♡Chapter 33♡

56 17 0
                                    


Benjie POV

I'm awake... nagising na, literal at gising na din sa mga nangyari. Pinaliwanag sa'kin ng magulang ko kung bakit ako nandito na ikinuwento sa kanila ni Kathy. Si Kathy, si Kathy na nakalimutan ko sa mga panahong naaksidente ako...panigurado nasaktan siya. Hayst!

FLASHBACK

(dito ikinukwento ng magulang ni Benjie ang sinabing nangyari ni Kathy sa kanila.)

'Ah-ano, ako si Kathy'

'Anak hindi mo ba siya natatandaan? Siya si Kathy'

'Kilala namin lahat si Kathy'

'Si Kathy ang nagbabantay sa'yo dito madalas'

'Kathy'

'Kathy'

"Ah-argh! Ang sakit ng ulo ko a-argh!' Habang nakaupo sa kama ko, dito sa Hospital. Napapahawak ako sa ulo ko sa tuwing sasakit ito, sumasakit sa kadahilanan sa pangalan na 'Kathy'.

Paulit-ulit sa isipan ko ang pangalan niya, sa tuwing nagpapabalik-balik ito sa'king isipan sumasakit ang ulo ko.

"Anak may masakit ba sa'yo?" Dinig kong tanong ni mama, siya lang ang nandito ngayon. Pumasok daw ang mga kaibigan ko't si papa naman eh inasikaso ang business.

"Sumasakit po ulo ko ma, sa tuwing naririnig ko ang 'Kathy'. Sino ba siya ma? At saka ano nga ba ang nangyari sa'kin kung bakit ako nandito?"

Lumapit siya sa'kin at saka hinawakan ang kamay ko.

"Anak si Kathy, siya 'yung lagi ikinukuwento mo sa'kin na laging nagpapasaya sa'yo, nangungulit at nagpapangiti. Siya kamo 'yung pinaka close mong babaeng kaibigan na kamo mukang...nadedevelop na ang feelings mo." Saka siya ngumiti ng matamis.

I felt my heart beats fast.

Really?

"Ta-talaga ma?"

"Oo, ang sabi mo pa nga.
'Ma alam mo ba si Kathy, 'yung kinukwento ko sa'yong pinakamadaldal na babaeng nakilala ko, ayun laging may sakit siguro dahil sa hyper hahahaha.'
Oh diba?" Saka niya 'ko tinawanan.

"Argh ang sakit ng ulo ko!" Saka may nakita akong pangyayaring biglang nagflash sa'king isipan.

*****
"Huy Benjie akin na nga 'yan!" Saka inaabot ang cellphone niya.

"Sino 'tong lalaking katext mo Kathy ha?!"

"Kuya ko nga! Akin na sabe, ang tangkad-tangkad mo eh di ko maabot ano ba!"

"Abutin mo Kathy liit HAHAHA!"

*****

"A-anak, ayos ka lang? Teka tatawagin ko muna ang doctor."

"Wag na ma, ayos lang ako. May bigla lang akong naalala."

"Are you sure?"

"Yes ma. Well, ma bakit nga ako nandito?" Sandali siyang natigilan saka ako tinitigan at bumuntong hininga. Ang baho ma hehe joke.

"Sabi ni Kathy anak, pumunta ka daw sa bahay nila noon para alagaan siya dahil may sakit nga siya.

Kaya lang, bigla ka daw umalis, tumakbo ka daw ng mabilis...hinabol ka niya. Kaso dere-deretso ka sa daan ng hindi tinitignan kung may paparating na sasakyan.

It Is Just A Deal (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon