CHAPTER 11

1.1K 31 7
                                    

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER ELEVEN

Gulat na nakatingin sa akin si Ward, samantalang nakangisi naman ang kakambal niyang bad boy! Yes, from now on, Bad Boy ang itatawag ko sa kolokoy na ito!

            “You kissed him?” tanong ni Ward.

            “Of course not!” mabilis kong sagot. Ang bilis kong magsinungaling no?

            Utos ni Nanay na huwag na huwag daw kaming magsisinungaling. Masama raw iyon. Pero kabilin-bilinan din niya na huwag daw kaming magpapaapi. Sinabi niya ito noong namatay ang tatay ko. Wala na raw magtatanggol sa amin kaya dapat daw, magpakatatag kami. Huwag daw kaming papayag na apak-apakan ng ibang tao.

This qualifies for that, di ba? Pang-aapi ito. Pamamahiya. Ano ang gusto niyang palabasin at ipapahiya niya ako sa kakambal niya? This guy is not a gentleman! Not at all!

Kaya sorry na lang pero kailangan kong magsinungaling para iligtas ang sarili ko sa matinding kahihiyan.

Nawala ang ngisi ni Bad Boy! Buti nga!

            “Are you calling me a liar?” tanong niya sa akin na may halong pagkapikon.

            “Hey, Edge, chill,” sabi ni Ward na may halong pananaway.

            Kinalma ni Edge ang sarili niya pero halatang pikon pa rin.

            “What are you doing here, by the way?” tanong ni Ward.

            “War kami ni Dad. Sa inyo muna ako matutulog,” yun lang at tumalikod na si Edge. “I’ll wait for you in the car.”

            Paglabas niya ng classroom, noon nagbalikan ang mga classmates namin galing sa canteen. Agad siyang sinalubong ni Karen ng ngiti.

            “Ward, bakit wala kayo ni Welcome sa canteen?”

            Pero hindi pinansin ni Edge si Karen. Taka ang bestie ko. Lalo na nang pagpasok niya sa kuwarto ay makita niya si Ward.

            Noon din pumasok si Ramil, nagrereklamo. “Welcome, nakita ko si Ward, binati ko pero itinulak lang ako. Ano’ng nangyari doon sa –“ pero hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita rin si Ward.

            Napatango na lang si Ward. “Yes, that’s my twin, Edge. Pasensiya na kayo, friendly lang talaga yon.” Ward smiled, trying to make light of what happened.

            Samantalang ako, windang pa rin!

* * * * *

Siyempre, yun ang hottest topic during Physics Class. Nagliliparan ang mga viber messages namin sa isa’t-isa. Naka-silent kami kaya hindi naririnig ni Mr. Patalen.

                        KAREN: May twin si Ward?

RAMIL:  Yun ang sabi niya, di ba? Bingi lang ang peg? O gusto ulit-ulit?

KAREN: Oh my goshie! He’s so cute! He’s cuter than Ward. I think he’s going to be my next boyfriend.

RAMIL:  Oy, Kar, may boyfriend ka, remember?

KAREN:  Break na kami ni Darryl.

RAMIL:  Kailan pa?

KAREN:  Mamaya. Ibe-break ko na siya.

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon