• Chapter 25 •

6.3K 182 30
                                    


Chapter 25: Pissed

❄❄❄❄❄

Xana's POV:

Pansin ko na mabilis na nagkasundo si Kyle at Xian. Siguro dahil parehas silang maloko, Tss bahala sila dyan!

"Xian! Wag masyadong magkukulit" Napatingin ako sa taong nagsabi ng mga salitang yun. Si Marian.

Tang'na ayoko talaga sa babaeng 'to.

"Si Kuya Kyle kasi eh, Ate oh!" Sumbong sakin ni Xian, ibubuka ko na sana ang bibig ko ng pangunahan ako ni Marian.

"Kyle, tama na. Napapagod din si Xian" Sabi ni Marian kaya lalo akong nabwiset.

Pvtang'na lang!

"I'll stop, if Xana told me to" Sabi ni Kyle at tumingin sakin.

"Eh kay Ate Xana naman kasi ako nagsusumbong" Sabi ni Xian habang hingal na hingal. Naghahabulan kasi silang dalawa, kinuha ba naman ni Xian yung kinakain ni Kyle.

"Just stop" Saad ko kaya tumigil na sila, pero panay tawa pa rin.

Inabot na kami ng alas-diyes ng gabi dito sa rest house, wala pa rin balak na matulog.

Hindi pa naman mga lasing eh. Si Kristen, ayus umiinom na kasama yung kapatid niya.

And to be honest, nakakasampung bote na kami ng wine. Sa dami ba naman nami--

"Ate, gusto mo?" Napalingon ako kay Xian ng ilahad niya ang isang stick ng BBQ.

"Yeah, thanks" Sabi ko at kinuha ang stick tsaka kumain na.

"Btw, you asked me how's my 5 years without you. Now, let me ask you that same question. How's your 5 years without me?" Sabi niya sakin, hindi ako tinatapunan ng tingin kaya tumingin na rin ako sa medyo madilim na seashore.

"Well, of course it's miserable. Especially when that incident happened recently, I locked myself in my room, I didn't eat or sleep at all. I cried for weeks, I talked less than before. But when I realized that I wasn't the only one who's under pressure, I tried to socialize with those brats again" Salaysay ko kaya napatango siya.

"Pero ang sabi sakin ni Ate Leslie, nagbago raw ang ugali mo?" Sabi niya para ako naman ang mapatango.

"From being jolly and sweet to cold and quiet, yan ang madalas nilang banggitin tuwing may nagtatanong kung ganito ba talaga ang ugali ko" Sagot ko sa kanya habang siya ay ngumunguya.

"What are you two talking about?" Napalingon kami kay Kyle ng bigla siyang sumingit sa usapang magkapatid naming dalawa.

"We're talking about you near death" Sagot ko kaya napasimangot siya.

"I hate you" Kumento niya.

"As if I don't hate you too" Sabi ko kaya natawa siya.

"Eh basta, kaya lang ako lumapit dito kasi pansin ko na masyadong seryoso ang atmosphere niyo" Sabi niya at inakbayan pa kaming dalawa ni Xian. Bale siya yung nasa gitna naming magkapatid.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now