Chapter 9

59 39 2
                                    

Ginu Binikot.

Someone's POV

Darating din ang panahon na masasakop ko na ang boung nakaraan, wala man ang nakakaalam nito. Kung walang nakaraan wala ring hinaharap. Kapag hawak ko na ito magagamit ko na at mako-kontrol ang bukas.

Galit. Kasuklaman. Ingit. Ganid. Maramot. Takot. Yan ang nagpapalakas sa akin. Ang matinding galit ng mga tao. Kasuklam-suklam na pangyayari, krimen.

Matagal na akong nabubuhay dahil sa kahinaan nila. Ang mga emotiyon nila ang sisira sa sarili nila. Takot sa kanino man. Hindi sila matatagumpay dahil hindi ko hahayaan na mahanap nila ang pinakatago-tagong susi.

Lalamunin ko muli ang kanilang pangarap, sisirain muli ang pag-iibigan, bibigyan ng lamat sa magkadugo.

Darating ang panahon na maiisip nila na ako ang pinakamalakas. Sila Ang nag-bibigay ng lakas sa kapangyarihan ko. Hindi nila mapipigilan ang bangis ng pag-hihiganti ko.

Paalam aming Raja. Akin lang ang dapat na nasa akin.

Alexandria's POV

Krrrrring...

"Hay halimaw!" Bigla kong sigaw sa pagkabigla.

Bakit kasi ang lakas ng alarm clock ngayon?

"Anak mag-bihis ka na, maaga akong namalenke kaya Wala ako ngayon. May inihanda akong umagahan sa mesa. Maligo ka na baka ma late ka muli niyan." Sabi ng alarm clock.

Thank God it's Friday! Pwede na ako mag-puyat bukas kasi Sabado. Bumangon ako para iligpit yung kama ko.

6:07 am na pala, maaga pa naman pero dapat maaga ako ngayon kasi ngayon ang final recitation sa AP. Kailangan ko talaga bumawi sa mga past quiz at recitation ko kasi kapag hindi makakatanggap ako ng pasang-awa na grado. Patay ako kay mama.

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako sa kusina para mag-agahan. 6:33 palang kasi kaya may oras pa akong  kumain. Gutomin kasi ako, pag-kagat ko sa kinakain ko napatigil ako nang napasin ko na hindi ako nag-iisa.

"Hajinan Ikaw ba yan?"

Wala, walang sumagot. Ano ba itong kumag na ito snobbish sa personal. Napatayo tuloy ako para hanapin siya. "Uyy lumabas kana!"

Sa living area namin may nakaupong lalaki. Pero sure ako na hindi si Hajinan yun. "Sino po sila?" Tanong ko sa lalaking nakaupo sa sala namin. Hindi siya lumingon o sumagot man lang. Kaya lumapit ako sa kanya.

Palapit ako ng palapit, hahawakan ko sana siya nang bumukas yung pintuan. Bumungad si mama na galing palengke.

Pagtingin ko sa lalaki wala na siya. Wala na iyong lalaking naka-upo sa sofa namin. Namamalikmata lang ba ako? Hindi naman ako kulang sa tulog.

"Kumain ka na ba anak?" Tanong ni mama.

"Kakain palang po ako ma."

"Kakain ka palang!? Anak 7:12 na!" Nabigla naman ako sa sinabi ni mama. Paano yun nangyari eh kanina 6:33 palang. Napatingin tuloy ako sa wall clock namin. At totoo nga si mama 7:12 na. Kaya naman napatakbo ako para kunin yung bag ko at kinuha ko nalang yung tinapay para kainin mamaya sa paglakad.

Paano nangyaring mabilis ang takbo ng oras?

Pag-labas ko nakita ko si Hajinan na naka-abang sa akin. "Hayaan mong ihatid na kita." Alok niya sa akin.

Tumango nalang ako kasi ayoko na malate sa school. Sumakay ako sa kotse nila. Nakita ko na wala sina Artith sa sasakyan. "Saan sina Artith at Marikit?" Tanong ko.

MY WATER GHOSTWhere stories live. Discover now