love you." aniya. Nginitian ko naman siya.

I always pray to God, that Zea will marry her Idol someday, though it can break me, ‘cause I want to marry her.. I want to be her husband.. I want her to be my lifetime. But then, her happiness is the most important thing to me.

Dumaan ang monthsaries, anniversaries, puro KPop merch, basta tungkol sa KPop ang nireregalo ko sa kaniya. Kasi alam ko matutuwa siya sa ganu'n, magiging masaya siya. Lagi niya nga akong tinatanong bakit KPop merch raw ang inire-regalo ko sa kaniya, pero ang isinisagot ko lang ay “I love you, and I want you to be happy.”

Pero ang lagi niya namang sinasabi, kahit wala na raw'ng ganu'n, basta manatili lang ako sa tabi niya magiging masaya na siya. Napapa-ngiti na lang ako kapag naalala ko ‘yun.

"Zea. Bakit ba lagi mong tinititigan ‘yan?" tanong ko, ng makitang tinititigan niya na naman ang picture ng idol niyang si Jeon Jungkook. Pina-upo naman niya ako sa tabi niya.

"Gusto ko kasing maging kamukha niya ‘yung magiging baby natin, ang g'wapo-g'wapo naman kasi." naka-ngiting sagot niya. Napa-nguso naman ako. Nakaka-selos naman.

"Oops! Teka. ‘Wag ka muna mag-selos, gusto ko mang maging kamukha ni Jungkook ang anak natin, ‘wag ka mag-alala mas lalo naman kitang minamahal dahil gusto ko, ikaw ang maging kaugali ng anak natin." dugtong niya pa, napa-ngiti naman ako. I really love this girl...

Nagising naman ang diwa ko mula sa pagi-imagine ng marinig ko ang balita sa TV.

"The KPop idol Jeon Jungkook from BTS is now married with a filipina girl named Zea Sanchez." anunsyo sa balita.

Napa-ngiti naman ako ng mapait. Mixed emotions, that's what I feel right now. I'm happy ‘cause she finally fulfill her dream already, and a little bit sad, ‘cause I am no longer part of that dream.

She's a fangirl. She loves her idols, she loves KPop, she loved me. And I love her, though she's now loving someone else.

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now