• Chapter 31 •

6K 162 34
                                    

Chapter 31: How about him?

🔥🔥🔥🔥🔥

Kyle's POV:

Pagkatapos ng araw ng pag-amin ko kay Xana, hindi ko mapigilang mapangiti pagkatapos ng party.

"Lapad ng ngiti ahh" Pang-aasar sakin ni Kuya.

"Manahimik ka dyan, Kuya! Di pa ako nakakamove-on sa nangyare" Sabi ko sa kanya kaya natatawa siyang napailing. On the way na kami pauwi dahil katatapos lang ng celebration.

"Hanggang ngayon pa rin ba, bunso?" Sabi sakin ni Mommy.

"Mom, si Kyle yan eh. At si Kyle, hindi agad nakakamove-on sa isang bagay so malamang sa malamang hanggang bukas pa yan or worse umabot ng isang linggo" Sabi ni Ate kaya natawanan sila.

"But seriously, Son. I'm so proud of you, you man up kid" Sabi ni Daddy kaya napangisi ako.

"You man up, pero tinawag na 'kid'. 'Nu daw, Dad?" Naguguluhang saad ni Kuya kaya nagtawanan kami, mukha kasi siyang monggoloid. HAHAHAHA!

Kinagabihan, hindi agad ako nakatulog. Hindi makatulog I mean, dahil siguro sa nangyare kanina. Nakakatuwa lang kasi, hindi ko aakalain na iyon ang itutugon ni Xana.

Mas naniwala ako na irereject niya ako o kung ano pa man pero haaayyy! Bahala na.

Swerte ko talaga sa mga kaibigan ko, lalo na si Daryl dahil tinulungan niya akong gumawa ng poetry na yun.

Pero napa-isip ako bigla. Tinulungan ako ni Daryl, pero habang tinutulungan niya ako ay may sinabi siya sakin.

Totoo kaya yun?

Pero ayos na rin yun, susuportahan ko na lang si pare. Psh!

**

*MONDAY*

"Good Morning, Mom, Dad, Kuya and Ate" Bati ko sa kanila nang marating ko ang Dining.

"Ganda ng gising ah" Sabi ni Mommy.

"Syempre, Mom. Kahit mageeleven na akong nakatulog kagabi ay ayos lang, kasi kausap ko si Xana" Pag-amin ko kaya kinatyaw nila ako.

"Binata ka na talaga" Sabi ni Kuya.

"Ehh! Ikaw nga nanliligaw pa lang eh" Sabi ko sa kanya.

"Atleast sasagutin ng oo" Sabi niya at binelatan ako pero di ko na lang siya pinansin.

"Kamusta ang panliligaw mo kay Yella?" Tanong ni Dad kay Kuya.

"Ayos naman po, Dad" Sabi ni Kuya sa kanya.

"Kailan ka niya balak sagutin? Halos isang buwan mo na siyang nililigawan tama?" Tanong ni Mom.

"Opo, mag-iisang buwan na po pero kaya kong mag-hintay kaya ayos lang" Sabi ni Kuya.

"Ikaw, Lian. Kamusta na kayo ng boyfriend mo?" Tanong ni Mom kay Ate. Boyfriend niya si Kuya Jehan, yung kaklase niyang Heartthrob.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now