♡Chapter 25♡

62 19 0
                                    


Dereck POV

"Wala ka parin bang girlfriend Reck-Reck?"tanong sa'kin ni lola.Nang umuwi ako galing sa supermarket para bumili ng prutas ay naabutan ko na silang nandito.

Nasa kusina kami.Inaayos ko yung fruit shake niya.Mahilig kasi si lola dito.

"Ayokong mag-aksaya ng oras La."simpleng sagot ko saka sinalin na yung blinender kong prutas para sa kanya.

"Hindi aksaya ng oras yun ano ka ba!At isa pa gumamit ka nga ng po at opo!Etong batang 'to talaga."sermon niya at tinanggap ang inaalok kong shake niya.

Pumunta naman na kami sa sala kung saan nandoon na ang mga kaibigan ko at si Clarence.Kadadating lang siguro nila.At gaya ng inaasahan sumama nga sila Kathy at Thea pero nandito na din si Kisha.

"Wazzup La?"saad ni Clarence.Kala mo kung sino lang yung kausap.Well,ayos lang naman yun.Cool naman kasi si Lola.

Tumayo sila saka lumapit kay lola at isa-isa silang nagmano.

Nagulat kami ng pingutin ni lola ang tainga ni Clarence ng nagmano ito.

"A-aray aray La!"binitiwan naman na iyon ni lola kaya agad niyang hinimas-himas ang kanyang tainga.

"Bakit ba La?"nakangusong tanong nito.

"Anong bakit?!Tignan mo nga,may pahikaw-hikaw ka na."saad ni Lola saka pinakita ang tainga ni Clarence na may hikaw.Kaya pala.

"La naman,bagay naman ah."parang batang sabi ni Clarence.

"Hoy Clarence Ruiz Samuel!"ayan buo na.Ganyan si Lola pag naiinis.Binubuo ang pangalan.

Tahimik lang kaming lahat nakikinig na sinesermonan si Clarence.

"Ang panget tignan.Anong akala mo sa may hikaw na lalake?Gwapo?Mukang adik Clarence.Tanggalin mo yan ngayon din o lalabas ka ng pinto ng wala sa oras."ma-awtoridad na sambit pa ni lola kaya walang nagawa si Clarence kundi tanggalin ang hikaw niya.

Bumaling naman si lola sa'kin.

"Kanina ka pa nakaupo lang jaan Dereck.May mga bisita ka.Maglabas ka ng meryenda.Hay jusme mga batang ito oo.Kailangan sabihin pa lahat ng gagawin."

Hindi na 'ko nakipagtalo kay lola at pumunta nalang sa kusina para kumuha ng meryenda.

Tinawag ko ang ilang maid para maghanda sila ng pancake at ako ng bahala sa fruit shake.

Clarence POV

Yow!First POV ko 'to diba?Cool.

Ako nga pala si Clarence Ruiz Samuel.Galing akong Italy.Nabalitaan kong uuwi si lola dito,kaya nagdesisyon akong umuwi din muna.Tutal,nabanggit ng kaibigan ko na uuwi din daw siya dito sa Pinas kaya nagsabay na kami.Ang pangalan niya nga pala ay Dwayze.

Sila Papa at Mama ay nasa Italy.Kasama ang dalawa ko pang kapatid.Tatlo kaming magkakapatid.Isang panganay na babae,tapos ako saka isang bunsong lalake.My eldest sister name's Dianna Yen Samuel,at ang bunso naming kapatid ay si David Lorence Samuel.Si ate ay 25 na at may fiance,ako ay 21 I'm working in our company.We have business,nagpatayo kami ng mga resorts at ayun ang inaatupag ko.I'm helping my Father to handle it.Si David naman ay 16 he's Grade 10 magseñior high na siya next school year.Bat ba kasi may ganoon pa.Ang alam ko ay uuwi din sila dito next week ata.

"Rence"rinig kong tawag ni lola sa'kin.Nandidito pala kami sa hardin nila,kung saan may mga kahoy na upan na nasa gilid at malapit sa bakod.

"La?"simpleng tanong ko dito.

"Ang alam ko eh uuwi ang pamilya mo dito sa susunod na Linggo tama ba?"

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon