Taming Wind Prologue

8.2K 166 5
                                    

"Adam, kailangan ka na namin sa Pilipinas."

Tiningnan ni Adam ang ama sa harap ng dinner nilang steak at mashed potatoes. Hindi pa nito ginagalaw ang pagkain. Sa halip ay nakatingin ito ng diretso sa kanya. Alam niyang sinisingil na siya ng magulang sa pangakong binitiwan niya pitong taon na ang nakaraan matapos madiskubreng sa halip na sa Harvard Business School ay nag-transfer si Adam ng eskuwelahan sa United States Military Academy at Westpoint.

Sa America nagkakilala at nagpakasal ang kanyang  mga magulang. Doon din  ipinanganak si Adam kung kaya't nag-e-enjoy siya ng dual citizenship. Mula pagkabata ay sa Pilipinas na sila nanirahan pero it had always been known na pagkatapos niya ng High School ay babalik siya ng Amerika para magpatuloy ng pag-aaral.

Nakapasa siya sa Harvard sa kursong Business dahil responsibilidad niya ang pumalit sa kanyang ama, katulong ang half-brother niyang si Kane sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila.

He was doing well in Harvard. Pero mayroon siyang problema. Hindi siya nacha-challenge, alam niya kung bakit at alam niya rin kung nasaan ang kanyang tunay na interes. He had always wanted to be in the military. Hindi gaano ang interes niya sa armed combat kahit na bilang natural athlete ay alam niyang magiging mataas ang proficiency level niya roon. Mas interesado siya sa military intelligence. Even as a kid, he liked solving puzzles and mind games. He liked strategizing. Pero inisip na lang niya na ilang taon lang naman at makakatapos na siya ng kurso at makakabalik ng Pilipinas. Baka sakaling mabibigyan siya ng sapat na challenge ng corporate world and so he was willing to let things go along his family's wishes. And then destiny happened...

Nailigtas niya ang buhay ng isang kaklase sa aksidente sa isang college party sa Harvard. Dahil doon ay inimbitahan siya sa bahay ng mga ito. Nakilala niya ang ama ng iniligtas, isang high-ranking US Millitary official. Nakagaanan niya ito ng loob lalo na at pareho sila ng interes na hindi naman gusto ng anak nito. Naging malimit ang kanilang pagkukuwentuhan at nang mapansin nito ang genuine passion niya for the military ay hinikayat siya nito na mag-apply as Westpoint. Sabi nito dahil sa academic excellence na ipinakita niya sa Harvard, ang kanyang citizenship at ang mataas na rekomendasyong ibibigay nito, malaki ang chance na matatanggap siya.

Alam niyang hindi siya papayagan ng kanyang daddy kung kaya't isinikreto niya iyon dito. Nasa third year na siya sa Westpoint ng magpunta ito ng walang pasabi sa Amerika at doon ay nadislubre ang kanyang ginawa.

Noong una ay galit na galit ito sa kanya pero wala na rin itong magawa dahil sa pagmamatigas niya. Ever the businessman, his father offered a compromise.

"Okay, Adam, do it your way. Papayag ako rito pero may hihingin ako sa iyong kapalit. Pagbigyan mo ang sarili mo sa loob ng seven years. Two years na lang bago ka grumaduate at pagkatapos, serve the military for the minimum 5 years required. Pagkatapos noon, pagsilbihan mo naman ang iyong pamilya. Be the de la Cuesta that you are at bumalik ka sa Pilipinas para harapin ang responsibilidad mo doon."

Kahit na ang pakiramdam niya ay isa siyang batang pinayagang maglaro lamang ng computer sa loob ng ilang oras, it had seemed like a good compromise. Pumayag siya.

Pagka-graduate niya ng Westpoint, ang ama ng kaibigan niya rin ang nag-alok sa kanya ng kasalukuyan niyang posisyon sa isang Intelligence Division ng military. Doon ay nakuha niya ang respeto at paghanga maging ng mga Amerikanong katrabaho sa loob ng limang taon. Pero ngayon nga ay ay tapos na ang pitong taon niya. He needed to comply with his father's wishes. Napaghandaan na niya ito. At sa pagkakataong ito, siya naman ang may iaalok na compromise.

"Yes, dad. Uuwi ako sa Pilipinas pero kailangan mong pakinggan ang isa kong business proposition."

Sa salitang business ay nakita niya ang kislap ng mata ng kanyang ama. "Fire away, son," anito.

"Well, business for you but for me... Sabihin na lang natin na para hindi naman masayang ang pinag-aralan at training ko."

"What do you have in mind?"

"Karagdagan sa responsibilidad ko sa mga businesses ng pamilya, magsisimula ako ng isang maliit na private agency. The agency will provide services that will require my military expertise. Ako ang bubuo ang pipili ng mga projects na tatanggapin at ako rin ang mangunguna sa strategies. Bubuo ako ng isang maliit na team na siyang magra-run ng field operations..."

"Paano mo gagawin iyon?"

"May mga nakausap na akong influential people in the government and in the military as well. They are willing to support my operation and help me with the legal documents."

"Bakit nila gagawin iyon?"

Alam niya ang ikinakatakot ng daddy niya. Diskumpiyado ito sa maaaring hilinging hindi maganda ng mga nangako sa kanya ng support.

"Dad, I ran a background check on all these people. Malinis sila. They will support me dahil alam nilang makakatulong sa kanila ang karanasan ko sa intelligence work para suportahan ang kakulangan ng iba nilang operasyon sa Pilipinas. Strictly as a private entity of course. Para puwede kong piliin ang tatanggapin kong projects."

"Sabi mo maliit na grupo? How small?"

"Four women."

"Women?"

"Yes, dad. Sa karanasan ko rito, I found na mas mataas ang success rate ng mga planong ginawa ko na female ang field operatives. Of course, hindi mga ordinaryong babae lang ang pinag-uusapan natin. They should be physically and intellectually gifted. At dahil apat lang sila, their skills and talents should complement each other's."

Nanliit ang mga mata ng daddy niya. "Mukhang napag-isipan mo na ito ng mabuti Adam."

"Yes, dad."

"And what would you call this group?"

"ELEMENTS."

"Why?"

"Dad, youremember that in the ancient times, people believed that everything was made up of four elements? Ang apat na babaeng kukunin ko ay tatawagin sa mga pangalan ng elements as the old world knew them: Fire, Earth, Rain to represent Water and Wind to represent air.

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora