CHAPTER 16

1.1K 27 7
                                    

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER SIXTEEN

The following day, usap-usapan na sa school ang ginawang pag-kiss sa akin ni Edge. Pagdating ko pa lang, may nagbubulungan na agad, may mga tumitingin at naghahagikhikan. Kapag napatingin ako sa kanila, iiwas sila ng tingin. Guilty ang mga chismosa.

            Ang mga guys naman, mga alaskador.

            “Welcome, hinalikan ka raw nung kambal ni Ward?” diretsahang tanong ni Carlo, nakangiti, nang-aalaska. Last section si Carlo dahil mahina ang ulo. In fact, two years na siya sa fourth year.

            “Ikaw, Welcome, ha? Niligawan kita noong third year, binasted mo ako. Yun pala, magpapakiss ka sa iba,” gitgit naman ni Allan.

            Hindi ko na napigilan ang sarili ko: “Alam mo ba kung bakit kita binasted ha? Dahil bad breath ka!” Yun lang at iniwan ko na ang mga ungas na yon.

            “Bad breath ba ako, tol?” tanong pa ni Allan kay Carlo.

            “Hindi naman tol,” pero halos mangongo si Carlo dahil nagtakip ng ilong. Siyempre, tawanan ang mga tulad nilang ungas din, mga walang magawa sa buhay kundi ang magchismisan. Kalalaking tao e.

* * * * *

            “Ikaw ba ang nagsabi sa nangyari yesterday?” tanong ko kay Karen nang maabutan ko siya sa classroom. Mabilis nitong kinokopya ang assignment sa kung sinong kaklase namin.

            “Alin? Yung hinalikan ka ni Edge?” inosenteng tanong ni Karen. Pero medyo malakas ang boses kaya napatingin sa kanila ang ibang mga kaklase. Nagbulungan agad ang mga ito.

            “Sige, ilakas mo pa,” pandidilat ko kay Karen.

            “Sorry. Wala akong pinagsabihan, no?” depensa niya. “Baka si Ramil.”

            Noon lumapit si Ramil, humahangos.

            “Welcome!”

            “Ikaw ba ang nagsabi ng nangyari kahapon?” sumbat ko agad sa kanya.

            “Of course not!” salag agad niya. Magsasalita pa sana si Ramil pero noon papasok ang iba pa naming classmates, nagbubulungan, naghahagikhikan. May tinitingnan sa cellphone ng isa naming classmate.

            Napakunot-noo ako.

            “Welcome, may nakakuha ng video ng nangyari kahapon,” paliwanag ni Ramil.

            “What?”

            “Sa harap ng school nangyari, di ba? May classmate tayong nasa balcony sa second floor. Nakita yung nangyari. Ayun, nakunan niya ng video sa camera niya.”

            Anak ng pitong kuba, oo!

            Talagang may video scandal pang kasama???

* * * * *

            Shocked din si Ward nang malaman iyon.

            “I’m really, really sorry, Welcome. I didn’t know na may nakakuha ng video,” pagpapaliwanag niya.

THE WRONG MR. RIGHT  By RJ NUEVASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon