#55

23 0 0
                                    


"ASHFALL"

“Grabe! Ang alikabok!” mahinang reklamo ko, na may kasamang mahinang pag-ubo. Isang linggo na rin ang naka-lipas magmula ang paga-alboroto at pagputok nang Bulkang Taal ngunit hanggang ngayon ay mababakas pa rin ang ashfalls, at kung anu-ano pa na nag-mula sa pag-putok ng bulkan.

Halos hindi na ako maka-hinga dahil sa nasi-singhot kong alikabok.  Bahagyang huminto na rin ang pag-bagsak ng ashfalls ngunit hindi pa rib maia-alis ang ibang ashfalls na na'ndito–sana all nanatili.

“Hoy! Ayos ka lang ba?” tanong ng kaklase kong si Nizzo, tumango lamang ako't bahagyang ngumiti. Na'ndito na kami ngayon sa school dahil may pasok na, at wala naman kaming ginawa kung hindi ang mag-linis ng mag-linis pero siyempre naka mask kami para safe.

“Dane, hoy?!” naga-alalang tawag sa akin ni Nizzo. Nginitian ko lang siya at pilit ipinakitang ayos lang ako. Ayos lang naman talaga ako, e. Marahan akong hinila ni Nizzo palabas ng school kung kaya't nag-takha ako sa inasal niyang iyon ngunit hindi na lamang ako nag-reklamo pa.

“B-bakit?” utal kong tanong, derecho niya lamang akong tinitigan.

“Hoy! Baliw ka na ba? Hinila-hila mo ako rito para titigan lang?” inis na tanong ko. Ngumiti siya na parang ewan. Putek! Baliw na ba ‘tong isang ‘to?! Ganito ba ang epekto ng naka-singhot ng ashfall?!

“Pansinin mo ang paligid.” aniya. Kumunot ang noo ko dahil sa matinding kaguluhan ngunit sinunod ko na lamang siya't inilibot ang paningin ko.

Maalikabok.

Maraming taong naka-mask.

Nakaka-lungkot.

“Ang daming naka-mask ano? Pero MASK gusto kita.” naka-ngising aniya. Hindi naman ako naka-sagot agad, nanatili akong naka-tingin sa kaniya.

“Biruin mo ‘yun, ang daming ashfall, tapos sa ‘yo lang ako na-fall?” naka-ngising dugtong pa niya. Hindi naman ako naka-sagot! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko! Ang mga sinasabi niya'y nagdu-dulot ng matinding kabog sa puso ko! Ang puso ko na walang kamalay-malay!

“Para kang bulkan, e. Delikado man sa iba, pero para sa akin ikaw ang siyang pinaka-maganda.” sambit niya saka marahang lumapit sa akin. Derecho pa rin ang mga titig niya habang naka-ngisi sa ‘kin, hindi ako maka-kilos, sobrang kinakabahan amo.

“My love for you is like the erruption of Taal Volcano... Mahirap pigilan, hindi ko masi-siguradong hindi ka masasaktan ngunit iisa lamang ang sigurado, mamahalin kita hanggang lumamig ang magma.”

And then I was there speechless! Freakin’ speachless!

Maikling Kuwento at Dagli (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon