Chapter 13

48 32 0
                                    

Ang pagabalik ng Bagani.

Alexandria POV

"Ma'am Bayani?" Nagulat ako sa nakita ko, nandito si ma'am Bayani. Siya kasi yung dating librarian sa school namin pero umalis na siya last year.

Bakit naman siya nandito? Akala ko ba ay nag-abroad na siya kasama ng pamilya niya.

"Good evening po ma'am, bakit po kayo nandito akala ko po nasa Indonesia kayo?" Tanong ko kay ma'am.

Ngumiti sa akin si ma'am, " May mahalaga lang akong inayos, ikaw hija? " Sagot niya sa akin.

"May—" Hindi ko na natapos dahil kumidlat ng malakas at napasigaw ako sa takot. Pero si ma'am parang manhid lang na walang emosyon. Napatingin naman ako kay ma'am dahil parang nanging iba yung dating niya.

Tumalikod siya na walang paalam na parang hindi kami nagkita, napatingin naman ako sa mga tao sa paligid ng plaza at ganoon din ang nanging kilos nila parang mga lamgam na nagsisilabasan sa kanilang bahay.

Weird. Bakit sila kumikilos ng ganito? Pumunta ako sa sentro ng plaza para hanapin Sina Hajinan at Artith. Lumingon ako sa bawat paligid ngunit, kahit anino nila hindi ko nakita. Nasaan na ba kayo?

Nag-vibrate yung cellphone ko sa bulsa ko, Hindi ko rin alam na nasa bulsa ko parin ang cellphone ko, sa pagkaka-alam ko nilagay ko ito sa loob ng bag ko. Kinuha ko ito at nakita ko na may message ako galing kay Cynthia.

From Cynthia:
Great gazebo ASAP.

Pumunta ako doon at nakita ko na may mga tao doon na nakatayo. Kinakabahan ako na lumapit, duwag na kung duwag pero kailangan ko maging matapang para sa mga kaibigan ko. Huminga ako ng malalim at ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa Great Gazebo ng plaza.

Palapit na sana ako nang makita ko na may mga baril na hawak ang mga tao kaya nagtago ako sa isang mataas na halaman. Bakit kasi hindi ako tumawag ng mga pulis?

Tatawagan ko sana yung mga pulis kaso walang signal, bakit walang signal eh nasa patag naman ako hindi nasa bundok. Tumingin ako sa paligid ko, hahanap sana ako ng tao na hihingan ng tulong pero walang tao, except ako at sa mga goons na hawak ang mga kaibigan ko.

10:44 na pero wala paring Hajinan dito at Artith. Kinakabahan na ako sa mga tarandadong kidnapers na ito eh mga walang magawang mabuti sa buhay puro problema ang bigay sa akin.

Think Alexandria, think kahit hindi ka matalino katulad ni Einstein. Ano nga ba ang gagawin ko? Bakit kasi Hindi ako tumawag ng pulis, baka sabihin Wala pa pong 24 hours na nawawala ang mga kaibigan mo ma'am. Kahit mga tao nawawala sa oras na kailangan mo sila.

"Lila Sari? Anong ginagawa mo dito?" Lumingon ako para makaharap si Hajinan pero wala si Artith.

"Delikado dito bakit ka pumunta? Alam mo ba na ikakapahamak mo lang ang ginagawa mo?" Ramdam ko ang pagaalalala niya sa kanyang sinabi.

"Ayokong hayaan nalang na mawala ang mga kaibigan ko, ayaw ko na umupo nalang at hintayin na masasagip sila." Tiningnan ko siya sa mata. "Kailangan ko silang sagipin."

"Kailangan mo din hanapin Ang ikalawang Susi."

Kumidlat ulit ng malakas kahit Hindi makulimlim ang kalangitan, tila kami lang ang nakakarinig ng mga kulob at kidlat. "Parating na ang hinintay natin." Sabi niya at umalis na siya sa kinatataguan namin.

Sinundan ko siya. "Sasama ako." Matipid kong sabi at sabay kaming pumunta sa Great Gazebo ng plaza.

Habang palapit kami at nakatingin sa amin ang mga tao na nakahawak ng baril at parang bad guys sa mga action movies, pero hindi lang jan nagtatapos ang kalbaryo ko. May sumusunod na tao sa likuran namin at Alam ko na may hawak din silang baril na mas mahaba na katulad sa mga armas ng mga Philippine army na nakikita ko sa TV.

May dadating bang FPJ jan na sasagipin ako? O di kaya Captain America? Kahit si Loki nalang Thor. Enteng kabesote kaya? Tarzan? Kahit si Darna nalang po please. Ding pakidala ang bato!

Nang nakarating na kami sa great gazebo ay pinalikibutan na kami ng mga bad guys, parang pulis lang kaso mga kriminal sila. May isang bilog na mesa sa gitna ng gazebo at doon nakatali ang walang malay kong mga kaibigan.

Lumapit agad ako sa kanila pero bigla naman ako tinutukan ng baril sa ulo ng isang naka-maskara. Siya siguro ang lider ng mga goons na ito kaya naman ay napataas ako ng dalawang kamay.

"Not so fast." Sabi nito sa akin at ibinaba na ang baril. Agad naman na lumapit sa akin si Hajinan. Kita sa kanya mga mata ang tinding galit sa taong nasa harapan namin ngayon.

"Let's make a deal, find me the key then I will let your friends go." Sabi ng inglesherong hilaw na nasa harapan ko.

"You think I will payag-payag to you? Maging pink man ang buwan pero hindi ako papayag." Sabi ko sa kanya na may halong paghahamon. Astig kaya ng kasama ko. Ikaw nga tumira sa ilalim ng lawa ng ilang taon!

"You will, or else your friends will die." Giit niya at biglang sumindi Ang mga kandila na nakapaligid sa mesa. "Your time is running, find the key to save your beloved friends." Sabi nito.

Susubong kita kay Voldemort o di kaya Kay Sauron. Kung swertihin ako dadalo si Joker at Malificent. Binigyan ko muna siya ng death glare bago humarap kay Hajinan.

"Gulpihin mo na kaya sila agad para tapos na." Bulong ko sa kanya.

Umiling siya sa akin at bumulong pabalik. "Nasabi ko ba na ikaw lang ang taong nakakakita sa akin?"

Umiling ako at bubulong sana uli pabalik pero inunahan niya na ako. "Ipapaliwanag ko nalang mamaya." Sabi niya at bigla siyang lumaho na parang bula.

                  Kumag ka talaga Hajinan! I hate you na, dapat ikaw ang resback ko eh.

"Simulan mo na ang ritwal Againye." Sabi pa ng isang taong naka-maskara din at ang tao na tinawagan niyang Againye ay nakasuot ng mahabang damit na mukhang daster ni lola na kulay itim.

"Ale aju keya hana..."

Eto naman tayo sa mga ritwal ng mga kulto, pero nagulat ako nang makita na may na buong lagusan sa ibabaw ng mess na kinahihigahan nina Cynthia at Aliana.

"A-anong balak niyong gawin!? Huwag niyong saktan ang mga kaibigan ko!" Sigaw ko sa kanila at pilit ko na inihila yung kamay ko mula sa mga dalawang nakahawak sa sakin ngayon, mga malalaki ang mga katawan nila na ako naman ay parang stick lang at sila naman ay parang balloon sa laki.

Sa portal na ginawa ni Againye ay may lumabas na isang nilalang na hindi ko makita ang kanyang wangis. Napatigil ako sa aking ginagawa nang makita siya na lumabas sa portal na iyon.

Ramdam ko tingin sa akin ang nilalang na iyon. Nakaramdam ako ng malamig na parang nasa north pole kami kahit naka-jacket pa ako. Lumapit sa kanya ang taong naka-maskara.

"Maligayang pag-balik Bagani." Sabi nito at nakita ko ang pulang mata ng nilalang ito.

Bagani? As in mandirigma? Siya ba Ang papatay sa akin? Katapusan ko na ba? Maraming katanungan ang aking naiisip pero Isa lang ang dapat kong itanong, kaaway ko ba siya o kakampi?

MY WATER GHOSTWhere stories live. Discover now