Taming Wind Chapter 2

3.8K 159 6
                                    

Napailing na lang si Adam nang tinanaw niya sa bintana ang pag-alis ng pinaka-makulit at pinaka-pasaway na agent ng ELEMENTS. Parang hinahabol ito ng sampung demonyo kung magpatakbo ng sasakyan. Sa ordinaryong panahon ay lagi na lang naririnig  ang complain ng mga nakakasama nito na sa bilis raw magpatakbo ng kotse ni Wind, iisipin ng kasakay na may balak itong mag-time travel.

Napabuntunghininga si Adam.

He often found himself running out of ways to control the girl. Wala namang duda na asset ito ng ELEMENTS. Matalino ito, maabilidad at wala ng gagaling pa rito sa pag-rescue ng kidnap o hostage victims. If there was a way to rescue anyone, sigurado siyang mahahanap iyon ni Wind. Kung may sekretong passages sa loob ng isang building o tunnels sa gitna ng kawalan parang natural na alam nito kung paano iyon mapapasok. Kaya nitong magbukas ng kahit anong lock at walang daanang tunay na sarado para rito. Pero malimit sa hindi, her own willfulness got the better of her. And of him.

Sabagay, dapat ay inasahan niya ito mula sa dalaga mula pa ng pumayag siyang i-sign up ito sa ELEMENTS. After all, si Camille Jade Buena ang tanging miyembro ng ELEMENTS na hindi niya personal na hinanap o pinili. Ito ang lumapit sa kanya para kunin ang posisyong iyon...

Nakipag-meeting siya sa isang Five Star General na tulad niya ay graduate din ng Westpoint. Nasa final stages na ang pagpaparehistro at pagle-legalize ng ELEMENTS at kailangan niyang i-present dito ang buong scope ng puwede at hindi nila puwedeng gawin bilang isang pribadong organisasyon. Ito ang huling pipirma ng huli niyang kailangan – ang license to kill kung kakailanganin iyon ng mga agents niya para ipagtanggol ang kanilan sarili. Tulad lang din iyon ng mga lisensiyang ibinibigay mga pribadong nagpapatakbo ng security agency pero ginawa lang mas kumplikado ng pagiging highly confidential status ng kumpanya niya.

Nagsisimula pa lang ang meeting nang pumasok sa pribadong silid na iyon ang isang babae. The girl was young, mukhang teenager ito at maging ang ganda nito ay mas sa isang school-girl kaysa sa isang sopistikadang dalaga.

"Oh, I'm sorry, daddy, I didn't know na you have a visitor," sabi nito sa kausap niyang Heneral.

Napaisip siya. Daddy? Inalala niya ang content ng background check niya sa Heneral. Hindi niya in-expect na masyado pang mukhang teenager ang anak na ito gayong ang profile nito ay nagsasaad na early twenties na ang edad nito.

"No problem, sweetheart," sagot ng Heneral. "Hindi pa naman kami nagsisimula. You need anything?"

Tumingin ito sandali sa direksiyon niya. She smiled. Tila nag-transform ang buong mukha nito sa ngiting iyon. From a regular pretty girl, she became absolutely beautiful. Bahagya siyang tumango para i-acknowledge ang ngiti nito.

Tila naman napansin ng Heneral ang palitang iyon sa pagitan nila. "Adam this is my only daughter, Camille Jade. Camille, this is Adam de la Cuesta."

Inabot nito ang kamay sa kanya at tinanggap niya iyon. Her hand was soft and smooth, kamay ng isang totoong senorita. Napansin niya rin na halos sakupin ng buong kamay niya dahil sa liit ng kamay nito.

"Camille," untag rito ng ama nito. "So, may kailangan ka nga ba?"

Bumitiw sa kanya ang dalaga at humarap sa ama na parang noon lang naalala na naroon ito. May inabot ito ritong papeles. "Yes, dad. Papirmahan ko lang sana ito."

"Ano ito?"

"Deed of Purchase nung car ko."

"Oh, I see. Iyong kotse na ayaw kong bilihin for you in the first place."

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon