• Chapter 38 •

5.1K 136 33
                                    


Chapter 38: Chaos

💢💢💢💢💢

Savannah's POV:

Pare-parehas kaming nakatingin kay Xana, na kasalukuyang nagbabasa ng libro at wala yatang balak na lingunin kami.

Gusto namin ng kasagutan.

Kung bakit sila magkasama ni Kyle pagpasok nila dito sa room.

Eh ang pagkakatanda ko, nasugatan si Kyle tapos dadalhin lang daw ni Xana si gago sa clinic at iiwanan na dun.

Eh bakit magkasama pa rin sila kung iniwanan lang ni Xana si Kyle don?!

"We need explanation, Xana Deign" Sabi ni Leslie kaya Xana. Seryosong tiningnan naman ni Xana si Leslie at bumuntong hininga.

"I treated his wounds, no nurses, lunch break" Sabi niya at bumalik sa pagbabasa.

"Eh bakit kailangan sabay pa kayong pumasok? Nakita namin kayo na magkasama" Sabi naman ni Zia. OA na kung OA, pero big deal sa amin yon. Ex ni Xana si Kyle kahit 3 months pa lang sila noon. Pero kasi! Ang ex, ex na. At balik-baliktarin man ang mundo, ex pa rin ni Xana si Kyle. Kaya big deal talaga samin yon!

"He told me that we should go together, we're in a same room. So no need to refuse" Sabi niya habang nagbabasa pa rin.

"Eh bakit kasi hindi ka pa umaalis don?! Nananadya ka eh!" Sigaw ko kay Kyle, kita ko naman ang pagkunot ng noo niya hudyat na nainis na ang loko.

"Eh pakielam mo ba?! Masama bang sabihan siya na sabay na kaming pumasok?!" Inis niyang tugon.

"Oo! Kasi kakasabi mo lang na tuloy ang pesteng patakaran na yan kahapon tapos ngayon sasabihan mo si Xana na EX mo na sabay na kayo pumasok! Ano ka, bobo o tanga?!" Sigaw ko at padabog na tumayo.

"Kailangan ba na ipaliwanag ko lahat sa inyo ang mga desisyon ko at bakit ko gagawin yon?! Eh paano kung gusto ko lang?! Hindi naman siya tumangi!" Ganti pa niya kaya lalo akong nainis.

Oo, mababaw na kung mababaw ang dahilan ng pag-aaway namin. Eh bakit ba?! Sinaktan niya si Xana tapos ilang araw lang ang lumipas niyaya niya nang sabay silang pumunta sa classroom?!!! 'Tol! Hustisya! Hustisya ang kailangan hindi simpleng pag-aya lang! Taena naman oh!

"Kyle naman! Automatic na yon! Hindi na kayo mag-jowa! Tigilan mo na si Xana! Layuan mo na siya!" Naiinis ko pang ganti.

"Paano kung yon ang gusto kong gawin?! Kailangan ko pa bang hingin ang permission mo bago ko kausapin si Xana? Savannah, kaibigan mo lang siya! Hindi ka niya nanay!"

"Oo hindi niya ako nanay! Pero hindi lang niya ako basta kaibigan! Bestfriend ko siya, Kyle! Pero tinuturing ko na siyang kapatid, kaya sapat na yon na dahilan para pagbawalan ka namin sa paglapit kay Xana!"

"Bakit kailangan mong mangielam, Savannah?" Pare-parehas naman kaming napatingin sa nagtanong, lalo naman akong nainis nang makitang si Edward ang nagsalita.

"Eh ikaw? Bakit mo kailangang mangielam sa pag-aaway namin? Hindi ka kasali dito, Suriano! At napakapakielamero mo talaga, di ba sabi ko sayo wag mo na 'kong papakielaman?! Eh ano yang ginagawa mo?!" Inis kong saad.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now