Taming Wind Chapter 1

4.4K 169 2
                                    

"Happy Anniversary, Rain!"

Itinaas ni Wind ang kanyang baso para makipag-toast sa apat niyang kasamahan. Isini-celebrate nila ang unang taon ng pinakabagong miyembro ng ELEMENTS at pumalit sa umalis na agent na may ganoon ding pangalan. Tulad din ng umalis na Rain, ang agent na gumagamit ng pangalang ito ay isang computer and electronic whiz. She liked this Rain better. In fact, sa kabuuan ay palagay niyang mas maganda ang composition ng ELEMENTS ngayon kaysa dati.

Tiningnan ni Wind ang tatlong kasama niya sa silid – ang tatlong pinakamagaganda, matatalino at matatapang na babaeng kakila niya: Si Fire, bagay dito ang pangalan nito dahil ang bawat galaw nito ay parang umuusok sa lakas ng sex appeal. Alam niyang, mag-flip lamang ito ng buhok o maglakad ng signature nitong glide ay ilang lalaki na ang magkakaroon ng heart attack. Si Earth ang pinaka-cool sa kanilang lahat. Kung titingnan mo ito, tilang wala itong katatakutan o iiyakan. Earth was also the most breathtakingly beautiful of them all with her Egyptian eyes and exotic coloring. Kapag minsan ay tinatawag nila itong Egyptian Princess. At naroon nga si Rain who was tall, willowy, graceful and a bit sad. Hindi niya alam kung anong kuwento ng buhay ni Rain at kung bakit may nakikita siyang lungkot sa mga mata nito. For that matter, hindi niya alam ang istoryng tatlong kasama. Never silang nagkita sa labas bilang magkaibigan. Bawal iyon para sa kanila. Pero ang tatlong ito ang pinakamalapit sa bestfriends na maituturing niya kahit pa ang simula at hangganan ng kanilang mga usapan ay puro trade-talks at palitan ng karanasan sa trabaho.

Oh well, that's Adam ang his rules. At siyempre pa sinusunod ng lahat ang rules ni Adam. Bukod pa sa si Adam ang founder at head ng Elements, hinala niya ay lagpas sa pagiging mortal ang tingin ng mga kasamahan sa boss nila. Sa katunayan, iyon ang gusto niyang mapatunayan kaya bumaling siya sa nagse-celebrate ng unang taon bilang pinakabagong miyembro ng Elements.

"Rain, may tanong ako sa iyo bilang naka-one year ka na rito. Ano ang unang impression mo kay Adam?"

"Wow! Let me see... noong una kong makita si Adam ang una kong naisip ay may tao palang ganito?"

Nagtawanan sila Fire at Earth. Iyong tawang parang nagsaabi ng, I know, right?

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang kanyang itinanong. "I mean, he seemed bigger than life. Parang he is so handsome and strong and... yeah, naalala ko eksakto ang naisip ko. Kasi ang daddy niya ang nagpakilala sa amin at ang naisip ko lang noon ay parang hindi bagay kay Adam ang may tatay. Parang ang pakiramdam ko, mas kapani-paniwala na dinala siya sa lupa ng isang kidlat or something."

"True. Parang anak siya ng isang Greek or Roman god or something," sang-ayon ni Fire. "Kapag tinitingnan ka ni Adam parang alam niya kung sino ka at saka kung ano ang iniisip mo. Pero at the same time, I felt immediately that he was someone I could trust."

"Me, too," sang-ayon ni Earth. "At hindi ako nagsisi na nagtiwala ako sa kanya. Adam is everything I thought him to be and more. Strong, intelligent, consistent. Of course, it doesn't hurt that he is so darned hot."

"True and correct," sang-ayon ng dalawa pang agents na ang isa ay may-asawa na at ang isa naman ay girlfriend ng kapatid pa mismo ni Adam.

See? Hindi ba tama ang kanyang hinala?

Magsasalita na sana siya para kontrahin ang obvious na idolatry ng tatlo kay Adam nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ito sa silid upang tila magbigay ng living testimony sa mga komento ng nga ito.

Just as he always did sa lahat ng kuwarto kung saan ito pumapasok, Adam filled the room with his presence. And it wasn't only because he was an extremely handsome man or that he looked taller than he actually was. It was also the the way he carried himself, as if he knew and understood everything

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Where stories live. Discover now