#12

75 2 0
                                    


“I'm Gay But I'm Damn In Love With Her”

Diane Calling...
Accept📞| Decline

Napa-lingon ako sa cellphone kong nagri-ring, agad kong sinagot 'yon ng makitang si Diane pala ang tumatawag ang bestfriend ko.

"Bading! K-kailangan kita ngayon!" Umiiyak na bungad niya, mabilis naman akong kinabahan at nagmadaling nagbihis. Pagka-tapos kong magbihis ay nagmadali akong pumunta sa bahay niya na katapat lang naman ng bahay ko.

"Diane! Besh? Diane! Nasaan ka ba?" Naga-alala kong sigaw, naka-rinig naman ako ng pagka-basag ng isang bagay. Agad akong pumunta sa naringgan kong 'yon at nakita ko si Diane na naka-upo sa sahig, iyak ng iyak, habang may mga basag na bote ng alak sa tabi niya.

"What the f! Besh, anong ginawa mo? May problema ka ba huh!?" Nag-aalala kong sigaw at hinila siya patayo, mas lalo siyang umiyak at niyakap ako ng mahigpit.

"Besh... I-iniwan na niya ako, pinagpalit niya na ko sa mukhang hito niyang tropa. Besh, ang sakit, sobrang sakit!" Humahangos niyang daing habang yakap-yakap pa rin ako, niyakap ko naman siya pabalik.

"Sabi ko naman sayo eh...manloloko lang yang mga lalaking yan. Dapat kasi bakla na lang minahal mo besh." Pagbibiro ko, para naman mapagaan ang loob niya, dahan-dahan naman siyang napa-tingin sa akin.

"Bakit kasi naging bakla ka pa? S-sana...sana lalaki ka na la--rkkkk." Sambit niya, halos magulantang naman ako ng masukahan niya ako sa mukha. Owshet my pretty face!

"Besh! Ano ba! Ambaboy mo!" Nandidiring reklamo ko, tumawa lang siya ng mahina at umupo sa sahig.

"Okay l-lang naman yun eh...diba besh?kasee love mo naman akoo?" Parang-isipbata niyang tanong, hindi naman ako sumagot. Nandidiri talaga ako sa suka na nasa mukha ko, grabe eww yuck! Sobrang eww! Ambaho! Is dis kaning baboy?!

Nagulat naman ako ng hatakin niya ang damit ko, kung kaya't natumba ako sa kaniya, at...at nahalikan niya ang labi ko! What the! As in taeng mabaho! Yung virginity ng lips ko! what the f!

"Shet! Besh! Kadiri ka!" Reklamo ko, at nandidiring pinunasan ang labi ko, kadiri. Eww! Ayoko na sa Earth!

"Love mo naman ako diba? Diba? Kent Alvin?" Isip bata niya uling tanong. Inis ko naman siyang tinignan at hinila patayo. Magkaharap na kami ngayong dalawa pero naka-tingala siya sa akin dahil ang liit niya, hanggang balikat ko lang kaya siya.

"Pag sinabi kong oo, mamahalin mo rin ba ako pabalik?" Seryoso kong sabi. Malakas naman siyang tumawa at umupo na sa kama niya.

"HAHAHAHAHA b-besh kadiri ka HAHAHAHA." Aniya at bumagsak na sa kama. Naka-tulog na siguro.Kumuha na ko ng damit sa cabinet niya, at hinubaran na siya ng damit, okay lang naman yun dahil nakita ko na rin naman siyang naka-bra lang dati, kaya it's fine. Agad ko siyang binihisan at kinumutan para mas mahimbing ang tulog niya.

Habang pinagmamasdan si Diane ay napa-ngiti na lang ako.

"Handa akong iwan ang kabaklaan ko, at magpaka-lalaki para sayo. Para lang mapasaya ka, besh." Wala sa sarili kong sabi at naglinis na lang ng bahay niya.

Pag-tapos kong mag-linis ay nagluto na rin ako ng lugaw para kay Diane. Alam kong masakit ang ulo no'n pagka-gising niya.

"Besh?" Napa-lingon ako kay Diane na ngayo'y naka-hawak sa ulo niya. Ngumiti naman ako at tinuro sa kanya ang mga nakahain sa mesa.

"Kain ka na, alam kong masama pakiramdam mo." Sabi ko't ginawa ang normal kong boses. Hindi 'yung matinis, hindi 'yung pambakla. Yung normal lang.

"Naks! Besh! Nag-iba na yata boses natin ngayon ah? Paos ka ba?" Natatawa niyang sabi at umupo na sa lamesa upang kumain. Umupo naman ako sa harap niya.

"Diane.." Naka-ngiting tawag ko sa kaniya, naka-kunot ngunit naka-ngiti siyang tumingin sa akin. "Bakit?"

"I decided na...ligawan ka." Derechong amin ko. Nanlaki naman ang mata niya at nasampal ako. Aray ko, yung fezlak ko naman. Grabe na itech ah.

"What the!? Are you out of your mind!?" Gulat niyang sigaw. Umiling lang ako, "Seryoso ako."

"At bakit? Para sumaya ako? No, you don't have to. I'm fine, I'm happy. I'm contented on being your bestfriend." Aniya. I smiled again.

"Paano kung sabihin kung mahal kita, papayag ka na ba?" Tanong ko sa kaniya, gulat naman siyang tumingin sa akin.

"Pagmamahal bilang kaibigan lang yan." Sagot niya, umiling naman ako.

"Kung bilang kaibigan lang, bakit gusto kitang pakasalan? Bakit gusto kong maging ina ka ng mga magiging anak ko? Alam kong nakaka-diring isipin, Diane, but it's true. Yes, I'm gay, but I'm damn in love with you." mahabang paliwanag ko, nanghihina naman siyang napa-tingin sa akin.

"Sigurado ka ba talaga diyan? Kasi malaki ang mawawala kung isang akala lang pala yan." Paninigurado niya, tumango-tango ako. Ngumiti siya ng matipid.

"Then..tayo na." Aniya.

----

"By! By! Gumising ka na nga diyan! 5th anniversary natin ngayon! Nakalimutan mo ba? Hmp! Hihiwalayan na talaga kita at maghahanap na ng iba!" Panggi-gising sa akin ni Diane, natatawa naman akong dumilat at bumangon.

"Talaga? Ipagpapalit mo sa iba ang gwapong lalaking ito?" Tanong ko at hinalikan siya sa pisngi. Naiinis naman siyang hinampas ako.

"Gwapo? Parang dati mas makapal pa make-up mo sa akin ha?" Masungit niyang sabi. Natawa naman ako.

"Shit, wag mo na nga ipaalala yon. Btw, anong plano mo ngayon?" Tanong ko sa kaniya, nag-isip naman siya ng kaunti.

"May pupuntahan tayong surprise hihi! Sige na maligo ka na, amoy panis na laway ka e." Natatawa niyang sagot sa akin, natatawa na lang akong kinuha ang tuwalya ko at pumasok na sa CR. Paglabas ko ng CR ay agad na kong lumabas ng kwarto ko at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko doon si Diane na naghihintay sa akin.

"Ano, tara na?" Naka-ngiti niyang alok, tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya. Magka-holding hands naman kaming naglakad palabas ng bahay.

"By! Ice cream oh! Bili lang ako, dito ka lang ah. I love you! By!" Masayang paalam niya at hinalikan ako sa labi bago tumakbo papatawid.

Nagulat naman ako ng marinig ko ang busina ng kotseng papalapit na sa kinatatayuan ni Diane, mabilis naman akong tunakbo doon para iligtas si Diane...

Kaso huli na, nasagasaan na siya. Malinaw sa pandinig ko ang malakas na tunog ng pagkakabagok ni Diane. Kumalat na ang dugo na galing kay Diane sa daan. Kinakabahan naman akong lumapit kay Diane at napa-upo sa tabi niya.

"Diane! Diane! Shit! Shit! Diane gumising ka! Fuck! Please wake up! Please...don't let go!" Umiiyak kong sigaw. Shit, sobrang dami na ng dugo ang nawala kay Diane, namumutla na rin siya.

Marahan naman siyang dumilat at ngumiti sa akin ng matipid. Halatang hinang-hina na siya.

Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya o wag na lang dahil baka mas mapano pa siya. Hinawakan niya ang kamay ko, nanginginig ko namang hinawakan to ng mahigpit.

"S-salamat by...sa mga m-masasayang ala-ala...m-mahal na mahal k-kita...sobrang m-mahal kita, i-ikaw ang p-pinaka-paborito kong t-tao na d-dumating sa buhay k-ko." Putol-putol niyang sabi habang naka-ngiti. Mas lalo namang bumuhos ang luha ko ng marahan na siyang pumikit.

"D-Diane..please don't let go.." umiiyak kong paki-usap.

-----

Dumating na ang ambulansya, pero dead on arrival na si Diane. Nakulong rin ang naka-bangga kay Diane.

Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ni Diane, umiiyak na naman. Ang hirap tanggapin na wala na siya. Wala na ang babaeng nagpabago sa akin sa kung ano ako, ang babaeng nagturo sa akin kung paano maging tunay na lalaki.

Kung kailan ayos na ang lahat, kung kailan handa na kong pakasalan siya... Saka pa siya nawala.

Hinaplos ko ang puntod niya at ngumiti.

"Thank you for changing me, thank you for proving that yeah I'm gay, but I can love a girl. I love you too, by. I will love you always and forever."

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Where stories live. Discover now