• Chapter 29 •

5.9K 181 9
                                    

Chapter 29: Overreacting

🔥🔥🔥🔥🔥

Kyle's POV:

It's been days since the semestral break ended, at syempre pati na rin ang short vacation namin sa resort nila Adrian.

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin tapos ang pag-iisip nila para sa gagawin kong pag-amin kay Xana.

"Eh kung idaan mo sa isang laro ang pagconfess mo?" Suggest ni Jevin.

"Oo nga no? Pwede rin yun" Pagsang-ayon ko.

"Walang sense of humor si Xana" Sabi ni Leslie habang nag-aayos ng buhok.

"Ay, sayang" Sabi nila.

Kasalukuyan kaming nasa classroom nina Jevin at Leslie, naghihintay ng teacher. Nasaan si Xana? May meeting kasama ang co-members sa Art Club.

Sa totoo lang, ang dami na nilang sinuggest na way para sa pag-amin ko kay Xana. Pero lahat ng yon, hindi pumasa dahil nga hindi maalam si Xana sa pag-ibig.

"Mahirap makaisip ng magandang paraan para sa pag-amin ni Kyle" Sabi ni Jevin kaya napatango kami ni Leslie.

"Pag-amin ni Kyle? Para kanino?" Lahat kami ay natigilan dahil sa biglaang pagtatanong ni Xana na nasa likod ni Jevin.

"You just gave us a heart attack" Walang ganang saad ni Leslie.

"The hell I care" Masungit na tugon ni Xana at umupo na sa upuan niya.

"Kamusta ang meeting?" Pag-iiba ng topic ni Jevin.

"The Club President just gave us an indivudual project" Sabi ni Xana na parang wala lang sa kanya ang project na ibinigay.

"Anong project naman yun?" Tanong ni Leslie.

"Mmmm, paint some scenery or places that gives you peace" Sabi niya.

"May naisip ka na?" Tanong ko sa kanya, kaya tiningnan niya ako.

"Wala pa, and besides the due date is on next friday" Sabi niya at humikab. Okay, inaantok na naman. Di bale, sanay na naman kami.

"Madali lang namang makaisip ng scenery that gives you peace" Sabi ni Jevin bago tumungo si Xana para matulog na naman.

Kahit kailan talaga, antukin ka.

Hindi nagtagal, dumating na ang teacher namin sa Science.

At syempre, discuss na naman. Kahit late na siya.

Pagkatapos ng Science Class, nagkaroon ng short break time kaya lumabas kaming apat para bumili ng makakakain.

"Grabe ah, pagkatapos ng Science ay History naman. Tsk! Nakakapanuyo ng brain cells, hindi naman ako matalino" Reklamo ni Jevin kaya natawa kami, syempre bukod kay Xana.

"Matalino ka kaya, tamad ka lang mag-aral" Sabi ni Leslie sa kanya.

"At isa pa, 'pre. Gaganahan kang mag-aral kapag naging kayo na ni Zia" Sabi ko sa kanya kaya sinuntok niya ang braso ko.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now