• Chapter 33 •

5.3K 153 8
                                    

Chapter 33: Now He Knows

❄❄❄❄❄

Xana's POV:

"Mahal ko na siya" literal akong napatigil sa pagkain, same as the others at napatingin sa kanya na tila takang-taka.

Bigla ba naman kasing nagsalita si Leslie kaya nakakapagtaka talaga. Tss!

"Who?" Taka kong tanong, tumango-tango naman yung tatlo.

"Siyaaaa" Frustrated niyang sagot ginulo pa ang buhok.

Wow! Honestly, this is the first time we saw Leslie like this. She always fixing her hair, not ruining it. Tss!

"Mahal ko na si Daryl Harris Cabezaaaa" Napa-irap na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Tama naman pala ang hinala ko, pinatagal pa niya. Nakakabadtrip kaya yung ganun, Tss!

"Ehh??? OMG! Sabi na ehh, magpapakulay na 'ko ng buhok" Sabi ni Yisa kaya napa-iling na lang ako.

"Sa masungit pang lalaking yun? Wala kang taste, Les" Sabi ni Zia.

"Kapaaal! Malakas appeal ni Daryl, Zianna. Kahit masungit siya, may tinatago pa rin siyang kabaitan" Sabi ni Leslie.

"Wow! Protective, alam ko naman yun. Tinetesting ko lang kung ano ang magiging reaksyon mo" Sabi ni Zia sabay tawa, sinundan ng tawa ni Sav tapos nagtawanan na sila.

Ingay. -,-

"Pero seryoso, Esie. Love mo na siya?" Tanong ni Yisa.

"Oo eh" Nakangiting sagot ni Les. Tss! Iba talaga kapag inlove ang isang player.

"Paano? I mean, hindi kasi halata" Tanong ni Zianna. Honestly, wala akong balak na makisali. Makinig pwede pa, nakakarelate naman ako.

"Yun ang hindi ko alam. Hindi ko alam kung kailan, paano, at bakit. Basta ang alam ko na lang, nagising ako isang araw na mahal ko na siya" Sabi niya.

"Naku! Yung love virus kumakalat na" Sabi ni Sav kaya nagtawanan sila.

"Ang tanong, alam ba ni Daryl?" Tanong ni Zia. Oo alam niya, alam niyang may isa sa inyong tatlo ang nagkakagusto sa kanya.

"Hindi ko alam, pero feeling ko hindi" Sabi ni Leslie.

"May balak ka bang ipaalam sa kanya, Esie?" Tanong ni Yisa.

"Wala, kasi alam ko na namang wala akong pag-asa" Sabi niya at bahagya pang napatungo.

Palihim akong napa-irap dahil sa kadramahan ng babaeng ito. Tss! Wala daw pag-asa? Sinong may sabi sayo na wala kang pag-asa? May sinabi ba siya sayo na iba ang nagugustuhan niya at hindi ikaw? Di ba wala? Edi may pag-asa ka pa sa kanya like wtf?!!

"Pero Esieee! Si Daryl, bihira yang mainlove gaya nang sinabi sakin ni Adrian. So ang swerte lang siguro ng babaeng nagugustuhan niya" Sabi ni Yisa.

"Kaya nga, swerte ng babaeng yun. At alam kong hindi ako ang babaeng yun" Sabi ni Leslie kaya di ko naiwasang batukan siya.

"Hindi ikaw? How can you be so sure? Did you already told him that you love him? And he said that you are not the girl he loves?" Walang gana kong saad habang siya, hawak ang ulo.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now