Chapter 11

45 32 0
                                    

Alexandria POV

Hajinan?

Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit, Hindi ko alam Kong paano siya nahulog sa langit tapos ngayon yakap ako.

"Akala ko kinuha ka na nila ulit. " Sabi niya, tiningnan niya ako sa mata at ramdam ko ang pag-alala sa kanyang mga mata.

"May problema." Sambit ko sa kanya nang kumawala niya sit sa pagyayakap sa akin.

Kumunot Ang kanyang noo. "Ano naman Yun?"

"Sina Cynthia at Aliana nawawala." Sagot ko sa kanya. Hindi naman ako sigurado na nawawala sila pero nakaramdam ako ng kaba sa kanila.

Ano na kaya Ang nangyari sa mga kaibigan ko? Sana buhay pa sila? Baka kinid-nap sila ng mga dugyot na mga kawal or something, baka naman ay kinain sila ng malaking halimaw.

Overthinking again. Dahil sa kakaisip ko ng mga ganun eh wala talagang tatalab na maganda sa akin. "Tulungan mo naman akong hanapin sila."

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at sinubukan tawagan sila pero cannot be reached. Hinawakan ko ang mga braso ni Hajinan at nabigla naman siya sa naging action ko.

"Hanapin natin sila." Tumango naman siya at nabigla ako nang hinila niya ng malakas ang mga kamay ko at tumalon sa rooftop.

"Aaahhh!" Hindi ko mapigilan ang kaba na mamatay, takot ako mahulog, takot ako mawala, at higit sa lahat takot ako sa matataas. Parang nagwo-work out itong puso ko sa sobrang kaba na parang nagsisi ako na hinayaan ko nalang hinalahin ako ng Hajinan. Ito siguro ang tinatawag nilang Adrenaline rush napakagandang pakinggan at bigkasin pero hindi pala biro, sosyal pa naman sabihin.

Napapikit nalang ako ng aking mga mata at niyakap ko ang nga bisig ni Hajinan sa sobrang takot. Kung panaginip lang ito gusto ko sana na sabihin kay Vicky Morales na ang wish ay magissing na sa matinding panaginip na ito sa Wish ko lang.

"Nandito na tayo Alexandria, pwede mo na imulat ang iyong nga mata." Dahil sa nakayakap ako sa kanya ay ramdam ko ang hininga niya at kinalabutan naman ako.

Munulat ko ang aking mga mata at tumambad sa'kin ang lawa ng Laguna , Ang lawa ni Hajinan. Dinala niya ako sa kanya lawa at dahil ang huling punta ko rito ay maraming tao, ngayon na walang tao sa paligid ay nakita ko na ang tunay na ganda ng lawa mismo. Lumilitaw ang kulay asul na tubig na hindi ko maiisip na may asul na ganito na lawa sa boung buhay ko.

"Bakit mo ako dinala rito?" Tanong ko sa kanya at bumitaw sa kakayakap. Kita palang sa mga tingin niya na Ang pagkadismaya dahil bumitaw ako. Assuming mo talaga Alexandria, nawawala na ang mga kaibigan mo.

"Dapat nating mag-handa para mamaya, at sigurado ako na hawak ng kaaway natin ang mga kaibigan mo." Sabi niya at lumakad papunta sa lawa, ang galing nga eh nakakalakad siya sa ibabaw ng lawa parang si Amaya sa dagat nga lang siya.

"Paano mo nagagawa yan? Di ba may katawang tao kana ulit?" Sunod-sunod kong tanong, parang isang reporter na ako sa sobrang curious sa anong nangyayari.

Lumingon siya sa akin at tila nagpapakitang gilas sa kakalakad niya sa lawa na parang iniinis ako. Pero bigla naman siya na off- balance at na tumba dahil sa kakapasikat niya. Natawa tuloy ako ng di oras.

Kumag talaga.

"Sagutin mo nga ako, suplado mo rin sa personal, Ang snobbish mo din." Kumunot ang kanyang noo dahil siguro hindi niya maunawaan ang mga ibang salita ko.

"Halika dito." Agad niya akong hinila at parang matamlay na halaman akong madali niyang hinila dahil hindi ko magawang pigilan siya, Hindi ako maruning lumangoy kaya napakapit ako sa kamay niya.

Tiningnan ko siya na may halong galit at pagka-inis sa ginawa niya, ayoko ko kasi mabasa ng tubig ngayon dahil naawa ako sa aking mga kamay sa kaka-kuskus ng damit. "Magtiwala ka, Hindi ka mahuhulog sa tubig dahil hindi Kita hahayaan na mahulog na nag-iisa."

Ene be Hajinan? Bakit ka ganyan? Galit dapat ako sa iyo eh.

"Kapag nabasa ako kakagatin Kita, nangangagat ako sa mga taong taksil sa pangako!" Giit ko sa kanya at agad naman ako napaisip sa mga salitang sinabi ko. Taksil sa pangako big word ah parang sawi lang ang drama ko.

"Kumapit ka sapagkat lulusom tayo sa ilalim ng lawa." Bago pa ako makapagreklamo ay lumusom na siya sa ilalim ng lawa at sa laking gulat at pagkamangha ay Hindi ako nalunod o nabasa dahil parang may panangga na nakapakibot sa boung katawan ko napanga-nga nalang ang ako sa sobrang mangha na nasaksihan ko.

Tila nasa isang magandang panaginip ako ngayon na lumulutang sa tubig ng lawa ng Laguna, kung may buntot lang ako tulad ni Ariel ng Disney mapapakanta ako sa Under the Lake dahil isang dakilang feelingera ako eh enenjoy mo muna ang moment.

"Sudan mo ako Lil–Alexandria, samahan mo ako." Tumango ako at sinundan siya kung saan man siya tutungo.

What did I learned from doing this unreal thing? You'll always astonished to the underwater environment. It was like diving in the dark abyss of this lake and exploring it's wonders. I felt that I was in a dream, dream full of splendors and vainglory magic.

Binigyan niya ako ng isang malaking perlas na parang maputing shell. Ano namna kaya itong gusto niya ipakita sa akin? Grabe naman hindi ko inispect na ganito pala kaganda ang tinatagong lalim ng lawa na ito, deserve talaga na tawaging Enchanted Lake ito.

Punong-puno ng hiwaga ang bawat paligid na nasisilayan ko. "Fíreb iaur clen." Hindi ko alam kung ako Ang sinasabin niya pero sure ako na form out of this world ang ginamit niyang lengwahe or dead language na.

Hinawakan niya ang isa kong kamay at muling nagsalita. "Ektú beleg melôn." Unti-unti namang lumiwanag ang bagay na ibinigay niya sa akin.

May naaninag akong isang imahe, parang video Ang imaghe na nakita ko sa bagay na iyon, may dalawang babae na nakatali. Si Cynthia at Aliana, paano sila dinakip ng mga—teka bakit parang lumulutang sila? Bakit hindi makita ang mga dumukot sa kanila?

"Itnē mayä ektùlinæsí." Sabi niya uli at nawala na ang imahe na nakita ko, napatingin naman ako sa kanya dahil sa ginawa niya.

"Bakit nawala?" Tanong ko sa kanya at agad naman niyang binawa ang perlas na mukhang shell na malapad na may imahe kanina. Bas-e sa kanyang naging reaksiyon ay pati siya ay nagulat din sa nangyari.

"Dapat ihatid niya tayo sa kinaroroonan ng nawawalang kaibigan mo, pero sa halip na ganun ay nawala. "

Jusmiyo marimar! Paano na ngayon niyan sina Cynthia at Aliana? Paano kung kipnap for ransom ang pakay nila, tapos itatago sila sa mabaho, marumi at madilim na abandunadong building tulad sa mga pelikula.

Tumalikod si Hajinan, at mukhang may hinahanap na bagay at hawak ang bagay na binigay niya sa akin kanina. Habang nakatingin ako sa kanya ay napansin ko na lumiliwanag ang hinawakan niya at bigla ako na hilo.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero pakiramdam ko ang boung paligid ay guguho at matatakpan ako. Kahit ang aking dibdib ay ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko sa sobrang takot na kung ano ang mangyayari.

Ayoko ko pa mamatay, kailangan ko iligtas ang mga kaibigan ko. Wala naman silang kinalaman dito eh, nadamay lang sila kung ano man ang mangyayari sa kanila na hindi maganda ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Napaka-tanga ko talaga, sana binalaan ko nalang sila na mag-ingat na baka mapahamak lang sila.

Kailangan ko maging matatag, kahit Hindi ko kaya. Isipin mo nalang na kailangan mo maging malakas oara sa kanila.

At tuluyan na ako nilamon ng malamig na yelong tubig, habang hindi makagalaw at tiningnan ang paglapit ni Hajinan.

MY WATER GHOSTOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz