♡Chapter 45- I like you♡

66 14 0
                                    

Dereck POV
Another morning, another day na makikita ko siya at magtitiis na hindi ko siya makulit. Magpapanggap nanaman na wala akong pakealam sa kanya.

Paano ba 'ko aamin sa isang taong pinerwisyo ko na? Sa taong may ibang gusto? Sa taong ayaw sa bad boy na tulad ko? Na parang kinamumuhian ako?

Wala Dereck talo ka na.

Pero susuko nalang ba 'ko?

Sa guwapo kong 'to, kayang-kaya ko makuha si Kisha.

Pero kahit nga guwapo ako si Cedrick parin 'yung nagustuhan niya.

Arrrgh! Love is totally shit!

@school
"Dereeeeeck I love you!"

"Where's my cedie?"

"Papi Jacooob!"

"Benjieee aagawin kita"

Sigaw ng ilang nadaanan namin. I'm with Benjie, Jacob, Thea, Kathy and yeah Kisha.

Sa last line nakita ko ang mabilis na paglingon ni Kathy sa babaeng nagsabi no'n, inirapan siya nito
kaya inirapan niya din pabalik.

Sana ganyan din si Kisha sa'kin.

"Hey babe!" Samantha the epal again.

"Yes?" Pilit kong tanong dito.

"Did you missed me ba?" Ofcourse not. Umalis kasi siya ng mga 3 days hindi ko alam kung bakit at wala akong balak alamin.

Bakit ka pa ba bumalik.

"Ofcourse." Nakangiti at hinigit ko pa ang bewang nito palapit sa'kin.

Humagikgik naman ito.

"Ehem!" Saad ni Kathy.

"Oh you have ubo?" Tanong ni Samantha sa kanya.

"Yes, at umiiwas ako sa bacteria kasi baka mas lumala 'to kaya excuse me." Saad nito saka sila nauna nila Thea at Kisha.

"Sunod ka nalang boss." Saad ni Jacob.

"Enjoy." Nakangiti na nang-aasar na paalam ni Benjie.

Nang makaalis na sila kaagad ko ng tinanggal ang kamay ko sa bewang nito.

Naglakad naman na 'ko para sumunod ng hindi na nagpaalam kay Samantha.

Pagdating ko mayroong dalawang lalaki na nakatayo sa may table at nakikipag-usap kay Kisha.

Mukhang dumidiskarte.

"Matagal na talaga kita gusto makausap kaso nahihiya ako eh." Saad ng boy na akala mo naman guwapo. Ang alam ko dancer 'to eh. Dancer eh ang tigas ng katawan nung napanood ko.

"Ayieee Kisha oh mukhang si mr.right na itesh!" Saad ni Kathy.

"He's pogi naman eh." Sabi naman ni Thea. Tumingin naman sa kanya sa Jacob then she whispered something na nakapagpaalis nv kunot sa noo nito.

"Sana pagbigyan mo 'tong kaibigan ko. Gusto ka talagang maging kaibigan nito eh." Saad nung kasama nung lalaking panget.

"Can I have this one?" Paalam ko kay Austin na nasa malapit ko lang. Kinuha ko ang drinks niya at naglakad na papalapit sa kanila.

Umupo ako na walang ekspresyon
sa mukha saka binagsak ng malakas ang bote na hawak ko.

Tumahimik naman sila.

"Sige mamaya bago mag uwian usap tayo." Sabi ni Kisha. Gusto ko siyang pandilatan ng mata sa sinabi niya pero pinilit kong huwag ipahalatang may pakealam ako sa usapan nila.

"Talaga?" Tanong ng panget na 'to na parang may ningning pa sa mata.

Tumango si Kisha kaya umalis na ang mga 'to.

"Omg I'm so kinikilig."

"Nice one Kisha."

"Mukha naman mabait." Sabi ni Kisha na nakangiti pa. Aba, ang larot mo ha!

"Playboy 'yun." Nasabi ko bigla. Umangat siya ng tingin at inirapan ako.

"Huwag mo na kausapin." Dagdag ko pa. Hindi ko mapigilan eh! Nakakainis.

"Ano namang pakealam mo?" Saka siya umalis.

"Hala kaaa.."

"Naku boss."

"What's your problema Dereck?"

"Oops."

Sinundan ko naman siya hanggang sa naabutan ko siya at nahawakan ko ang braso niya. Pinaharap ko naman siya sa'kin.

"Bakit ka umalis? Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw, Anong problema mo?" Pabalik niyang tanong sa'kin.

"Si Ace ba? Ano bang pakialam mo sa'min? Sa'kin?!" Ace? Siguro ayun ung lalaking panget.

"Huwag mo na kasing kakausapin 'yun! " pag-uutos ko sa kanya na para pang batang nagpapabili ng laruan.

"Bakit ba?!" Inis na inis na sabi niya.

Hindi niya ba nakikita?!

"Nagseselos ako!" Oh ayan nasabi ko na.

"Nagselos din ako pero pinagbawalan ba kita?!" Sigaw niya pabalik na nakapagpahinto sa'kin pagtapos niya masabi 'yun natahimik din siya.

"Kanino ka nagselos?" Pangtutukso ko sa kanya. Namula naman siya at umiiwas ng tingin. Ahhhh...Why she's so cute?

"Wa-wala." Pagtanggi niya.

"Don't deny it. Nasabi mo na. Ako hindi ko idedeny na nagseselos ako. At hindi ko idedeny na gusto na kita eh ikaw gusto mo din ba ko?" Deretso kong tanong s akanya. Bakit ko pa itatanggi at papatagalin 'to diba? Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya, napalunok naman siya.

"H-ha?" Nasabi niya lang. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at nagsalita.

"I like you Kisha Diñoso. I really f*cking like you."

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
Sorry for short update. Vomments will be highly appreciated.

For sure you are aware sa virus na lumalaganap. Be safe guys. We all hope na sana matapos na ang problema na 'to. Let's pray for everyone's health.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon