♡Chapter 44♡

74 16 0
                                    

Dwayze POV
Dahil sa napakatagaaal na pagbabalik ko dahil sa napakadamiiiing ginawa namin ng barkada. Naisip kong dapat ko namang ibigay ang time ko kay Sha-Sha.

Balita ko umalis na si Cedie. I don't know the story pero alam 'kong nagsacrifice siya.

Alam ko kung gaano kasakit ngayon 'yung nararamdaman niya.

Napatingala nalang ako sa langit. Narito ako ngayon sa dagat. Nandito kasi kami ng barkada ko sa Bagac. Last destination namin saka naman kami magbabonding nila Sha-Sha.

FLASHBACK

"Hoy, napakayabang mo na nga tapos wala ka pang modo!" Rinig kong sigaw ng isang babae sa labas ng resto. Mukang away magsyota ang ganap.

Kumain nalang ako at binaliwala sila.

"Napakalandi mo!" Dinig ko pang sabi nung babae kaya napatingin ako dito. Kita ko ang sakit sa mata nito.

Hindi ko alam pero parang nasasaktan din ako sa nakikita ko.

Umamba ng sampal ang lalaki na tila napikon na ata 'to sa babae. Napatayo ako sa pagkakaupo saka mabilis na naglakad papunta sa kanila.

Sa isang iglap, nawakan ko agad ang braso nito at pinunta ang babae sa likuran ko.

Nagmalaflash ang datingan ko ah. Astig.

Kita ko na mula sa pagkakapikit napamulat nalang 'yung babae.

"Bitiwan mo nga 'ko." Saad ng panget na lalaking nasa harap ko.

Binagsak ko naman 'yung braso niya. Anong akala niya, gusto ko na hawakan siya? Asa, baka may virus pa siya noh.

"Ano bang problema mo?" Maangas na tanong nito.

Kung makapagyabang di naman matangkad.

"Nakita kong inambahan mo 'yung babae. Hindi sa pangengealam sa inyo ano. Pero kung may problema kayo ng syota mo pag-usapan niyo ng maayos." Pangangaral ko dito.

Tinabig naman ako nung babae saka humarap sa'kin. Nakaawang ang labi nito at nakaturo sa sarili niya.

"A-ako? Syota niyan? Eeewwww..." ika naman nito. Huh?

"Put* pare, 'yang tomboy na 'yan?"

"Anong sabi mo?!" Nanlilisik pa ang mata ng babae dito.

"Hindi ba kayo magsyota?" Saka ko sila tinurong dalawa.

Sabay naman silang umiling ng mabilis.

Ohhh..o-kay.

"Ah gano'n ba? Okay, ahm ano...sorry nalang. Haha ge bye!" Saka ako tumalikod na. Nakakahiya 'yon.

Pagbalik ko sa upuan ko. Nakita kong walang katapusan ang pagtawa ng babaeng 'to.

"HAHAHA ang epic non! HAHAHA"

Umupo 'ko sa harap na upuan nito saka umirap ng bahagya. Makatawa wagas.

Kumain na 'ko pero rinig ko padin ang mahina at pigil niyang tawa.

"Maihi ka sana."

"Malapit na nga eh HAHAHA, pakahero ka pa diyan ah."

"Sige lang Sha-Sha tumawa ka lang, diyan ka masaya eh."

"Pfft HAHAHA."

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon