• Chapter 27 •

6.5K 201 21
                                    


Chapter 27: Exposed

[Okay, so before this chapter start. I just wanted you to know na may limits po ako sa paggawa ng chapters, pasensya na po kung pinaghihintay ko kayo ng medyo matagal. And actually, gusto ko po sana naaaaaaaaa... Huwag niyo po akong pilitin na magupdate kung hindi ko naman po feel o wala po akong sa mood para gumawa kasiiiiiiiiiiiii... Gagawa naman po ako kung gusto ko at may ideas po ako. Yun lang po, at sana maintindihan niyo po ako. Sorry kung pinaghihintay ko po kayo ng matagal.

PS: Focus tayo ngayon sa XanYle this time, sa susunod ang LesRyl. That's all, thanks!]

🤘🤘🤘🤘🤘

Sav's POV:

Habang nasa yate kami, hindi ko maiwasang pagmasdan si Xana at Kyle. Kasi naman, lagi na silang magkasama simula kanina nung umalis kami.

Kaya napa-isip ako, may posibilidad ba na maging sila? Kasi base sa ugali ni Xana simula noon, hindi siya nakakarelate kapag usapang love life. Like, wala siyang alam tungkol sa mga hokage moves or something. Hindi ko naman alam kung mahal ni Kyle si Xana, kasi wala namang binabanggit si Mr. Mainit tungkol sa feelings niya about kay Xana.

[Actually, si Yisa lang ang nasabihan ni Adrian na mahal na ni Kyle si Xana kaya wala pang kasiguraduhan o alam si Leslie, Zia at Sav tungkol sa feelings ni Kyle. And binasa niyo naman ang chapter before this na nasa loob ng kwarto ang Presly Queens while ang the rest ay nasa labas kaya hindi nila alam. Yun lang naman ang kaklaruhin ko kasi baka maguluhan kayo]

And actually, hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay-bagay tungkol sa pag-ibig. Bale, hindi talaga siya mahilig doon. Kaya ngayon, may pag-asa ba na magkadevelop'an sila? Kasi si Xana, hindi pa tumitibok ang puso niya para sa isang lalake. In short, NBSB kaya nacucurious ako sobra. At bukod kasi sa NBSB ang lola niyo, manhid din yan kaya hindi talaga namin alam kung may chance pa o wala.

"Lalim ng iniisip ah" Napabalik ako sa reyalidad ng biglang nagsalita si Edward at pumwesto sa tabi ko. Kasalukuyan kasi akong nakatanaw sa horizontal sea view na makikita sa paligid ng yate.

"Eh kasi naman, masyadong expose ang ship ng dalawa (Xana and Kyle)" Sabi ko sa kanya.

"Eto kasing si Kyle, ang torpe. Imbis na sabihin niya kay Xana na mahal niya siya, samin sinabi" Sabi ni Edward kaya natigilan ako. Mahal na ni Kyle si Xa-Xa????

"E-Eh? H-Hindi nga?" Hindi ko makapaniwalang tanong kaya napatingin siya sakin.

"Hindi mo alam? Naturi kang bestfriend ni Xana tapos hindi mo alam" Sabi ni Jevin kaya napakunot ako ng noo. Gagi, kabwuset ng sinabi niya ah!

"Eh sira ulo ka pala eh! Alam mo namang hindi pala-salita si Xana tungkol sa punyetang lab layp na yan tapos sasabihin mong hindi ko alam? Pvta lang, Edward Suriano! Kayo nga nalaman niyo lang kasi tinanong ni Adrian tapos sinagot ni Kyle, sa tingin mo ba alam ni Xana ang tungkol sa pvtanginang mahal-mahal na yan!" Inis at mabilis kong bulyaw para mapatingin silang lahat sakin, maski ang nagmamaneho ng yate ay napatingin na rin.

"I heard my name, is there any problem around here Savannah?" Tanong ni Xana habang papalapit samin. Napalingon ako sa kanya at hindi sumagot. Badtrip ako.

"Pati nga pangalan ko at ni Adrian narinig kong binanggit ni Sav eh" Sabi ni Kyle kaya sakin pa rin ang atensyon nila.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now