• Chapter 30 •

5.9K 196 10
                                    

Chapter 30: Unique Way

❄❄❄❄❄

Xana's POV:

Isang linggo, isang linggo na simula nung hindi nagparamdam si Kyle at sa isang linggo na yun, hindi ako umimik.

Hindi ako sanay na wala siya sa paligid, dumaan na ang Sabado't Linggo pero wala pa rin siyang paramdam sakin. Sila Daryl ang madalas niyang tawagan o itext.

Mukhang nasa Australia talaga siya kasama ang kuya niya.

"Uy Xana, salita naman dyan. Nagpapatuyo ka yata ng laway eh" Sabi sakin ni Sav pero hindi ko siya pinansin.

Simula nung umalis siya, naging ganito na ako. Balik sa dati nung wala pa si Xian.

"Ate, ayos ka lang?" Tanong ni Xian pero hindi pa rin ako nagsalita. Kasi wala akong balak.

"Uhhh ganito na lang, punta tayo ng mall para sa regalo natin kay Aries. This week na rin kasi ang birthday niya eh" Suggest ni Leslie kaya agad akong tumayo, kinuha ang susi ng sasakyan ko at naglakad palabas para kunin ang kotse ko.

"Uy Ate, wait lang!" Sabi ni Xian at sumunod sakin. Ako na ang driver nila ngayon kahit nag-aalangan sila kanina na sumakay sa kotse, si Xian ang nasa passenger's seat tapos yung apat naman ay nasa middle seat.

"Ano nga ulit branch ng kotse mo, Xa?" Tanong ni Zia, para magsalita ako.

"Hyundai Palisade" Walang gana kong saad, oo nagsuccess ang pagtatanong niya pero hindi yun sapat para magsalita ako ng sobra.

"Anong ireregalo niyo kay Kuya Aries? Balak ko kasi siyang regaluhan ng Spalding NBA Official Game Ball" Sabi ni Xian.

"Versace Perfume" Sabi ni Leslie.

"Casio G-Shock Gold-Tone" Sabi ni Yisa.

"Nike Air Max Axis" Sabi ni Zia.

"Louis Vuitton Josh Backpack" Sabi ni Sav. Ramdam ko naman ang pagtingin nila sakin kaya tumingin ako sa kanila gamit ang rear view mirror.

"What?" I asked, coldly and look on the road.

"Anong regalo mo kay Aries?" Tanong ni Leslie.

"A dog" Tipid kong sagot. Noon pa man ay gusto na magkaroon ng aso si Aries, pero natakot siyang mag-alaga dahil baka daw mamatay. Tss!

"What kind of breed?" Tanong ni Xian.

"Corgi" Tipid kong sagot kaya hiyawan sila. Ang cute daw kasi ng corgi. Tss!

"Lalake o babae?" Tanong ni Yisa.

"Boy"

"Kailan mo kukunin?" Si Zia.

"Before the party"

"Maliit pa lang ba siya?" Si Sav.

"Yes, he's still a puppy"

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now