Chapter 4

97 56 8
                                    

AN :Thanks for reading my story I hope you'll like it...

Alexandra POV

NANDITO ako ngayon sa coffee shop namin kasama ang ungas  na ghost na 'to. Nasa harapan ko siya 'di kami magkatabi.

"Ano na ang plano mo?" TAnong ko habang iniinom ang kape. "ANg plano ay ipagpatuloy natin ang paghahanap baka may makita tayo" sagot niya.

Bakit ba ako nakipag deal as engot na 'to? Nakakainis parang utusan ako... tiningnan ko siya, mukha na siyang tao kung titingnan, may itsura naman purong pilipino ang balat at matangos ang ilong.

Sa madaling salita ang gwapo ng ghost pero...ghost siya isa lamang kaluluwa.

Alexandra ano bang inisp mo? Nababaliw na talaga ako.

Sa kabilang dako... may nakita akong mama na parang kakaiba kanina pa siyang tingin nang tingin samin.

Di ko na namalayan nakatulala na pala ako sa kawalan at kanina pa pala itong  ugong na 'to. "Lil-Alexandra ayos ka lang ba binibini kung gusto mo magpahinga ka muna bukas nalang natin hanapin ang mga susi" sabi niya at iniwan ako.

Alam pero naguguluhan ako bakit ganun ang nakalagay sa ulit? Bakit ako?

~fℓαѕнвα¢к~

"Ang nakaukit ay di ko mabasa sadali kukuha lang ako ng papel at ballpen" sabi ko sabay hanap sa bag ko ng mga kailangan ko.

"ᜆ̥ᜆ̥ᜌᜓ ᜋᜈ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜆ̥ᜊ̊ᜄ᜔ ᜐ ᜁ̊ᜎᜓᜄ᜔ ᜑ̊ᜑ̊ᜈ᜔ᜆᜌ̊ᜈ᜔ ᜃᜓ ᜀᜅ᜔ ᜁ̊ᜌᜓᜅ᜔ ᜉᜄ᜔ᜊᜊᜎ̊ᜃ᜔ ᜋᜑᜎ᜔ ᜃᜓ. ᜇᜉᜆ᜔ ᜋᜓ ᜋᜑᜈᜉ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜊᜊᜁᜅ᜔ ᜈᜃᜆᜃ᜔ᜇᜅ᜔ ᜋᜄ᜔ᜏᜃᜐ᜔ ᜐ ᜈᜃᜑᜇ᜔ᜎᜅ᜔ ᜐ'ᜆ̊ᜈ᜔ ᜐ̥ᜈ᜔ᜇ̊ᜈ᜔ ᜋᜓ ᜎᜋᜅ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜋ᜔ᜄ ᜊ̊ᜆ̥ᜁ̊ᜈ᜔ ᜀᜆ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜋ᜔ᜄ ᜉᜅ̊ᜆᜁ̊ᜈ᜔"

Sinulat ko lahat ng mga nakikita ko at ibinigay sa kanya. Tiningnan niya ito sabay tingin sakin tapos umupo sa sa sahig. Hay indian lang ba ang gagawin niya? Anu kaya ang nakalagay sa mga pader?. Dahil tanga rin ako may upuan naman umupo din ako sa sahig katabi niya.

"Anu ang nakalagay?" Tanong ko at sabay bigay sakin ang papel na binigay ko sa kanya."Di ko maunawaan ang sinulat mo kaya napaupo ako at tumigin sa bahagi na tinitingnan mo" sabi niya na dahilan ng pagka-irita ko kumag talaga nito kung pwede lang 'tong hambalusin ng libro.

Pagkatingin ko sa papel ay ngayon ko lang napansin na baliktad pala ito. Hay buhay nga naman. "Baliktad ang papel " sabi ko at ipinakita ulit ito sa sakanya.

"Tutuyo man ang tubig sa ilog hihintayin ko ang iyong pagbabalik mahal ko. Dapat mo mahanap ang babaeng nakatakdang magwakas sa nakahadlang sa'tin sundin mo lamang ang mga bituin at ang mga pangitain"

Wow, may pa mahal pa ha. Hahaha hay nako nagaksaya ako ng oras para lang sa isang love letter? Tanga ko pero ganda pala tingnan kung magkaroon ako ng love letter... Gumuho ang mundo dahil sa pagyanig na narinig naming dalawa pero nawala ako sa aking sarili sa aking nakita. Isang lalaking maputi ang kutis, matangos na ilong mapula na manipis na labi at sa anyo ng kanyang pananamit ay masasabi mo na mula sa may kayang pamilya. Papunta siya kinatatayuan ko at huminto sa aking harapan.

"Aming mahal na raha, ako'y masaya dahil nakita rin kita at kasama mo na pala ang susi para hanapin mga susi" sabi ng lalaki na dumating na ngayo'y nakatingin kay Hajinan. At muli itong humarap sa'kin. "Ano tinitingin mo? At anong susi? Tao kaya ako di susi." Sabi ko pero inerapan niya lang ako.

Suplado! Pero ang gwapo... pero nakaramdam ako ng takot dahil nakaramdam ako na may humawak sa akin pero wala naman at nakita ko ang mga libro na lumilipad sa ere... gusto ko himatayin pero hindi pwede. Nakita ko nalang may mga dugo na tumutulo mula sa bubung ng silid-aklatan at nanlamig ang buong paligid.

At may na aninag akong babaeng nakaputi at may mga sukat siya sa iba't-ibang bahagi ng kan'yang katawan. Maganda siya, matangos din ang ilong parang ako lang pango dito ah!

"Huwag kang matakot babae, pagkat ako ito si Alina ang dyosa ng mga espiritu" sabi niya, nakasuot siya ng itim na gown at may puting velo at may dalang libro at ang libro na hawak niya ay ibinigay niya sakin. "Kunin mo ang aking regalo sa inyo ng Raha na ito at ako'y nasisiyahan sa inyong paglalakbay" sabi niya habang nakangiti.

"Salamat" ang tanging itinuran ko. Speechless si ateng, ikaw ba naman ang makakakita ng gwapo tapos multo o dyosa man ay natatakot ako.

"Ikaw Alexandra ang magdadala sa mga susi patungo sa walang hangang pagmamahalan" sabi nila at naglahu ng parang isang bula.

~єи∂ σf fℓαѕнвα¢к~

Naglalakad ako patungo sa aming bahay, galing kasi ako sa grocery store para bumili ng mga ingredients na kailagan ni mama sa pagluluto niya ng 'matcha milk tea with pearls ' Japanese drink yan. Si mama kasi may pagka anime lover. At ako naman nahawa sa kanya.

Habang naglalakad ako may nakita akong lalaki na papalapit sa aking kinaruruonan. At namumukhaan ko ang itsura niya siya yung guy na nakita ko sa library kasama si haijinan. Anu naman kaya ginagawa niya sa street namin?.

Natigilan ako sa paglalalad nang makita ko na kasama niya pala si Hajinan. At papunta sila sa aking direction. "Alexandra diba?" Tanong ng lalaki " Ako nga pala si Artith ang pangalawang kamay ni Raha Hajinan" pake ko kung pangalawang kamay la niya? Charot...

"Ganoon ba?" Tanong ko, at pinagpatuloy ko ang paglakad. At pumasok sa aming gate at sunara agad ito nang makita ko na papalapit sila sa akin.

Nagulat lang ako na bigla niya akong hinila at ngumisi...

"You think na matatagumpay kayo ng raha I'll  prove you wrong" sabi niya at nagsimulang nagbago ang itsura niya.

Nakita ko si Hajinan at ang totoong Artith... "Alexandra!"

Itutuloy...

MY WATER GHOSTTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang