Chapter 6

66 46 3
                                    

Author's Note:
I'm deeply sorry for not updating for a very loooooooooong time.

~°~


Mga ilang araw na din na hindi ko nakikita ang kalukuwang yun. Tama ang sinabi niya na aalis muna siya. Dapat kasi masaya ako ngayon dahil walang mambwebwesit sa akin. Pero itong si second hand Artith ay pumalit sa master niya.

"Binibini kabilibilinan ng aking Raja na bantayan ka." Sabi niya habang nasa labas siya ng bahay.

Kita niyo na ang tigas, dapat kasi nagpapahinga ako ngayon dahil kakatapos lang ng mga long exams namin sa school. Pero itong si Artith eh puro yaya doon, yaya dito. Sabi niya libre niya daw dahil nakita ko ang isang susi.

Kaya nandito kami ngayon sa cafe uni namin na nakaupo, nakatingin ako sa kawalan. These fast few days, I don't know if this is just normal, am I normal? Wala si Cynthia ngayon may practice kasi siya ng baking kasi kasama siya sa baking contest sa school, habang si Aliana naman ay may food blog, niyaya niya ako na sumama sa kanya pero wala akong gana. Kaya eto ko nag-eemo.

"Oh 'kay sarap sa ilalim ng kalawakan, samahan mo ako tumitig sa kawalan" May narinig akong kumakanta.

Lumingon ako at nakita ko si Artith, kumakanta siya with feelings. Nakapikit pa nga ang mga mata niya eh. Umiling nalang ako sa ginagawa niya, parehas sila ng amo niya. May saltik sa ulo. Kalokohan.

"Magandang araw binibini." Sabi niya at umupo sa harapan ko.

"Bakit ka nandito?" Mabilis kong tanong, ngumiti lang siya sa akin at may kinuha na bagay.

May hawak siyang libro, pamilyar sa akin yun. Ito Yung libro na handog sa amin ni Hajinan noon. Bakit nasa kanya yun? "Nakalimutan mo sa museo ang libro." At binigay niya a akin iyon, na agad ko namang kinuha.

"Alam mo Hindi nagbibigay basta-basta ang diwata ng espititu sa kanino lang, kaya pagkaalagaan mo yan." Sabi niya at tumayo sa harapan ko at nag-vow. Umalis na siya pagkatapos nun. Nakapagkatataka... Bakit nga ba? Binuksan ko ang libro, pero nagulat ako na walang nakasulat na kahit ano. Hindi ba ito libro? Magsisilbing talaan ba ito? O nag kamali lang ng bigay si Artith?

"Hi beshiiiiee, Surprise!" Nagulat ako na makita si Cynthia sa harapan ko at may dalang cupcakes.

"Akala ko ba ay may practice ka? Di ba whole day kayo?" Sabi ko pero agad ko naman tinanggap yung cupcakes. Ang sarap tingnan Kung may talaga Kung may BFF kang Baker.

"Well, mabait kasi si ma'am Dizon kaya bumali muna ako, saka gusto ko na wag kang hayaang nag-iisa at nagmumuk sa paligid noh!" Sabi niya at umupo.

"Ang sweet naman ng cupcakes mo besh. Parang ikaw ayiee. " Sabi ko sabay approved sa kanya.

Kumain kami ng cupcakes na ini-bake niya, at iba talaga ang beshie ko ang sarap mag bake! Pang master chef, Christina Tossi kabahan ka na may Cynthia na ang pilipinas. Charot lang haha pero ang sarap talaga Ang cupcakes na ito. Buti nalang nandito si Cynthia may kasama na ako.

Habang kumakain ay nag-kwekwentuan kami tungkol sa mga buhay, at mga pangyayari sa school. "Besh, sino yung lalaking palaging umaaligid sa iyo?" Tanong ni Cynthia habang sinasalin ang tea.

"Yung kamukha ni Alden?" Tumango naman siya at kitang-kita ang pagka-interisado sa mukha niya. "Si Artith yun, alalay ni Haji-ay uhm wag mo na yun isipin Ang mahalaga ay important."dagdag ko. Naku muntik ko na masabi si Hajinan. Kung sasabihin ko kay Cynthia yun baka iisipin niya na mental na talaga ako. Mabuti na ang maingat.

"Kwento ka naman tungkol sa kanya oh! Ang gwapo kasi feel ko ako si Maine at siya naman si Alden ko, ako si Rose at siya si Jack, ako si Juliet at siya si Romeo." Sabi niya with twinkling eyes and daydreaming face.

"Alam mo lahat ng nabanggit mo ay pinagtagpo lang pero hindi tinadhana, tragedy besh." Agad naman nawala ang twinkling eyes niya into a puppy eyes.

"Ito naman, ang bitter nito. Kahit na pinagtagpo kami sisiguraduhin ko na siya na ang DingDong Dantes ng buhay ko at ako naman si Marian Rivera ng buhay niya." Naloka na, nasobrahan na si beshie ng telebabad. Marimar lang ang peg? Pero sa encantadia namatay si DingDong dun ah. Hehe ang bitter ko.

Dahil sa pupumilit niya sa akin na mag-kwento kaya eto ako gumawa ng kwento. "Nagkakilala kami sa isang museum, tapos binalik niya lang yung gamit na naiwan ko Doon dahil napulot niya." Paninimula ko.

"Ganern? Anong height niya? Ang full name niya? Close ba kayo? Kayo na ba? " Sunod-sunod niyang tanong sa akin.

"Hinay lang besh, Siguro mga 5'8 siya, Artith lang ang alam kong pangalan niya eh, Hindi kami close pero hindi rin malayo at never maging kami loyal ako kay Ivan noh!" Sagot ko sa kanya. At tumagal ng tumagal hanggang mga 5:45 na ng hapon ay umalis na si Cynthia at pumunta na din ako sa bahay.

***

Linagay ko ang libro na binalik no Artith sa study table ko. Hinanda ko na ang pantulog ko bago mag-night bath. Feel ko kasi ang baho ko na kaya maliligo nalang ako. Mga minuto ang lumipas ay nakapagpalit na ako ng damit at humiga sa kama. Nakatingin ako sa itaas, sa kisame, sa mga bituin na nakapinta doon.

"Nak? Gissing ka pa ba?" Sabi ni Mama sa pintuan. Agad ko namang Binuksan ang pintuan at bumungad sa akin si mama. "Bakit Po?"

"May bisita ka, Ang Gabi na nga pero pumunta pa eh. Nandoon siya sa sala. " Sabi ni Mama at agad ko namang pumunta doon.

Nasa ikalawang palapag ang mg kwarto sa bahay pero nasa third floor ang kwarto ko. Ang over diba? Pero guest room dapat yun pero gusto ko kasi sa mataas para malapit ako aa mg bituin. Nasa third floor din ang rooftop namin na ginawang sampayan kaya pumunta si Mama sa kwarto ko dahil kukunin ang nakasampay na mga damit niya.

Bumaba ako sa baba, Sino naman kasi Yun? Si Cynthia ba? Alangan naman si Aliana strict parents nun bawal umuwi ng gabi.

"Magandang gabi aking binibini."

Isa lang ang taong nagmamayari ng boses na iyon. Akala ko ba aalis muna siya. At nagulat ako hindi na siya kaluluwa. Lumakad ako papunta sa kanya. Hinaplos ko ang pisngi niya, hindi ko maintindihan Ang nararamdaman ko. Kasama niya si Artith at ang isang babae pero siya lang ang tinitingnan ko. Nakasout siya ng normal na damit at parang Hindi siya Ang nakikita ko.

"Hajinan?"

MY WATER GHOSTWhere stories live. Discover now