♡Chapter 18♡

71 23 2
                                    

Kisha POV
Naglalakad na ko papunta kala Kathy ngayon pero habang naglalakad lumulutang padin yung isip ko sa nangyare kanina.Bakit ba kasi bigla nalang nang---

Toink!(A/N:sorry sa sound effect)

"A-aray!"angal ko habang hinihilot yung noo ko.Dahil nga lutang yung isip ko,hindi ko na namalayan na nandito na pala ako sa C.R. at nakasara yung pinto kaya ko nauntog.Sakit nun ah!

"Oh Kisha!"sabi sakin ni Thea,sana di niya nakita yung pagkauntog ko,mapahiya pa ko.Nakuuu Kisha kasi

"Oh anjan ka pala!"bati ko saka pumasok sa loob.Ayos naman pala kasi kami lang nandito.

"Ow yes.We're here kanina pa,you're so tagal"angal nito sakin

"Ah sorry hihe!"sabi ko saka kumakamot sa batok

"It's okay!Kathy is here"sabi niya sabay turo sa isang cubicle.

______
Naglalakad na kami papuntang room.Late na late na late na late na kamiiii!pero alang kami.

Papasok na kami ng biglang...

"ABA MISS HENDY,DIÑOSO AND MISS HERMINDA!PUMASOK PA KAYO?!"bumuga ng apoy ang galit na galit na dragon.De joke lang po ma'am hihe.

"May importante lang pong ginawa,sorry po."sagot ko 'saka yumuko.

"MAS IMPORTANTE PA SA PAG-AARAL?!ABA BAGO PALANG KAYO DITO AT NAKUKUHA NIYO NG MAGCUTTING CLASS?!"sigaw niya nanaman.Pwede namang hindi sumigaw ah?

"Sorry po"sabay-sabay naming sagot

"NO!GO TO THE LIBRARY AND READ ALL OF THIS!"sabi niya sa'min 'saka binagsak ang sandamakmak na libro.What the?!

"Bu--"di pa natapos sabihin ni Thea yung sasabihin niya eh binugahan na siya ng apoy,este sinigawan siya.Nakalunok ata yung teacher namin ng mega phone?

"NO BUTS AND JUST LEAVE!!"wala na kaming ibang nagawa kundi lumabas ng room at pumunta sa library.

Papunta palang kami at gumagawa ng kababalaghan :))

Kahit napagalitan na kami,sadyang mga baliw ata talaga kami.

"NO!GO TO THE LIBRARY AND READ ALL OF THIS!"pangagaya ni Kathy sa sinabi ni ma'am 'saka ginaya pa pati yung itsura HAHAHA.Itsurang parang bubuga na ng apoy.

"Bu--"ginaya naman ni Thea yung linya nya kanina na hindi natuloy.

"NO BUTS AND JUST LEAVE!!"galing umarte ni Kathy HAHAHA bravo bravo bravo!!

"HAHAHA"sabay-sabay naming tawa sa kalokohan namin,kaya lang naputol yun ng biglang may umeksena.

"Tsk tsk tsk"saad niya na umiiling-iling pa.

"Tignan mo nga naman,napagalitan na't lahat-lahat gumagawa parin ng kalokohan."saad nito na huminto pa sa harap ko,pero nakatingin sa malayo.Paparinig pa.

"Tignan mo nga naman ang saya-saya natin nag-uusap kanina kaya lang parang may narinig akong boses ng 'hayop' na sisira ng araw ko."pagpaparinig ko naman sa kanya,pero ako deretsong nakatingin sa kanya.Aba matapang ata to!

"A-nong h-ayop?!sa gwapo kong to?hayop?seriously?!"malaking tanggi at hindi makapaniwalang tanong niya.Wushu ang o.a. makatanggi wagas,well...gwapo nga naman siya.

Ang tangos nga ng ilong nya eh,matangkad,maputi,ang ganda ng mata niya,ang haba ng mga pilikmata,sakto ang kapal ng kilay at higit sa lahat may pagkapula ang mga labi niyang hindi ganoon kanipis at kakapal,saktuhan lang parang ang sarap ngang halikan ul--?Aish!ano ba sinasabi ko waaaah erase!'Saka bakit ko ba kasi sinabihan to ng gwapo?!Di naman eh!

"Hoy sasabihan mo ko ng hayop tapos matutulala ka jan?Ah alam ko na!Hayop ako sa kagwapuhan kaya napapanganga ka pa?Oh ano tapos mo na ba 'kong pagpantasyahan?"pagmamayabang niya ng nakangisi pa.Aba ang feeling niya naman!

"Anong sabi mo?!pinagpapantasyahan?Woooy kahit kelan hindi kita pagpapantasyahan noh.Ang kapal naman ng muka mo!"giit ko naman dito

"Mas makapal naman yung iyo!Siopao nga eh HAHAHA."pang-aasar niya.Waaah malaki ba pisngi ko?

"A-ano?!hoy hindi siopao to noh!Aish diyan ka na nga.Ala kang kwentang kausap."sabi ko 'saka hinila ko na sila Thea at Kathy na nanood lang sa movie kanina este sa sagutan namin ni panget!

"HOY!MAS WALA KANG KWENTA!"rinig ko pang pahabol niyang sigaw.

Heh!bahala ka jan!

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Vote and comment are highly appreciated^_^

I hope you enjoyed this chapter.

Free to ask and share your thoughts.

Lovelots♡
Wait for the next update!

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon