• Chapter 28 •

5.8K 157 8
                                    


Chapter 28: Should he...?

🔥🔥🔥🔥🔥

Kyle's POV:

Hindi ko alam kung bakit pero nagulat talaga ako nang bigla akong hilahin ni Xana kasama si Xian paalis sa pinagsi-stay'an namin.

"Saan ba kasi tayo pupunta, Ate?" Tanong ni Xian for the nth time.

Hanggang ngayon ay naglalakad pa rin kami sa gitna ng gubat habang naglalagay na pala-tandaan si Xana para hindi kami maligaw mamaya kapag babalik na kami.

"Basta, habang nagkakagulo ang lahat kanina dahil sa ahas, may nakita ako" Sabi niya habang nag-uukit ng kung ano sa bawat puno ng nilalakaran namin.

"Ano naman yung nakita mo?" Tanong ko habang nagkakamot ng likod. Ang kati eh.

"A cave perhaps" Sabi niya kaya napatango na lang ako.

"Ohhh nice, let's go" Sabi ni Xian at hinila ang ate niya. Napa-iling na lang ako at sinundan sila.

"Alam mo ba kung saan yun, Xian?" Tanong ko sa kanya para mapatigil siya.

"Oo nga no? Hindi eh, Ate lead the way" Sabi ni Xian kaya natawa ako at napangiti si Xana.

This may be random pero gusto ko lang sabihin na ang swerte ko. Mmmm bakit? Dahil nakikita ko nang ngumiti si Xana, si Xian man ang dahilan pero sana sa susunod ako naman ang magiging dahilan ng pagngiti niya.

Psh! Too dramatic!

"Malayo pa ba?" Tanong ko nang mapansing umabot na ng halos trenta minuto na kaming naglalakad.

"This island is a bit huge and the cave far from the waterfall area, so what do you expect? We'll be there in just a blink of an eye? Like the fuck?" Sabi niya kaya nanahimik na lang ako. Oo na, ako na ang takot kay Xana. Natakot na.

"Ate, easy. Mahina ang kalaban" Natatawang saad ni Xian habang umiiling-iling pa.

"I don't care" Masungit niyang tugon at pinagtuunan na lang ng pansin ang pag-uukit ng kung ano sa bawat punong madadaanan namin.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami makarating sa sinasabing kweba ni Xana, hindi namin maiwasan ni Xian na mapanganga dahil sa itsura pa lang ng entrance ng kweba ay halata mo nang madilim sa loob.

"Let's go, luckily I brought a flashlight" Sabi ni Xana at nilabas ang dala niyang flashlight sabay pasok sa loob.

"U-Uy teka lang" Sabi ko at sinundan siya, nilabas ko na rin ang phone ko para buksan ang flashlighg dahil hindi sapat ang dala ni Xana para saming tatlo.

"Woah! Ang ganda dito" Manghang saad ni Xian habang nililibot ang kweba.

"Come, I heard some water splashes or something" Sabi ni Xana na medyo malayo samin kaya nagmadali kami ni Xian na lapitan siya.

Nilingon ko ang pinagpasukan namin, at pucha ang layo na namin. Di naman kami maliligaw dito... Di ba?

"Underground lake, cool" Sabi ni Xian nang maaninag namin ang isang di gaanong malaking lawa. Pero napakunot ako ng noo nang may nakita akong aninag na tila isang tao hindi malayo mula sa pwesto namin.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now