Chapter 10

55 36 0
                                    

Thanks for reading...

Cynthia's POV

Dahil umalis si beshy, naiwan kami ni Aliana dito sa gazebo. Dahil bored na ako, hinanap ko yung notebook ko sa science. Baka may surprise test si ma'am.

"Hoy anong ginagawa mo?" Tanong ni Aliana sa akin. Mukhang gutom parin siya. "Syempre nag-rereview, baka may ano sa science."

Binatukan niya ako. Aray! Sakit naman nun!

"Aray! Para saan iyon!?"

"Ikaw huwag ka ngang know-it-all, besh walang science mamaya. Tingnan mo sa schedule."

Dahil sa sinabi niya ay hinanap ko uli yung schedule namin. At tama nga si Aliana, wala ngang science kami mamaya.

"Ang boring kasi wala si Alexandria." Pangrereklamo ko sa kanya.

"Alam ko na, pumunta nalang tayo sa canteen para kumain. Libre ko." And by hearing that golden word LIBRE hindi ako maka-hindi.

"Sabi mo yan ah, walang bawian!" Masigla kong Sabi at umalis na kami sa gazebo.

Naiisip kong baka bumalik si beshy Doon at hanapin niya kami. Kaya i-text ko nalang siya.

To Alexandria:
Besh nasa canteen lamg kami :)

Tuluyan na kaming umalis, pumasok na kami sa loob ng canteen. Pagpasok palang amoy ko na Ang bagong luto na mami sa mga stall sa gilid. Nag-aalburuto tuloy yung tyan ko dahil sa masarap na amoy, parang gusto ko tuloy kumain ng mami.

"Cynthia, Aliana. Hello. " Bati sa amin ni Henry, naka PE siya ngayon.

"Ah ikaw pala Henry, kamusta?" Sabi ko sa kanya.

Aba himala, Hindi ako nadudulas sa mga science facts ko. Good thing din naman kasi yun eh. Nakapagsalita ako ng deretso.

Bigla sumulpot si Dark sa tabi. "Girls you want to join us?" Alok ni Dark na nakatingin kay Aliana. Parang si Aliana lang yung inaalok niya.

"S-su-sure. "

"Mag-mami muna tayo gutom na ako eh." Sabi ko sa kanila.

Kapag gutom talaga ako wala nang facts sa science. Gusto ko sana mag-pagutom nalang pero bad yun. Mabuti na ma-friend zone hindi lang magutom.

Nagkatinginan sina Henry at Dark. Parang may masamang balak sila. I can't read through mind but I can sense danger. Parang may hindi maganda ang mangyayari.

"See you girls." Henry gave us a devilish smirk. He looks like an evil peron.

Nabigla ako nang mabilis na hinampas ni Dark kami ni Aliana. And all went black...

Alexandria beshy, help!

Alexandria POV

Nabigla naman ako sa plano ng kumag na kaluluwa na ito. Alam niyo kung hindi lang talaga kami nasa library kanina pa gusto ko siyang sigawan.

"...Maliwanag ba?" Tanong niya sa akin.

Kanina pa kasi siya salita ng salita sa sinasabi niyang plano. At ako naman dito kanina pa kinig ng kining ng konti sa kanya. Eh paano kasi parang bed time story yung sinasabi niya.

Tumango ako. "Teka, kailan ba gaganap yung Blood Moon? Knows mo ba?" Tanong ko sa kanya.

Kumunot naman yung noo niya, "Di ba nga sabi ko mamayang alas dose? Nagkikinig ka ba?"

Napangiti nalang ako sa hiya, "Sinusigurado ko lang na final na yung plano." Mukhang nakunbinsi ko siya.

Tumayo ako at humarap sa isang bookshelf na malapit sa akin, napatingin ako sa familiar na libro Doon. Teka... Ito Yung libro na ibinalik sa akin ni Artith nung nasa café namin siya, bakit ito nandito? Sa pagkaka-alam ko kasi nasa ibabaw ng mess ko lang nakapatong ito. Kinuha ko yung libro at tumingin kay Hajinan.

MY WATER GHOSTWhere stories live. Discover now