Taming Wind Chapter 3

3.7K 146 2
                                    

Naglalakad si Camille sa likuran ng bahay-bakasyunan ng kaniyang mga magulang sa Batangas. Paborito niyang laruan ang lugar na iyon – siya at ang kapatid niyang si Marco. Naroon pa rin ang ang labyrinth na ipinagawa ng kanilang daddy para sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya ay napakalaki noon dati pero ngayong matanda na siya ay napakaliit lamang pala noon. Too bad, hindi na nakita ni Marco kung gaano kadali lamang liktawan ang boundaries ng garden maze na iyon.

Sa isiping iyon ay naramdaman niya ang luhang nagsisimulang mamuo sa gilid ng kanyang mata. Umiling siya. No! She shouldn't go there anymore. Ilang taong theraphy ang kinailangan niya para maka-recover sa traumatic na event ng pagkamatay ng kanyang kapatid at hindi niya dapat balikan pa iyon. Her father went through great lengths para hindi na dumikit sa kanya ang naging resulta ng nangyari. Hindi na siya dapat ma-depressed ulit. She should move forward sa direksiyong nais niyang patunguhan.

"Wind," banggit ng pamilyar na boses sa kanyang likuran.

Hindi niya inaasahang marinig iyon sa lugar na ito. Pumihit siya at hinarap ang pinanggalingan ng boses.

"Don't tell me personal mo pa akong pinuntahan para sabihing tapos na ang suspension ko. Hindi ba masyado pang maaga? Tatlong araw pa lang ang nakakaraan hindi ba?" aniya sa nagsalita.

"As a matter of fact, I am here because of that. I..." Napahinto ito sa pagsasalita nang tila may napansin sa mukha niya. "Wait, umiiyak ka ba?"

Kunwari ay natawa siya dahil sa sinabi nito. "Bakit naman ako iiyak? Besides, hindi ako iyakin."

"That's what I know. It's just that..." itinaas ang kamay sa gilid ng kanyang mga mata, pinunasan nito ang pamamasa sa gilid noon.

"Mahangin lang masyado. Naiiritate siguro ang eyes ko," paliwanag niya.

Tumango si Adam. "That's probably it," sang-ayon nito.

"Bakit ka nga narito?"

"Mali ang ginawa kong desisyon. Gusto kong mag-apologize."

"Oh.my.god!" bulalas ni Camille. Hindi siya makapaniwala. More than three years with Adam at kahit kailan ay hindi pa ito nag-apologize o nakagawa ng isang bagay na kailangan nitong ihingi ng tawad. Hinawakan niya ang leeg nito. "Are you sick or something?"

"Look, Wind, hindi madali sa akin ang mag-admit ng pagkakamali. Don't make it worse."

This was definitely not Adam. "Sino ka? Saan mo dinala ang boss ko?"

"I made a wrong decision. Hindi kita dapat sinuspinde until nakausap ko lahat ng involved."

Nanlaki ang mga mata niya.

Tumango ito. "Alam ko na na involved kayong lahat. Ikaw ang promotor dahil ikaw ang unang naisipang hingan ng tulong ni Rain pero hindi lang ikaw ang lang ang may violation. At naintindihan ko na kung bakit sa palagay mo ay dapat mong gawin amg ginawa mo. In the end, it was a good judgment call on your part. And I admire the loyalty that kept you from telling me of their involvement. I was too harsh on you. I'm sorry. Will you now go back to work?"

Kunwang nag-isip siya. "Uhmmm... let me see. So inaamin mo na nagkamali ka ng judgement?"

Adam actually looked uncomfortable. Gusto niyang matawa. She never thought she'd see that day. "Yes," sabi nito.

"Noong ako ang nagkamali, I got punished, hindi ba?"

"So, now na ikaw naman ang may mali, babalik na lang ako sa trabaho tapos, okay na iyon?"

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Where stories live. Discover now