Taming Wind Chapter 10

6.2K 200 22
                                    

Nagtatawanan ang apat na babae sa living room ng marangyang bahay nina Adam de la Cuesta nang bumaba siya sa hagdanan. Tumigil siya sa isang baytang at pinanood ang mga ito.

Gamit na ng mga ito ang mga tunay na pangalan pero sa utak niya ay nakatatak pa rin kung paano niya ang mga ito nakilala.

Si Fire. The dancer in Boracay. Ever the temptress, she moved with such languid grace. Isa itong lost soul na natagpuan niya at hindi niya inakalang ito ang babaeng mamahalin ng kanyang kapatid na si Kane. The two were married for six months already and the orphan in Fire had finally found a home.

Si Rain. The water element. Her beauty is the simplicity by which she accepted her gifts. Isa na itong ina ng dalawang magagandang mga anak pero hindi pa rin nagbabago ang inosenteng ngiti nito.

Si Earth. From an ugly ducking to a fabulous beauty, the Egyptian Princess had finally found her prince. Alam niyang magkasama ang dalawang babantayan ang kahariang iniwan dito ng mayaman at eccentric na ama. She looked confident and happy, a far cry from the first time he found her, crying, heartbroken and wielding her foil at him.

And then there is Wind... She had finally dispelled of the darkness in her soul na kunwari ay nagbibiro nitong dahilan kung bakit gusto nitong sumali sa Elements. He should have known from the very first time he saw her that she was different. Kayang buksan ni Wind ang kahit anong lock o pintuan. Hindi nakapagtatakang, she also found a way to open his heart and his soul.

Tila naramdaman ang presensiya, tumingin ito sa direksiyon niya at ngumiti. Up to now, he still didn't understand how her smile could make him feel like he was a teenager with a silly crush. Ginantihan niya ang ngiti nito.

Lumipat ang tatlong pares pa ng ngiti sa kanya. "Hi, Adam," panabay na bati ng mga ito sa kanya.

"Hi, girls. You all look great," umakbay siya kay Camille at hinalikan ang ulo nito.

"Ang tagal mo naman kasing bumaba. May news pa naman kami sa iyo."

"Really? I was speaking with a classmate in Harvard may ibinibigay siyang maliit na project."

Nagkunot ang noo ni Fire. "What? Alam ba niyang wala ka ng license?"

"Uhm, about that. I was able to keep the license actually. It was just the government contracts I lost."

"Anong project iyong gustong ipaggawa ng friend mo?" tanong ni Rain.

"I don't know. Something about computer hackers. I did not listen anymore. Sabi ko all my agents are enjoying their perfect normal lives and I don't want to bother them anymore."

Natahimik ang buong silid.

"What? So anong surprise niyo?"

Parang nawalan na ng gana ang mga ito na sabihin sa kanya.

"May problema ba?" untag niya.

Nagsimula si Rain. "Not that I am not perfectly happy with my normal life. Pero iyong hackers..."

"Anong business nung friend mo?" tanong ni Fire.

"Maybe you should listen to what he has to say," suhestiyon naman ni Earth.

Nalilitong bumaling siya kay Wind. Nagkibit balikat ang kanyang asawa. "I think may gusto silang sabihin sa iyo," nakangiting sabi nito.

ELEMENTS BOOK 4 Taming Wind (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon