Chapter 14

48 32 3
                                    

Cer de noapte (The night Sky)

Alexandria POV

PULANG mga mata, kasing pula ng buwan na aking ngayong nasaksihan. Parang binuhusan ako ng malamig na yelo at hindi ako nakagalaw dahil sa di ko matukoy na dahilan.

"S-sino ka?" Tanong ko sa taong nasa harapan ko ngayon. Hindi ko parin maalis ang pagtitig sa kanyang pulang mata na parang apoy na nasusunog sa loob ng kanyang mukha.

Hindi niya ako sinagot sa halip ay tinutok niya sa akin ang kanyang sandata. Nabigla naman ako sa kanyang ikinilos, kaaway talaga siya.

Mamamatay na talaga ako? Hindi ko hahayaan na dito lang matatapos ang buhay ko. Akala ko ay papatayin niya talaga ako kaya ay hindi ko mapigilan ang mapapikit sa kaba.

"Ako si Haliya ang kambal-diwa ng pulang buwan." Hindi ko inaasahang sagot niya sa akin.

"Papatayin mo ba ako?" I know that was a dumb question, but what if he will be able to help me. Nagbabasakali lang naman ako kung sakaling mabait pala siya.

Natigilan siya at tiningnan niya ako na tagos sa kaluluwa. Parang bumabati na sa akin si kamatayan sa di kalayuan, pero sorry kamatayan not today please lang naman.

Akala ko na tutulugan na niya ako pero nagulat ako dahil sa halip na itarak niya sa akin ang matulis na espada, kinakabahan ako ng sobra dahil parang masamang panaginip ako at gusto ko na magising.

"Ikaw Alexandria, hinahamun kita sa isang labanan." Sabi nito sa akin at mula sa kawalan ay may lumitaw na isang armas sa tabi ko.

Hindi ako marunong makipag-away, Hindi nga ako marunong kahit makipagsuntukan o kahit sabi-sabi lang. Kung tatangapin ko ang hamon sigurado ako na mamamatay ako.

Tumayo ako at nanginginig ang aking tuhod, wala akong lakas. "Sa tingin mo ba isang away ang magiging solusiyon. "

Hindi ito nagsalita sa akin at naalala ang mga sinabi sa akin ni Hajinan noon sa library...

"Ang pagdilim ng araw, pagpula ng buwan at pagkahulog ng mga bituin sa langit... Ibig sabihin, natupad ang dalawang binabanggit sa talata: Makukuha lamang ang susi sa pamamagitan ng dalawang alay at kung napasakamay ito ng making tao ay may hinding maganda ng magaganap. " sambit niya sa akin na seryoso ang kanyang mukha. Hindi ko alam ang tungkol sa mga talata na tinutukoy niya pero alam ko na importante na tatandaan ko ito.

"Lila Sari, alam mo ba ang kakahantungan kapag naganap na ang aking sinabi? " Tanong niya at hinawakan ang aking mga kamay.

Nabigla naman ako sa kanyang ikinilos pero hinayaan ko nalang siya. Umiling ako sa kanya at napatikhim naman ang isang nagbabasa sa kabila nang makita na nakaholding hands kaming dalawa.

Kumawala siya sa pagkakahawak sa akin at tumingin uli ako sa kanya. "Ano na? Sasabihin mo ba?" Tanong ko.

"Mamamatay ang mga kaibigan mo, ngunit may plano na ako para dito. " Sabi niya at napatakip naman ako ng aking mga kamay sa aking bibig sa sinabi niya.

"Kailangan mo talunin ang kambal diwa ng pulang buwan." Sabi niya at napatayo naman ako. "Ano? Paano? Huwag mong sabihin na papatay ako?"

"Kung ayaw mo may iba naman akong plano pero mahaba ito, kung ayos lang sa iyo at ilalahad ko na ang gusto kong gagawin nating hakbang para manalo at makuha ang susi. " Sabi niya.

Ngayon nasa harap ko ang kambal-diwa ng pulang buwan at balak niya akong tapusin. Ngunit ayaw ko mamatay nalang ang mga kaibigan ko, sila lang yung nabibigay saya sa akin kapag may mga problema akong hindi ko masolusiyonan. Napatingin muli ako sa kanya at matapang na sinabi. "Ang karahasan ay hindi solusiyon sa lahat, isang mahina man na hakbang ang aking gagawin ngunit kailangan man hindi naging tama ang karahasan." Saad ko sa kanya pero hindi ito kumibo sa akin. Nanatili itong nakatayo na parang robot sa aking harapan.

Wala man kabuhay-buhay ang kanyang katawan, umaasa ako na may puso siya. "Masiyado kang nagmamarunong mortal, nilalapastangan mo ang tradisyon." Nagsalita naman ang lalaking nakamaskara na ang master mind sa kipnaping na ito hindi ko nalang pinansin ang kanyang sinabi at tumingin sa kambal-diwa.

"Wala ka bang puso? Wala ka bang kaibigan? Wala ka bang pamilya? Wala bang nagmamahal sa iyo?" Ang buhay na walang pagmamahal ay parang buhay na walang saysay. Parang nabuhay kalang dahil ginawa ka, puno ng kasamaan ng loob ang iyong puso at makita na nasasaktan ang iba ay nadudusa, natutuwa ka pa.

Kitang-kita sa mata ng halimaw na ito ang kadiliman, kalungkutan at kasakiman. Sa pulang mga mata nag-aapoy ang kanyang lakas ng loob at ang galit ang nagsisilbing gasolina nito. Habang nakatitig ako sa mga nag-aapoy na mga mata ay hinihigup ako at sinusunog.

Panibugho ang naghahari habang nakatingin ako sa mga pulang mata niya, hindi ko matukoy kung sasangayon siya sa akin na hindi mag-laban na wala namang maganda na idudulot.

"Hindi ko uli uulitin ang sasabihin ko binibini, hinahamon kita ma labanan ako upang maligtas ang mga kaibigan mo at makuha mo ang susi." Parang gusto ko na talaga sigawan ang halimaw na ito, sino sila para patayin ang mga kaibigan ko?

Hindi ba ako narinig ng kanilang puso? O sadyang wala talaga silang puso. Napahawak naman ako sa aking noo dahil sa inis at takot na aking nararadaman.

Wala na talaga akong mapipilian na mabuti ang kakahihinatnan. Nasaan na kaya sina Hajinan? Bakit niya ako hinayaan na kalabanin ang walang puso na halimaw na ito? Ginamit niya lang ba ako dahil kailangan niya? Hahayaan nalang ba na kamatayan ang aking kakaharapin?

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang espada na ito. Isang bagay na para sa akin nahahatid ng kamatayan, karahasan at pagdudusa. Isang armas na maaring makasakit ka o masasaktan ka.

"Hindi ka talaga marunong makinig." Halos pabulong ko na sabi sa kanya at tiningnan siya ng seryoso.

Hindi man ako si Wonder woman, Hindi man ako isang super star na astig sa mga action movies, sisiguraduhin ko na ako ang magiging Reyna ng gabi, dahil hindi ko hahayaan na mamatay ng walang katuturan ang mga kaibigan ko.

They don't deserve this mess, they deserve to be treated well. This may hurt me and my enemy. But it lead me no choice but to fight back and be strong...

No fear, Be brave...

______________________

MY WATER GHOSTWhere stories live. Discover now