#20

37 0 0
                                    


“Puting Sapatos”

"What the!" gulat na sigaw ko ng maramdaman kong may umapak sa puting sapatos ko. Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng malinis na sapatos e! Tapos madudumihan pa. Hayop na buhay 'to.

"S-sorry, Vince 'di ko sinasadya." paghinging tawad nung babae. Tinignan ko naman siya.

"Sa sorry mong 'yan, malilinis ba niyan 'tong puting sapatos ko?" Tanong ko, tinignan niya naman ako.

"Kapag ba nilinis ko 'yang puting sapatos mo, mamahalin mo na rin ako?" she asked out of nowhere. Parang na-pipi naman ako. Anong pinagsasabi niya? Nagtatanong lang ako kung malilinis niya sapatos ko ah, tapos tatanungin niya na rin ako ng bagay na 'di ko naman alam ang isasagot?

"May gusto ka sa'kin?"tanong ko, mabilis naman siyang umiling.

"Wala! Sorry!" mabilis niyang sagot at agad na tumalikod. Pinigilan ko naman siya.

"Leigh!" tawag ko, agad naman siyang lumingon.

"Apakan mo man ng apakan, at dumihan mo man ng dumihan ang puting sapatos ko wala na kong pake. Kasi ang puting sapatos nalilinis, pero ang pagmamahal mo sa'kin pag nadumihan na mahirap ng linisin pa. Kaya sana hayaan mo akong maging tagalinis ng puso mo. Kasi ilanh beses man 'yang nadumihan ng iba, na'ndito pa rin ako para maglinis niyan." Naka-ngiting sabi ko, natigilan naman siya. T*ngna. Ano ba 'tong pinagsasabi ko.

Ngumiti naman siya.

"Hi, mop ng buhay ko."

"Hello, sahig ng buhay ko."

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now