♡Chapter 35- B.B. ko♡

67 17 0
                                    


A/N:Thank you for waiting! Hope you'll like it. Hit vote and comment your thoughts please. Thank you again❤ By the way! Thank you Ousagei for creating the book of this story. I really like it♡

Enjoy reading.....

Jacob POV
Thursday ngayon, kahapon kumpleto kaming pumasok kaya sana ngayon ganoon rin para the more the happier, ibahin natin para maganda.

Buti nalang. P.E. time!! YES!

"Hey Thea!" Tawag ko dito ng makita ko siyang papasok na. Oh, bat hindi nito kasama ang dal'wa?

"Oh bakit nakabusangot ang binibini ko?" Sweet at concern 'kong tanong.

Napaangat naman siya ng tingin saka ako inirapan. Luh, problema non?

Naiwan akong mag-isa nang lagpasan niya lang ako't hindi ako pansinin.

Nakanguso ko nalang siyang sinundan.

Hindi niya 'ko pinansin? Waaaaah ang puso ko parang nababasag huhuhu.

"Uy hello Jacob!" Napaigtad ako ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"Oh Kathy, Kisha..kayo pala. Nanggugulat naman kayo hehe." Saad ko sa kanila saka kumamot pa sa ulo.

"Nakita mo ba 'kung nasaan si Thea? Hindi kami inantay eh, kahapon pa badmood 'yun." Saad ni Kathy.

Napalingon naman ako sa direksyon kanina ni Thea nung nakabuntot lang ako sa likod niya. Wala na siya.

"Ah, baka nasa room na. Nakita ko nga kanina 'yun eh hindi ako pinansin. Bakit kaya?" Tanong ko sa kanila ng nakakunot ang noo saka ipinatong ang isa kong siko sa isa ko pang kamay habang tinatapik ang pisngi ko na parang nag-iisip, teka...talaga namang nag-iisip ako eh.

"Hmm.. Hayaan nalang muna natin baka monthly period niya na." Saad ni Kisha. Ohhh kaya pala, baka nga.

"Ahm..siguro nga pero kase ang mood ni Thea kapag meron siya diba mas nagiging baliw pa. Mas nagiging hyper?" Kunot-noong tanong ni Kathy.

"Malay natin nagbago ang takbo ng mood niya ngayon, diba?"

Nagkibit-balikat nalang si Kathy sa tanong ni Kisha.

"Halika na, wag kang mag-alala kakausapin ka rin non." Nakangiting saad sa'kin ni Kisha kaya tumango ako dito saka kami sabay-sabay na pumasok na.

Thea POV
He is so nakakainis talaga! Kala mo kung makaakto siya there's nothing happen grrrrrrr!

FLASHBACK

Papunta ako sa gymnasium dahil mayroon kaming meeting ng mga cheerleader. Yes I am a cheerleader. Yieeee~ kindly support niyo 'ko hihihi.

Malapit na 'ko sa gym kaso nakita 'ko si Benjie na tumatakbo.

Tatawagin ko sana 'to ng parang hindi niya kasi ako napansin kaso nga lang may nakita akong babaeng humahabol sa kanya.

"Hey babe!" Tawag sa kanya ng isang babae na naabutan siya saka siya pinaharap at....

At siniil ang kanyang labi ng halik.

Pa-parang there is something inside me na nadudurog, sinasaksak at nawawasak. Is it... my h-heart?

Nawala ang ngiti sa labi ko't agad binawi ang tingin ko sa kanila saka nagdesisyon nalang pumunta sa gym na parang wala sa sarili.

Why I need to hurt like this? Hi-hindi naman kami in a relationship. I don't have a rights. It is more hurting me the fact that walang kami so I don't have a karapatan.

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon