♡Chapter 36♡

51 16 0
                                    

Clarence POV

Dahil nga bored ako dito eh nagdesisyon akong bisitahin si insan sa school nila. Manggugulo kumbaga. Ayos lang naman, papapasukin naman ako don sa gwapo kong 'to este kasi kamag-anak naman ako ng may-ari.

Nag-ayos na nga 'ko't inihanda lahat ng dadalhin ko.

-------------------------------
@S.U.S. (Samuel's University School)

Section ano nga ulit si Insan?

Tanong ko sa'king sarili ng makapasok ako sa school nila.

"Wow" nasabi ko ng makita ko ang paligid.

Napakaganda

Pagkapasok ng gate mayroong I.D. detector kung saan itatap doon 'yung I.D. mo para malaman na nakapasok ka na ng school, ganoon din kapag lalabas ka.

At mula dito may matatanaw ka sa gitna na fountain.

Gara ah

Sa sobrang yaman ng school, marmol ang ding-ding ganoon rin ang sahig. Buti di sila nadudulas, kapag umuulan hindi naman mababasa ang mga marmol na nasa may fountain dahil mayroon automatic roof na sasara para hindi ito mabasa.

Nakakabilib

Dahil sa malilinis na salamin kita ko ang mga inverter aircon ng bawat room.

Ay wow inverter, lamig siguro dito.

Patuloy ako sa paglalakad habang papunta sa office ng Dean.

Ang ganda ng uniform.

Sa babae puting blouse na pinapatungan ng blazer na black. Saka skirt na above the knee. May suot na mahahabang medyas na hanggang tuhod saka black shoes at may suot silang I.D. na kulay black ang lace pagkatapos nakalagay ang pangalan ng school.

Sa lalaki naman, may mga suot na polong puti na pinapatungan rin ng blazer na itim. Pagkatapos black pants saka black shoes. Mayroon din silang suot na I.D.

Magaganda't gwapo mga estudyante dito ah, muka pang mayayaman.

Narating ko na ang office kaya nag-door bell ako dito saka itinapat ang gwapo kong muka sa may face detector para malaman kung sino ang nasa labas, pagkatapos may nagsalita sa may speaker nito.

Yayamanin

"Clarence iho, pasok ka." Saad nito saka kusang bumukas ang sliding door.

Nakita ko si tita na malapit na tumayong pangalawang nanay ni Dereck. Siya muna ang namamahala dito dahil walang ibang kamag-anak nila ang may oras at labis na pinagkakatiwalaan para dito. Ang daddy ni Insan eh inaasikaso ang company nila.

Pero sa pagpasok ko sa opisina eh mayroon akong hindi inaasahang makita.

"Ba-bakit ka na-nandito?"

"Woi Clarence Boy hindi ako multo okay? So please don't act like you saw a ghost." Saka niya 'ko nginitian na nang-aasar.

"Tita? Why she's here?"

"Dito na siya mag-aaral." Nakangiting sagot sa'kin ni tita.

"WHAT?! SERIOUSLY?!"

"Arrgh!! Quiet! Hindi makapaniwala?"
Naiinis na singit ng taong hindi na naming inaasahang babalik.

"No way." Naiiling kong sabi. Malaking gulo 'to.

"Oh yes." Saad niya pa na nakakabusit talaga!

Jacob POV

Nasa canteen kami. Oh yes! We're complete, finally HAHAHA.

"Boss may problema ba?" Tanong dito ni Benjie pagkatapos niya lagyan ng cake ang plato ni Kathy. I smell something fishy.

"Wala." Simpleng sagot nito saka nagpatuloy sa pagkain. Nagkatinginan kaming lahat saka nagkibit-balikat. Kasi naman, kanina pa nakakunot 'yung noo niya at walang imik.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, nakita namin si Clarence na papasok sa pinto ng canteen saka may kasama...

"Wo-woi! Si-si ano 'yun di-diba?" Gulat ko pang tanong sa mga kasama ko.

Bakit siya nandito?

"Ano bang sina...sa...bi... mo?" Pahina ng pahina at pabagal ng pabagal na tanong ni Benjie saka nilingon ang paparating.

Ang mga babae naman naming kasama eh nakakunot-noo lang saka nagtataka sa iniasta namin.

Lumingon naman si Boss Reck at mas lalong nagsalubong ang kilay.

Nako lagot

"Familliar sa'kin 'yung babae oh! Saan ko nga 'yan nakita?" Takang sabi ni Kisha kaya napalingon kami sa kanya.

"Nagkita na kayo?" Tanong ko

"Ahm..oo. Bakit? Di ko lang matandaan kung saan at kailan eh. Magkakilala pala sila noh?" Tanong niya pa.

Nginitian ko lang 'to hanggang sa makalapit na sila sa'min.

"Mga pre." Pilit na ngiti ni Clarence sa'min saka niya binati rin sila Kisha. Si boss Reck naman patuloy lang sa pagkain. Binabalewala ang nangyayari.

"Recky babe!!" Masayang bulalas ng kasama ni Clarence kay Boss Reck saka siya yumakap sa likuran nito at ipinatong ang baba niya sa balikat ni boss Reck.

Tsk pano niya nagagawa 'to? Napaka-napakakapal.

Nagtitinginan na lahat ng tao dito sa canteen lalo na ng biglang tumayo si Dereck ng naging dahilan upang masaktan ang babae dahil tumama ang balikat ni Boss sa baba nito.

"Ouch!" Daing niya saka hinimas ang baba niya.

"Babe?" Tanong ni Kisha.

"Ow hi! You look so familliar! By the way I'm Love Samantha  Sugina, Dereck's babe." Nakangiting pagmamalaki nito sa'min saka kumapit sa braso ni boss Reck.

"Ahm, nice to meet you. Alis na 'ko pinatawag ako ni ma'am, kailangan daw mga officers ng SSG eh. Bye! Sa room nalang tayo magkita." Pagpapaalam ni Kisha sa'min. Kasama kasi siya sa officer ng school at 'yun ang tinatawag na SSG.

"Babye gurl!" Maarteng saad ni Samantha.

"Ingat!"

"Kitakits maya!"

Saad namin dito habang tumakbo na siya palayo.

Si boss Reck naman eh pilit inagaw ang braso niya saka lumabas na din ng canteen.

Tinignan namin nila Jacob at Cedrick si Samantha ng masama.

"What?!" Maarte nitong tanong sa'min saka pa kami tinaasan ng kilay.

Hinila ko na si Thea ganon rin ang ginawa ni Benjie kay Kathy saka sumunod na sa'min sina Clarence at Cedrick.

"Hey guys wait!" Tumatakbong habol sa'min ni Samantha.

"Let's wait her naman." Saad ni Thea habang naglalakad kami ng mabilis.

"Hindi siya worth it na hintayin." Saad ko nalang dito hanggang sa matanaw ng mata ko si Kisha na nakatalikod habang hawak ni Dereck ang kamay nito na parang pinigilan niya 'to sa paglalakad.

A-anong meron?

Mukang ako lang ang nakapansin kaya nagdesisyon akong dumeretso nalang sa room hanggang sa nasa room na kami eh nandito rin si Samantha.

Dahil sinabi niya ang masamang balita.

Dito siya mag-aaral at kaklase pa namin siya.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
I'm really sorry for the super late update. Please do the vomments. Hope you like it.

Sino nga ba si Samantha? Who do you think she is?

Thank you for reading. Stay tuned guysue. Lovelots♡

By the way! Happy 1k reads guys, thank you so much♡

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon