Taming Wind Chapter 8

3.5K 166 6
                                    

"You're cleared to go," sabi ni General Custodio sa kanya.

"Thank you, General."

The truth was papunta na sa airport si Adam. Kung hindi sila nakakuha ng clearance, illegal niyang gagawin ang operasyon kahit walang backup. Pagdating niya sa airport ay naghihintay sa kanya ang isa pang Heneral na doon niya tinagpo upang hindi makasayang ng oras. May kaunti silang sandali bago siya lumulan ng chartered plane para makapag-usap.

"General Buena," bati niya sa nakasibilyan at retired general na ama ni Camille.

"Adam," tugon nito sa kanya. "Any news on my daughter?"

"Wala pang latest, sir. Nakita niyo na ang brief na ipinadala ko tungkol sa kung nasaan siya. May nakikita ka bang dahilan kung bakit pupuntahan ni Camille ang ganoong kadelikadong lugar? Anong connection niya kay Yuson?"

Tumingin sa labas ang matanda, malalim ang iniiisip. "Hindi ako sigurado dahil hindi namin siya nahuli pero matapos kong basahin ang mga ipinadala mo, it all makes sense."

"Ang alin?"

"Totoong sa aksidente namatay ang kapatid ni Camille pero ang itinago namin ay kung bakit siya nasa lugar na iyon," nagsimulang sabihin sa kanya ng ama ni Camille ang lahat ng totoong nangyari ukol sa pagkakidnap dito noong bata pa ito, ang pagtakas, ang pagkamatay ng kapatid nito, pati na rin ang naging kundisyon nito pagkatapos.

"Walang ransom money o kahit ano? Why would someone want to kill your children General?"

"Nang matanggap ko ang brief mo at maghinala ako, I did my own research ko lang naiugnay ang lahat. Noong kakasimula ko pa lang sa military, I led an operation para hulihin ang isang small time na sindikato sa isang maliit na village kung saan nakatira ang mga ito. Kumplikado ang setup ng lugar na iyon, it was designed to be the perfect getaway for criminals. Maraming lunggang puwedeng pagtaguan sa loob mismo ng komunidad. Simple ang strategy namin, pinalibutan naming ang village na iyon so that walang makakapasok o makakalabas hangga't hindi sila sumusuko. MAtagal ang inabot ng operasyon at nang sa wakas ay mapasok naming ang village, dalawang bata ang natagpuan naming patay sa isang underground na taguan. Nakatakas ang kanilang mga magulang pero isang tagaroon ang nagsabi ng apelyido ng ama ng mga bata. Yuson. He was not even important then para pansinin. Just a small time runner. Apparently, his children were very sick. Kailangan nila ng immediate na medical attention na hindi naibigay sa kanila dahil sa amin. Knowing that, hindi na mahirap isipin kung bakit gusto niyang patayin ang aking mga anak. If we knew what you know now dati pa, hindi na sana ito umabot sa ganito."

"At ngayon ay hindi na ordinaryong criminal si Yuson. Isa na siyang makapangyarihang crime lord," banggit niya.

"At hawak niya si Camille, Adam. Kung kaya niyang pagplanuhan ng ganoong klaseng kamatayan ang mga bata, ano sa palagay mo ang gagawin niya sa anak ko kung mahuli niya ito na nagtatangkang maghiganti sa kanya?"

"Tingnan ko ang galing at tapang mo rito," sabi sa kanya ni Yuson.

Isinalya siya ni Primo papasok sa silid at napangiwi siya ssa lakas ng impact ng kanyang balikat sa sahig na siyang unang tumama sa sahig bago pa kumunokte ang kanang bahagi ng kanyang noo roon. She felt the pain somewhere in her ribs kung saan din siya tinadyakan kanina.

"Ito ang plano kong kamatayan sa iyo noong bata ka, ito pa rin ang makukuha mo ngayon," sabi nito sa kanya.

She looked at him with all the anger in her heart bago nito tuluyang isara ang pintuan sa kanya. Iniwan siya nito sa isang saradong saradong silid. Walang bintana at ang tanging pintuan ay ang isinarado ng mga ito. Walang paraan para mabuksan iyon mula sa loob ng silid.

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Where stories live. Discover now