• Chapter 34 •

5.3K 156 12
                                    


Chapter 34: She thought

💋💋💋💋💋

Leslie's POV:

They are acting very weird. Paano ko nasabi?

Una, madalang na lang ako pansinin ni Xana. Tapos palagi pa siyang busy.

Pangalawa, si Daryl laging kausap si Zia.

At pangatlo, parang nagiging outcast na ako.

May tinatago ba sila sakin?

"Xa-Xa, ayos na yung---uhhh alam mo na yun, hehe" Rinig kong saad ni Yisa kaya napakunot ako ng noo. Ano yung ayos na?

"Okay thanks" Sabi ni Xana, at bumalik na sa ginagawa niya.

"Hey Mig" Tawag ni Kyle kay Xana, na nasa tabi niya lang.

"Okay na siguro ang ganito klase no?" Sabi niya at may pinakita kay Xana.

"Mmm, mahilig siya dyan" Sabi ni Xana at bumalik ulit sa ginagawa niya.

Nandito kaming lahat ngayon sa mansion, lahat sila may ginagawa dito sa sala. Lahat sila busy, ako lang ang bored na bored. Oo maski si Xian may ginagawa.

"Yang klase ng mga decorations, sa labas na lang yan ng venue" Sabi ni Zia.

"Ohh! Okay, then we can have a photo booth" Sabi naman ni Daryl kaya parehas silang tumango ni Zia.

Nagseselos na talaga ako.

"Yow Edward, eto na yung pinapagawa mo" Sabi ni Sav kay Edward kaya kinuha niya ang hawak ni Sav.

"Thanks, it'll be great haha" Sabi ni Edward.

"Xana, mahilig ba siya sa ganitong kulay?" Tanong ni Jevin kaya tiningnan niya ang ginagawa ni Jevin.

"Yup, but make it lighter a little bit" Sabi ni Xana at bumalik na naman sa ginagawa niya.

Lahat sila maingay, sasagot si Xana, magsasalita si Zia, sasang-ayon si Sav, magsasuggest si Yisa.

Tapos magtatanong si Kyle, magrerequest si Daryl, magrereklamo si Jevin, magtatawag si Edward, magpapatulong si Adrian, tapos magkikisuyo si Xian.

"Aish! Ano ba kasi yang ginagawa niyo? At bakit ayaw niyong tulungan ko kayo?!" Inis kong tanong sa kanila.

"Kaya na namin 'to, Les. Chillax ka lang dyan" Sabi ni Zia.

"Paano ako magchichill dito kung lahat kayo maingay?!" Reklamo ko pa.

"Go to your room if we are too noisy for you" Sabi ni Xana kaya inirapan ko silang lahat at padabog na umakyat papunta sa kwarto ko.

Naiinis na talaga ako ah.

Ano ba kasi yun?! Bakit ayaw nila akong tumulong?!

"AHHHHHHHH!" Sigaw ko dahil sa inis at humiga sa kama ko.

Maya-maya pa ay napa-isipan kong tawagan si Charles.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now